II: New Moon

16 3 2
                                    

The new month has come, and so does the moon.

I walked towards my window and stared blankly at the darkening sky. It will rain this evening, according to the weather forecast. I was having my moment when my younger brother repeatedly knocked on my door. Following that, he yelled something.

"Kuya, may balak ka pa raw bang kumain sabi ni Nanay?" Sigaw nito mula sa labas.

"Oo! Nagsasarado lang ng bintana." Mahinahon ngunit may halong inis kong sagot.

Pagkababa ko sa hapagkainan ay nakain na sila Nanay at Tatay, gayundin sina Alea at Leo, kambal kong mga kapatid. Ngumiti si Nanay nang makita ako kaya tumabi na ako rito para makakain na kami.

"Anak, tutuloy ka ba talaga sa Ateneo?" Bungad sa akin ni Tatay nang makaupo na ako.

"Opo, Tay. Natanggap ako sa scholarship na in-applyan ko. Pagkatapos siguro ng graduation ko ay magsisimula na akong maghakot ng gamit." Ani ko habang sumasandok ng kanin.

I'm in my final year as a STEM student, with only two months before graduation. I plan on taking medicine; I am aware that it will be a hard journey, but my parents are growing older. I want their dream for me to be fulfilled. Tutol sa desisyong paglipat ko ng bahay itong si Nanay dahil mas gusto niya raw na lagi akong uuwi. Pero wala namang magagawa, maganda ang aral sa Manila at kailangan kong mag-tiyaga roon.

"Buwan-buwan kang uuwi, ha?" Paalala ni Nanay na agad ko namang tinanguan.

Masaya naming tinapos ang hapunan. Ako na rin ang nag-presinta na maghugas ng pinagkainan para hindi na maabala ang kambal. Alam kong may mga assignments pa silang tinatapos kaya hinayaan ko na ang mga ito. Alam ko rin namang maya-maya lamang ay tatawagin ako ng mga ito para turuan sila. Grade 4 na sila kaya hindi na ganoon kahirap na turuan, maliban nalang kung may parte ng lesson ang nalilito sila.

I spent an hour and a half teaching the twins in their mathematics subject. Nasa Geometry na sila at danas ko ang paghihirap nila sa pagsasaulo ng mga formula. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa kwarto at ipinagpatuloy ang tinatapos na research. Alas-dose ko na rin ito natapos at may limang oras pa ako para matulog dahil maya-maya lamang ay babangon na ulit ako para ipaghanda ng umagahan ang kambal, sila Nanay at Tatay naman ay maaga ring pupunta sa palengke. Mabenta ang mga bulalak sa buwan na ito at paniguradong marami ang magiging suki namin.

"Pare! Pakopya nga ng Physics. Parang gago 'tong si Brett gumagawa ng sariling formula." Hindi pa man ako nakakapasok ng classroom ay agad na akong sinalubong ni Dex.

Dex and Brett are my close friends since highschool. Kahit na ba ABM ang strand na pasok sa kukunin nilang kurso ay mas pinili nilang samahan ako sa STEM, wala raw kasi silang kakilala sa ABM na pupuwede nilang kopyahan, gaya ng ginagawa nila sa akin ngayon.

"Sana manlang ay pinaupo mo muna ako, diba?" Sagot ko. Tumawa tawa pa ito at sinundan akong makarating sa puwesto ko.

"Talagang 10 minutes before bell ang pasok mo 'no? Walang palya eh." Reklamo pa nito at kusang kinuha ang notebook sa bag ko.

I'm already used to it. Pumasok lang yata ako para pakopyahin ang mga kaibigan ko. I am running for valedictorian in this batch, sana lang talaga ay hindi magkaroon ng problema. Napakagandang regalo nito para sa birthday ni Nanay sa susunod na buwan.

"May school visit next week, sasama ka ba?" Tanong ni Dex matapos nitong kumopya ng assignment namin sa Physics.

"Oo, Ateneo iyon. Mas mabuti nang maikot ko iyon bago ako pumasok doon." Sabi ko at tumango-tango ito.

"What if samahan na rin kita sa Med? Nakakaawa ka kasi, baka ma-miss mo yung ko-kopya sa'yo tuwing umaga." Pangga-gago nito.

"Excited na nga akong mawalay sa inyo ni Brett." sagot ko na ikinasimangot nito.

Phases of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon