IV: First quarter

6 2 0
                                    

That unexpected encounter we had didn't make me sleep at night. Alas-onse na ng gabi ay gising pa rin ako. Palagi kong naaalala ang mukha niya kanina, she even glow more. Para bang hindi siya stressed sa strand niya. Sa pagka-kaalam ko ay grade 12 na siya next school year at ABM pa rin ang strand na kukuhanin. Pinipilit kong dalawin ako ng antok nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Aurely Valienca accepted your friend request.

Shit? Shit! Napabalikwas ako nang mabasa ang notification na iyon. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ako, pero ganoon pa rin. Para akong napangiti nang biglang mag-pop sa messenger ang "You are now connected in messenger." Pwede bang hindi lang sa messenger?

Dahil doon ay naglakas loob akong i-chat siya. I saw her online, sana lang ay hindi ko siya maistorbo ng ganitong oras.

Lucio Callejo: It took you a month before you accepted my request.

Aurely Valienca: Uy! Good evening. I am so sorry, I just got the time to scroll through my friend requests.

Wow? That means hinanap niya pa ako sa requests niya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang batiin niya ako ng good evening. Kung alam niya lang na hindi lang ito good evening, kundi BEST evening. Fuck?

Lucio Callejo: I've seen you earlier.

Aurely Valienca: Same. Did you grow taller? Hahaha.

Napatawa ako nang malakas dahil sa chat niyang iyon. Talagang ang mga babae ay sa height ng lalaki tumitingin, ano? Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin bago mag-alas dose. Pinatulog ko na siya dahil ayaw ko namang maging dahilan ng paglaki ng eyebags niya. Though, it is fine. At least ako lang ang pinagpupuyatan niya.

"Bro, you wouldn't believe me." Pagbungad ko sa dalawa kinabukasan.

They were peacefully having their breakfast. It is a good thing that they didn't wake me up because I really had a good dream last night. Agad kong kinuwento sa dalawa ang napaginipan ko at tanging "para kang tanga." lang ang naririnig ko mula sa kanila. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mag-vibrate ang phone ko. Paniguradong nangangamusta lang sila Nanay kaya agad ko itong kinuha.

"Jesus Christ..." I muttered when I saw who texted me. It was Aurely.

Aurely Valienca: When will you enrol? Let me help you out, I know that you and your friends need a help since you're all freshmen here.

"Anong nangyari?-- Putangina, si Aurely ba 'yan?" Tila na-pipe ako dahil sa nabasa.

Hindi pa ako nakampante dahil in-scroll down ko pa ang convo namin, ibig sabihin ay hindi iyon panaginip. It really happened! It wasn't a dream! Para akong hihimatayin pero hindi ko itinuloy dahil kailangan ko siyang replyan. Ayoko namang maramdaman niya na hindi siya belong...sa akin.

Lucio Callejo: Hey, good morning. I am planning to do that today. Are you free?

Kahit wala sa plano ko 'yan ngayong araw ay iyon ang nasabi ko. Nabatukan naman ako nung dalawa dahil ang plano nga namin ay sa susunod na Linggo dahil may hindi pa sila tapos na requirement. Nang mag-reply si Aurely ng 'yes' ay minadali ko na ang pagkain ko at mabilisang naligo.

Napag-usapan naming magkita sa lobby ng dormitory. I made sure that I look good and I smell good. This will be our second interaction if ever, the first one was when she bid us goodbye at the school visit. Pagkabukas ng elevator ay nakita ko na siyang nakaupo sa couch ng lobby. I think she have noticed my presence kaya napalingon siya sa bandang kinatatayuan ko. Tumayo na siya at hinihintay na lang ako makalapit.

I took a scan of her. She is wearing pants and partnered them with a plain violet shirt. She looked fresh in that simple outfit. I am starting to like her even more, she is very a simple girl. I am actually expecting that she would wear something super girly or an OA outfit like other students here in Ateneo, but no.

Phases of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon