VI: Full Moon

5 2 0
                                    

Her name means "The Golden One," no wonder that meeting her is the most valuable thing that has ever happened to me. I knew the moment I saw her that I would fall deeper than anyone else imagined. I stayed as her friend as I promised her four years ago. I was there while she was healing, when she graduated, when she missed her father, and I was there for four long years.

I admit that I feel tired while waiting for her. But I've committed myself to her, and I don't want to hurt her the way her father did. I don't want her to go through another heartbreak. I saw many aspects of her as well as her to me. I know and feel that she already has feelings for me, perhaps she simply can't tell them, but I still waited.

"What took you so long?" I chuckled when I saw her a little bit startled as I suddenly appear in front of her.

I'm outside of her room and waited for her class to finish. Most of her classmates already went out but she was still inside. She's now in her 3rd year of taking Legal Management. Bahagya nitong hinampas ang braso ko dahil sa ginawa kong panggugulat. Inirapan ako nito at hindi sinagot. Dere-deretso siyang lumagpas na para bang hangin lamang ako. That is why it is a bad move if I surprise her when she fails in her recitation. I scratch the back of my head because of embarrassment, she's not in the mood again.

I always stay silent whenever she is like this. At ganoon din siya sa akin, hanggang sa makarating kami sa lobby ng dormitory ay wala kaming imikan. I followed her hanggang sa makarating siya sa kwarto niya. Walang 'bye' o 'ingat' akong narinig, bagkus ay pabagsak niyang isinara ang pinto.

"Sa akin ba galit 'yon? Wala naman akong ginawa ah?" Nakasimangot akong bumalik ng elevator.

Hanggang sa makarating sa kwarto ko ay iniisip ko pa rin kung may mali ba akong nagawa o sadyang ayaw niya lang kumausap ng tao ngayon. Kaya naman agad akong nasita ng dalawa kong kaibigan nang makapasok ako sa kwarto.

"Anong mukha 'yan?" Bungad ni Dex.

Hindi ko ito sinagot at nagdere-deretso nalang sa sofa at pabagsak na umupo roon. Agad naman akong tinabihan ng dalawa.

"Pinatigil ka? Wala na kayo? May iba na?" Sunod sunod nilang tanong.

"Siraulo!" Sabay ko silang binatukan. Ano ba naman klaseng tanong iyon?

"Hindi niya ako pinapansin." sabi ko na nagpasinghal sa dalawa.

"Tangina, ang babaw mo naman. Tignan mo nga kalendaryo mo. Bobo akala ko naalala mo kaya maaga kang umalis, hindi pala." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Brett.

Wala naman kaming okasyon ngayon, sa susunod na linggo pa ang birthday niya. Pinaghahandaan ko iyon kaya hindi ko puwedeng kalimutan iyon. Agad kong kinuha ang selpon ang pumunta sa calendar. Malakas akong napamura nang makita kung ano ang mayroon ngayon.

"Shit, it's her Dad's birthday." Bulong ko.

Oo nga pala! I promised her na magce-celebrate kami ngayong araw! Nawala naman sa isipan ko dahil marami kaming naging quiz kanina. Napasapo ako sa mukha at hindi malaman kung ano ang dapat kong gawin na pambawi. 

"May ice cream na binili si Brett. Dalhin mo muna sa kaniya." Napa-angat ako ng ulo nang marinig iyon.

"Gago ka ba? Galing mo ah, parang ikaw ang bumili." Sagot ni Brett, pero hindi siya nito pinansin bagkus ay pumunta sa kusina para kuhanin ang ice cream.

"Walangya, at ibinigay pa!" Hindi makapaniwalang sabi ni Brett.

Hindi ko na mapigilang matawa dahil sa ginawa ng dalawa. They're very supportive to me. Botong-boto naman sila kay Aurely kaya ganoon nalang din ang pagtulong nila sa akin sa tuwing may away kaming dalawa.

Phases of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon