IX: Waning Crescent

4 2 0
                                    

Six nights. I cried my heart out for six nights in my room. I will just go out every morning to assist my mom's friends and other people who bothered to show up at her wake. But a person who I expected to mourn with me didn't come. Aurely. I am waiting for her every night. I am waiting for her comfort. Even if we broke up, she is still the person I want to be with at my lowest. Until my mom's burial came and no one showed up. Wala lang ba sa kaniya si Nanay? Wala lang ba ako sa kaniya?

Hindi ko rin nasipot ang graduation ko dahil wala akong ganang tumanggap ng diploma kung hindi ko naman makakasama sa stage ang Nanay ko. The university just called me to pick up the diploma and other certificates that I was supposed to claim that day.

A week after the burial ay nagbabalak akong bumalik sa Manila. I am planning to move out, babalik ako rito sa probinsiya at dito nalang maninirahan. Wala akong pakialam kung nandoon sa Condo si Aurely. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko haharapin si Aurely. Baka imbis na magalit ako o magwala ay lumuhod pa ako sa harapan nito at magmakaawa na balikan niya. 

I didn't bother to knock as I stood in front of our condo unit. Mabilis kong iniligay ang pin sa lock at mapait na napangisi nang malaman na hindi niya ito binago. It is our anniversary date. Nang magbukas ay dumeretso ako sa kwarto namin, hindi na ako nag-abala na lingunin ang kama kung naroon ba si Aurely o wala. I entered our walk-in closet and started to pack up my clothes.

"Lucio," saglit akong napatigil nang marinig ang boses niya sa likuran ko.

"Where are you going? Lucio. You can't leave me, Lucio. Please, I didn't mean to say those words to you. Hon, I'm so sorry." Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. 

A tear fell from my eyes. I know. I know that you didn't mean those words. Nadala ka lang sa galit dahil bumalik ang Tatay mo tapos nakita mo pang may kayakap ako. Kahit naman sino ay magagalit kapag ganoon ang nangyari. But, she can still say sorry the day after. Pero bakit hindi na siya nagpakita.

"Lucio," She held my arm to stop me.

"Fuck, get off!" Marahas kong tinabig ang kamay niya.

"Ah!" Pagsigaw niya, mukhang napalakas ang pagtabig ko rito.

Mabilis ko siyang hinarap para tignan kung ano ang nangyari pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko siya. She has a lot of bruises in her arms and thighs, may sugat rin ang ibabang labi niya. Mukha siyang nabugbog. And there is only one person I know who can do that on her.

"What the fuck happened to you?!" Mabilis ko itong nilapitan at sinipat-sipat ang katawan. Napangiwi siya sa paraan ng paghawak ko kaya binitawan ko na ito.

Hindi siya sumagot bagkus ay malakas itong humagulhol. "Where did you get these bruises?" nanginginig ang boses kong tanong sa kaniya.

Para akong sasabog sa galit. Dahan-dahan ko siyang inakay papunta sa kama namin para makausap ng masinsinan. Nang maiupo siya ay lumabas ako ng kwarto para ikuha siya ng tubig. 

Is this the reason why she wasn't able to go to my mother's wake and burial?

"Lucio, I'm so sorry." umiiyak pa rin nitong sabi matapos uminom.

"Aurely, what happened to you? What the fuck happened?! Did your Dad do this? Did that asshole do this?!" I burst out of anger when I watch her nod.

"When? When and where did you get these?" Pilit kong ikinakalma ang sarili. Makakuha lang ako ng sapat na impormasyon kung nasaan ang Tatay niya ay hindi ako maga-atubiling pumunta. "Aurely, answer me!"

"Lucio, please calm down." Pagpapakalma nito sa akin.

"How can I calm down? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana pinigilan kitang umalis!" napahilamos ako ng mukha at naupo sa tabi niya.

Phases of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon