"Anak, pwedeng maiwan muna dito itong si Tanya?"
"Why mom?" Takang tanong ni Carl
Bukas kasi ay balak na namin bumalik ng Manila. Sa tatlong linggo namin pag stay dito ay naging maganda naman ang naging pakikitungo sa akin ni tita Carla
"You know, gusto kong bumawi dito kay Tanya at para mabantayan ko na din siya." ngumiti pa ito sa akin
"Babe, it is okay to you?" Tanong ni Carl sa akin
"Yes, dito ay hindi ko mabo-boring. May paglilibangan ako. At healthy din ang environment namin ni baby."
"Alright, every weekends bibisitahin kita dito. Our graduation is coming, kaya magiging busy ako."
Speaking of graduation, siguro kung hindi lang ako nabuntis ay isa din ako sa ga-graduate. But it's okay, hindi ko naman pinagsisihan na dumating ang anak ko. Makakapag aral pa naman ulit ako.
"Mami-miss kita." saad ko habang pareho na kaming nakahiga ngayon, and as usual. Nakayakap na naman siya sa tiyan ko
"I will miss you too, kayo ni baby." naramdaman ko ang paghalik niya sa tiyan ko
Napangiti nang maramdaman ang pagsipa ng anak namin.
"She kicked!" Parang bata itong tuwang-tuwa
Hindi talaga siya paawat na babae talaga ang magiging anak namin.
"Inaantok na'ko." humikab ako
"Sleep kana."
"Goodnight." saad ko at pinikit na ang mata ko
"Bye babe, mom, 'wag mong papabayahan na mapagod si Tanya." bilin niya
"Yes figlio." ngumiti si tita Carla
"I'm going now." humalik muna siya sa'kin bago siya humalil sa mommy niya
"Bye my figlio, take care okay?" Kumaway si tita Carla
Pagkaalis ng sasakyan ni Carl ay pareho na kaming pumasok sa loob ni tita.
"Now... My son is already gone. Hindi ko na kailangan magpanggap pa."
"P-po?" Utal na sabi ko
"Ang hirap pala maging plastic pagdating sa'yo. Porket nobya ka ng anak ko ay magiging buhay reyna kana dito. No, kailangan mong tumulong sa mga gawaing bahay."
Napayuko ako sa mga sinabi niya. Akala ko totoo na ang mga pinapakita niya sa akin. Bakit ba ang init ng dugo niya sa'kin?
"Antonio Villaflor... He's your father right?"
Napatingin ako sa kanya at taka siyang tinignan.
"P-paano niyo po nalaman?" Takang tanong ko
"Hindi ako tanga para hindi ka ipa imbestigahan. Lahat ng babaeng lumalapit sa akin ay pinapa background check ko. And it's your father fault... Kasalanan niya kung bakit namatay ang asawa ko. He killed my husband! Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa'yo ng anak ko. Nagpapaka tanga siya sa'yo kahit na alam na niya na ang ama mo ang pumatay sa asawa ko. Hindi na ako magugulat kung mamamatay tao ka din."
Hindi ko na naiwasang mapaiyak dahil sa mga binitawan niyang salita.
"N-nagkakamali po ka-"
"I will take revenge, sa'yo ko ibubuhos lahat ng galit ko. Napaka walang hiya ng ama mo, tinuring siya ng asawa ko na parang kapatid." gigil na sabi niya
"Nagkakamali po kayo ng iniisip sa'kin tita-"
"Don't call me that! Nakakadiri. I don't care kung ano pang gusto mong isipin ko sa'yo. Gusto ko ngayon ay ipag gaganti ko ang asawa ko. Kaya simula ngayon ay gagawin mo lahat ng mga ginagawa ng mga maids ko. I don't care if you're pregnant, baka nga hindi anak ni Carl 'yan." sinamaan pa ako ng tingin nito bago umalis
Napapahikbi nalang akong napaupo sa sofa.
I hate my dad so much! Ako lahat ang nagdudusa sa lahat ng mga ginagawa niyang kagaguhan.
Do I deserve this? May ginawa ba akong masama noong past life ko kaya ganito ang nangyayari sa akin ngayon? Pagod na pagod na ako... Ang tanging pinagkukuhanan ko nalang ng lakas ngayon ay ang anak ko at si Carl. Sila lang ang lakas ko ngayon
"Hey! Wake up!" Nagising ako sa sigaw ni tita.
Dahan-dahan ko namang idinilat ang mga mata ko. Agad na bumungad ang masamang mukha niya sa'kin.
"Here, wear this. 'Yan naman ang nababagay sa'yo" hinagis niya sa akin ang damit na pang katulong
"Unahin mong kuskusin ang sahig. Ayokong gumagamit ka ng map, gusto ko basahan. Total ay mukhang basahan ka naman." inirapan ako nito at lumabas na sa kwarto
Napakasakit mag salita, hay... Sana sumama nalang ako kay Carl sa Manila.
"Ginoo ko, hija bakit ikaw ang gumagawa niyan? Naku lagot ako sa alaga ko kapag nalaman niya 'to. Pinagkabilinan ka pa naman no'n sa akin. Hala tumayo ka diyan at si Sana na ang gagawa." stress na stress na sambit ni nanay Roning
"Ayos lang po nay, kaya ko naman." nginitian ko siya at tinuloy ang pagkukuskos sa sahig
Ayokong siya ang mabuntungan ni tita. Kaya ayos lang kahit na nahihirapan na ako dahil sa malaki na ang tiyan ko.
"Hinde, buntis ka hija, bilin ni Carl na wag kang pagurin dahil maselan ang pagbubuntis mo."
"Ayahan mo siya nay Roning, hindi siya reyna dito para magpakasarap." saad ni tita pagkadating niya
"Carla, ano bang nangyayari sa'yo at ganito nalang kainit ang dugo mo kay Tanya?"
"Nay, bumalik nalang kayo sa kusina." iwas niya sa tanong ni nanay
"Hindi, gusto mo bang mapahamak si Tanya at ang apo mo?"
"Wag na niyong kampihan ang babaeng 'yan. Her dad is the reason why my husband died. Ang ama niya ang pumatay sa asawa ko."
"Hindi naman kasalanan ng anak ang ginawa ng ama. Hindi patas ang ginagawa mo."
"Bumalik nalang kayo sa kusina, wag niyong pakealaman ang gusto kong gawin sa babaeng 'to. Baka sa inyo ko pa mabuhos ang galit ko."
"Sasabihin ko ito kay Carl."
"Don't you dare, gusto niyo ho bang mawalan ng scholarship ang apo niyo sa paaralan ko?" Banta nito
Bigla nalang naitikom ni nanay ang bibig niya at bigo akong nilingon. Ngumiti naman ako para sabihin na okay lang.
"Lahat ng mga maids dito, wag niyong ta-tratuhin na parang amo ang babaeng 'to. Ako lang." anunsiyo niya at iniwan kami
Kahit naiiyak na ay tinuloy ko na ang pagkukuskos.
"Tanya, gusto mo ako na gumawa niyan?" Linapitan ako ni Sana
"Hindi, baka mapagbuntungan ka ni tita." tanggi ko
"Nahihirapan kana oh, naiipit na din ang tiyan mo. Tumulong ka nalang sa pagluluto." wala na akong nagawa nang hablutin na niya sa'kin ang basahan
Inalalayan pa ako nito na tumayo.
"Fighting lang." ngumiti ito ng malaki
"Thank you." nginitian ko siya pabalik
I'm tired.
A/N: AKO DIN, NAG-IINIT DUGO KO KAY CARLA🙂
BINABASA MO ANG
Chasing Her (Chasing Series #2)
RomanceChasing Series #2 Started: 01/18/23 Ended: 03/01/23