13

1.6K 21 1
                                    

"Sissy I missed you!" Salubong ni Laila sa akin, pagkapasok niya sa bahay.

"I missed you too Lai." nakangiti kong sabi at kumaway kay Tammy at Rein

"It's your fifth month today, malalaman na natin ang gender ni baby." saad ni Rein

"Yeah, wrong timing nga kayo. Paalis na kami para pumunta sa hospital." nagsalit si Carl

"Edi sasama kami."

"Alright, let's go babe." hinawakan niya ako sa bewang

"Babe?!" Gulat na saad nilang tatlo

"Yes, let's go."

Masama naman akong tinignan ng tatlo. Ngumiti lang naman ako at lumabas na kami ni Carl.

"Ang healthy ni baby, tabachingching oh." turo ni doktora sa anak ko sa monitor

Hindi naman mapalis ang ngiti naming dalawa ni Carl habang mag kahawak kamay.

"Congratulations, it's a baby girl." masayang bati ni dok

"Yes! I told you babe. My Talia Camille" masayang sabi ni Carl at hinalikan ako sa noo

Nakangiti ko lang naman siyang tinignan.

I still have five months left...

"What's the gender?" Excited na tanong ng tatlo paglabas namin sa clinic

"It's a girl."

"Oh my gosh! May baby girl na tayo!" Tili nilang tatlo

"Let's go to the mall, bibili na tayo ng mga damit ni baby."

"No, wala ng bibili. Tama na ang mga 'yon" suway ko

"Wag ka munang kj sis, ang dami kong gustong bilhin para kay baby." Laila said

"Still no, napakarami na ng mga binili niyo noong nakaraang linggo. Ayon tambak sa nursery room"

"Alright..." lumungkot ang mga boses nila

"Wala pang crib si baby, babe, 'yun na muna ang bilhin natin." saad ni Carl

"Alright, 'yun lang ha? Wala ng iba."

"Oo naman."

"Anong magandang kulay babe, this baby pink one? Or white cream?" Tanong niya habang nag titingin kami ng crib

"'Yung baby pink, para mag katugma sa nursery room."

Balak kasi namin na papinturahan ng baby pink 'yung nursery room.

"Okay, miss, kukunin na namin 'to."

"Okay po sir, ide-deliver po namin agad mamaya."

"Alright, thank you." bumaling na sa akin si Carl at hinawakan ang bewang ko

"Where's the girls?" Tanong ko nang mapansing wala sila

"I don't know, busy tayo pareho sa pag tingin ng crib eh."

"We're here!" Napalingon kami sa kanila, at gano'n nalang ang gulat ko nang makita ang mga hawak nila.

Napakarami ng mga paper bags, halos lahat 'yon ay branded.

"I told you 'wag ng bibili ng kahit na ano eh." napailing ako

"Nabudol lang kami sis, ang gaganda kasi ng mga damit doon eh." palusot nila

"Hay nako, tsk. This is the last okay? Tama na muna 'yan, tsaka nalang kapag malaki na itong inaanak niyo."

"Okay."

"Carl, dito sa tabi ng pintuan mo ipalagay ang drawer ni baby. Tapos itong sofa ay sa tabi ng crib."

Ngayon ay inaayos na namin ang nursery ni baby. Napinturahan na din ang wall, bali inaayos nalang namin kung saan ilalagay ang mga gamit.

Bali ang crib ni Camille ay nasa gilid ng kwarto. Tapos ay katabi non ang single sofa para doon ako uupo kapag papadedehin siya. And then may isa pang mahabang sofa sa katapat na crib. Malaki itong nursery room kaya marami kaming mailalagay na gamit.

"Ayos na?" Tanong niya pagkatapos

"Yes, kulang nalang ay si baby." sabi ko at nilibot ang tingin sa buong kwarto

Nakita ko naman siyang lumuhod sa harap ko and he faced my tummy.

"We can't wait to see you anak, bilisan mo ang paglaki diyan ah? Ready na lahat, ikaw nalang ang kulang." kausap niya at hinalikan ang tiyan ko

He really love kissing my tummy and talking to our child. Araw-araw ay ginagawa niya 'yon.

"Baka magulantang ka kapag lumabas agad ang anak mo." natatawa kong sabi

"'Wag naman, gusto ko ay healthy ikaw baby ko kapag lumabas ka." he rubbed his nose to my tummy

Napapangiti ko namang hinaplos ang buhok niya.

"I love you."

Gusto kong sabihin sa kanya ang katagang 'yon. Kaso ay 'wag muna, let's wait the right time.

"Are you hungry? May cravings ka ba?" Tanong niya

"Tapos na ako sa paglilihi ko ano kaba. Pero gusto ko ng pineapple tapos isawsaw sa asin."

Ang sarap kaya non, naghahalo ang tamis at alat.

"Okay, pero 'wag masyadong damihan ang asin ha? Baka magka infection ka."

"Opo." nginitian ko siya

Hinalikan pa muna ako nito sa sentido bago tumayo. Ako naman ay tinuloy ang panonood ng an inconvenient love. Grabe naimpluwensiyahan ako ni Sana, nakakakilig nga talaga ang DonBelle.

Hindi ko maiwasang mapatili nang nasa bathtub scene na.

"What happened?!" Napalingon ako kay Carl

"Wala, nakakakilig lang 'yung pinapanood ko." kilig na kilig pa din ako

"Pinakaba mo 'ko, akala ko napano ka na diyan." tila nakahinga siya ng maluwag

"Where's my pineapple?"

"Wait lang, binabalatan ko pa. Next time wag kang masyadong tumili babe. Baka mapaanak ka ng wala sa oras diyan."

Tumawa lang naman ako at tinuloy ang panonood.

"Oh, why are you crying?" Tanong niya habang kasalukuyan kaming nanonood

"Aalis na si Ayef." umiiyak kong sabi habang kumakain ng pineapple

"It's just a movie babe." pinunasan niya ang luha ko

"Naaawa ako kay Manny." humagulgol ako

"Hush... Don't cry, mag jowa naman sa totoong buhay 'yan eh."

"Paano mo nalaman?" Pinunasan ko ang huhog ko gamit ang tissue

"Na chismis ko lang."

"Hindi ako na inform na chismoso ka pala."

"Ikaw din naman ah, I saw you before, sinusundan mo si Zeus at Akira."

Speaking of Akira... Gusto ko siyang makausap para humingi ng sorry. Kaso ay wala na daw siya dito sa pilipinas.

"I want to talk to Akira."

"Why?"

"Gusto kong sabihin sa kanya lahat."

"Ready ka na ba na sabihin sa akin ngayon?"

Napaisip ako, siguro nga, this is the right time para malaman niya ang lahat ng sa amin ni Zeus.

"Inutusan ako ni dad, inutusan niya ako na ipaako kay Zeus ang baby natin. Binantahan niya ako na papatayin niya ang anak ko kapag hindi ko siya sinunod. Pati 'yung pag punta namin sa condo ay planado, at kaya ko siya tinutukan ng baril sa hospital ay gusto na niyang patayin ang anak natin no'n." kwento ko

"I will definitely kill your father kapag nakita ko na talaga siya." galit na sabi niya

"Please don't, 'wag mong babahidan ang kamay mo. Ayahan mo na ang mga pulis ang gumawa non." hinawakan ko ang kamay niya para mapakalma siya

"I hope..." hinalikan niya ang likod ng palad ko

A/N: BUMABAWI AKO HEHE, ANG TAGAL KO DING WALANG UPDATE

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon