"Tanya, do you want to go to the mall?"
Biglang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ang salitang "mall"
"Yes, why? Are we going out?" I asked
"Hmm, mag bihis kana." nginitian niya ako
Agad naman akong tumayo at pumanik na sa kwarto para maligo.
Sa loob ng tatlong linggo kong nakakulong dito ngayon palang ako makakalabas. Gugustuhin ko man tumakas ay hindi ko magawa. Ang daming bantay
"Are you ready?" Tanong niya pagkababa ko, nakasuot ako ngayon ng isang floral dress. Habang siya ay naka polo at trouser
Tango lang ang isinagot ko at nauna nang lumabas. Inalalayan naman niya akong pumasok sa front seat at pagkatapos pumasok na din siya sa driver seat.
"Pwedeng wag ka munang magsama ng mga bodyguards mo? Naiilang ako." saad ko habang nasa biyahe kami
"No, it's still dangerous."
"You know what, sawa na ako na palaging may sumusunod at nag babantay sa'kin. Akala ko tuluyan na akong makakalaya kapag sumama ako sa'yo. Pero hindi eh, mas lalo mo akong kinulong." hindi ko maiwasang reklamo
"Tanya, intindihin mo muna ang sitwasyon mo ngayon. Delekado ang buhay niyo ng anak natin. I'm trying to protect you and our baby." mahinahon niyang sagot
Hindi nalang ako sumagot pa, dahil tama siya. Pero nakakasakal na din kasi. Wala na akong kalayaan
"Why are you crying?" Naramdaman ko ang pagtigil nang sasakyan
Agad ko namang pinunasan ang luha kong hindi ko namalayan na tumutulo na pala.
"Wala." Nag iwas ako ng tingin
"I'm sorry hmm? Understand our situation please. Kapag maayos na lahat aayahan na kita sa lahat ng mga gusto mo."
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang haplusin niya ang pisngi ko. At ang hindi ko maintindihan ay mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.
"Hush... Everything will be fine." malambing na sabi niya at hinalikan ako sa noo
Why he's like this? Bakit ang sweet niya sa akin? I don't understand him.
"Don't cry na, pagkadating natin sa mall kakain tayo." ngumiti siya ng matamis sa akin at pinaandar na ulit ang sasakyan
After a minutes naman ay nakarating na kami sa mall.
"Where do you want to go first?" He asked
"I want ice cream."
"Alright, let's go." hinawakan niya ako sa bewang at pumunta na sa ice cream parlor
"What flavor do you want?"
"Kalabasa flavor." bigla nalang nalasaan ng dila ko 'yon
"What? Walang kalabasa flavor dito. That's impossible"
"Eh sa gusto ko no'n, gusto ko kalabasa flavor."
"Ah miss, meron ba kayo ng kalabasa flavor?" Napakamot pa siya ulo habang sinasabi 'yon.
"Wala po sir eh."
"Can you please make that ice cream for her? I will pay."
"Naku, imposible po ang sinasabi niyo sir."
"Wag na, iba nalang." malungkot na saad ko at lumabas na
"Wait! Tanya wait." naramdaman ko ang pag hawak niya sa braso ko
"Uwi nalang tayo." walang gana kong sabi
"No, hahanapin natin ang kalabasa ice cream mo. Paghahahanapan ko ang mga bodyguards." nginitian niya ako
"Gusto ko ikaw, ayokong sila ang bumili." kumunot ang noo ko
"Alright, upo ka muna dito. Don't go anywhere okay?" Inalalayan niya akong maupo sa isang bench
Tumango lang naman ako.
"Mabilis lang ako." hinalikan na naman niya ako sa noo
He's he- No Tanya. He's just acting, for the baby.
A minutes later, bigla nalang akong naiihi. Kaya tumayo na ako para pumunta ng restroom.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong ng isang lalaking lumapit sa akin
"Sa restroom."
"Samahan ko na po kayo."
"What? Diyaan lang ang restroom kuya. Ano, gusto mo isama pa kita sa loob?" Sarkastiko kong sabi
Napakamot lang naman siya ng ulo. Inirapan ko muna siya bago pumsok sa restroom na nasa tapat lang namin.
At habang naghuhugas ako ng kamay ay may pumasok bigla. At biglang kinabahan nang makita kung sino 'yon.
"D-dad." napaatras ako
"Long time no see my dear daughter." ngumisi siya
Hindi naman ako nakasagot at agad na pumasok sa isang cubicle. Hinihingal akong napasandal sa likod ng pinto.
Paano niya ako nahanap?
"Balita ko ang ama niyang bastardo mo ay si Gonza. Kahit kailan ang bobita mo, wala pa sa kalingkingan ni Zapanta ang Gonza na 'yon. Binabantayan kita Satania..." Dinig kong saad niya mula sa labas
Leave please...
"Bibigyan kita ng eight months Tanya... Aayahan kita sa poder ng lalaking 'yon sa loob ng walong buwan. At pagkatapos ng binigay kong panahon sa'yo ay iiwan mo ang mag-ama mo. Kapag hindi mo ako sinunod alam mo na ang susunod na mangyayari... Boom! Patay!" Tumawa siya ng parang baliw
Hindi pa din ako nagsasalita, ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak.
Tangina niya bakit hindi pa siya mamatay-matay?
Nang maramdaman kong parang wala na siya ay dahan-dahan na akong lumabas. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Carl na sinesermunan ang mga bodyguards.
"Where's Tanya? Hindi ba sabi ko sa inyo na bantayan niyo siya?"
"I'm here." sabat ko
Bumaling siya sa akin at agad na nabalot ang pagaalala sa mukha niya.
"Where did you go? Are you okay? May masakit ba sa'yo?"
"Umihi lang ako, 'wag oa. Where's my ice cream?"
Parang nakahinga naman siya ng maluwag at may kinuha sa isang paper bag.
"Here. Let's seat, para makain mo na."
"Sa bahay nalang, I want to go home." walang ganang sabi ko
"Are you okay?"
"Oo, gusto ko ng mag pahinga."
"Pero hindi pa tayo nagtatagal dito. Wala kana bang gustong puntahan?"
"Wala."
"Alright. Let's go home."
Pagkadating namin ng bahay ay agad akong naupo sa sofa. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.
"Here's your ice cream." sambit ni Carl at nilahad sa'kin ang ice cream
Tinanggap ko naman 'yon at sinimulang kainin.
"Are you really okay? Kanina ka pa tahimik. Hindi ako ma kampante na ganyan ka."
"Tinamad lang ako kanina, gusto ko nalang mag stay dito."
"You sure?"
"Oo nga, nakakairita ka. Kanina ka pa tanong nang tanong." inis na sabi ko
Ulit-ulit siya, ayoko munang kausapin siya. Baka masabi ko pa sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina
For my baby's sake, iiwan ko siya sa ama niya. Makakasigurado ako na magiging ligtas siya sa ama niya
A/N: SORRY FOR THE LATE UD, NAGING BUSY LANG SA SCHOOL:))
BINABASA MO ANG
Chasing Her (Chasing Series #2)
RomanceChasing Series #2 Started: 01/18/23 Ended: 03/01/23