III: Waxing Crescent

8 2 1
                                    

"Ang daming Aurely, puro matatanda na yung naririto oh! Bakit mo naman kasi kinalimutan yung apilyedo?" Inis na sabi ni Dex.

Narito kami ngayon sa isang computer shop. Halos isang oras na mula nung makauwi kami galing Manila. At hanggang ngayon ay siya pa rin ang nasa isip ko. Napakaganda niya talaga. Bago pa nga umuwi ay nilapitan ako nito at sinabing mag-iingat kami. Pucha, aatakihin ako sa puso ng wala sa oras!

"Hanapin mo lang, p're. Ikaw, Brett? May nahanap ka ba sa Instagram?" Lumipat ako kay Brett na abalang maghanap ng pangalan sa Instagram.

Pinapahanap ko kasi sa kanila ang social media accounts ni Aurely. Bawal akong magpaka-torpe rito. Mahirap na, sa ganda niyang iyon mukhang marami talaga akong kaagaw. Alam ko namang gwapo ako pero hindi nga lang mayaman katulad niya.

"Pare, utang na loob. Pumirmi ka naman muna. Kung hindi ka ba naman ulyanin, edi sana ay kanina pa natin nahanap at chatmate na kayo ngayon." pangangaaral nito sa akin. Naupo naman ako sa katabi niyang upuan at pilit kinakalma ang sarili.

"Putangina! Nahanap ko na! Aurely Valienca!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang isigaw iyon ni Dex. Mabilis kaming pumunta sa tabi niya at tinignan ang screen.

"Siya nga." Nakangiti kong sabi.

"16 years old. Grade 11-ABM. Pwede na, isang taon lang naman ang agwat." Napangiti ako sa sinabing iyon ni Brett.

"Ang ganda niya." Wala sa sarili kong bulong.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at sabay pang nag-apir sa harapan ko. Para bang ngayon lang nila ako nakitang mahulog ulit sa isang babae. Nagkagusto rin naman ako sa ibang babae noon, ang kaso ay nato-torpe akong lapitan kaya lagi akong nauunahan.

"Umuwi ka na p're at mag-first move ka na. Mukhang kilala ka na no'n, tumatak na sa isip no'n ang pangalan mo." pang-aasar pa ng dalawa bago kami maghiwa-hiwalay.

I was smiling ear-to-ear while walking on my way home. It feels surreal. Naging priority ko rin kasi ang pag-aaral at kita naman ngayon ang mga pinaghirapan ko, nakapasa sa ADMU at may tsansa pang araw-araw makita si Aurely.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko simula ng gabing iyon. Napansin na nga rin iyon nila Nanay at Tatay kaya wala sa oras akong napakuwento sa kanila. Ipinakita ko pa sa mga ito ang Facebook ni Aurely. Tulad ko ay gandang-ganda ang mga ito sa kaniya. Matapos maghapunan ay pumunta na ako sa kwarto para makapagpahinga. Ginawa kong libangan ang pagi-scroll sa timeline ni Aurely. She is an only child and her parents owns a Law Firm. She loves posting moon and sunsets, dahil sa highlights nito. Sobrang linis din ng feed niya, halos shared post lang about bible and quotes.

Gaya ng payo ng dalawa pati na rin ng Tatay ko ay naglakas loob na akong i-add friend siya sa FB. Pagkatapos noon ay nakatulog na rin ako dahil sa pagod. Kinabukasan naman ay may klase kami at balik na naman sa normal na routine. Isang linggo na yata ang nakalipas ay hindi pa rin niya ako ina-accept. Nang i-kwento ko ito sa dalawa ay inulan na nila ako ng panga-asar, kesyo mukhang wala raw akong pag-asa o kaya ay hindi raw ako magugustuhan no'n.

"Just wait for me to transfer into your school. Hindi kita titigilan." sinsero kong sabi na ikinahagalpak ng dalawa.

"Tangina, ipagpalit ba naman tayo sa ABM student? Pare, alam mo bang ang STEM ay para sa STEM lang?" Tanong ni Dex kaya napatawa ako.

"I don't care. Dude, can't you see how she smiles? Parang pinasaya na din niya buong pagkatao ko." I was staring on something while saying that.

"Tara na nga." pikon na sabi ni Brett at hinila si Dex.

"Dude, wait!" tawang-tawa ko silang tinawag at tumakbo na para humabol.

Naging busy pa kami sa sumunod na buwan dahil finals na namin para sa semestre na ito. May mga program at event pang pinapagawa ang mga guro at propesor namin dahil magtatapos na kami. Ako ang naging valedictorian ng klase, at sobrang gandang balita iyon para sa magaganap na birthday ni Nanay sa Sabado. Tuwang tuwa din ang mga kaklase at kaibigan ko sa anunsyong iyon. Hindi na rin sila nagtaka dahil kitang kita naman nila kung gaano ako nag-excel ngayong taon.

Phases of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon