Sinag ng araw ang gumising sa akin, hirap kong binuka ang aking mga mata at napainat saka bumuga ng hangin.
Good morning self! Salitang narinig kong sinabi ng utak ko.
I rolled my eyes though napasinghap ng maramdaman ang konting sakit.
Walang maganda sa umaga ko ngayon! Bad morning ako!
Tuluyan ngang bad ang morning ko kahit sa pagpasok ko sa paaralan. Nakikita ko ang mga magkakaibigan sa gilid, sa kalsada, at sa harapan ko na nagtatawanan, nagkwekwentuhan at nagbibiruan.
Naalala ko si Sierra.. Papansinin pa ba niya ako ngayon? Mahirap nang umasa sa wala dahil umpisa palang kahit na sinasabi mo sa sarili mong meron kung sa iba naman pala ay wala, maiiwan ka paring mag isa.
Lakad lang ako nang lakad hanggang sa paanan ng hagdanan ng may nakita akong paa dahil nakatingin lang ako sa baba.
Tinaas ko ang ulo ko at nakitang si Sierra ito. Nanlaki ang mata ko dahil siya lang ang iniisip ko kanina at ngayon nasa harap ko na siya.
"H-hi." wika ko saka binaling ang tingin sa hagdan at nagsimula na akong maglakad pataas.
Narinig ko ang pagtayo niya at pasunod sa akin dahil sa yapak ng paa niya, ngunit hindi ko siya pinansin.
Nang makarating ako sa floor kung saan nandoon ang room namin ay doon siya napabuntong-hininga.
"Sav." Wika niya na parang gusto akong makausap. Nilingon ko lang siya nang kaunti kaya ang side lang ng mukha ko ang nakikita niya.
"Huh?" sagot ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Are you...avoiding me?" Kunot noo niyang tanong sa akin pagkatapos ay binasa ang ibabang labi.
"N-no..?" Nag aalinlangang tanong ko dahil hindi ko alam kung saan ito mapupunta.
Nakuha na niya ang atensyon ko kaya napaharap na ako sa kaniya.
Halata ba ako?
"Am I.. that obvious?" Kinalma ko ang sarili nang maramdamang nagsisimula na naman akong kabahan..kahit sa kaunting bagay lang ito.
"So you're avoiding me." She said it not like asking me but telling herself the fact that I am really avoiding her. Tiningnan ko lang siya dahil wala akong masabi.
Lumayo ka nalang Sierra! masisira ka lang kung kagaya ko ang kasama mo! I'm not worthy of your time. Please.
Parang narinig niya ang sinabi ko nang bigla siyang tumango bago nagsalita, ang mga matang nakatingin sa akin ay biglang nanlamig.
"I thought we're friends Savannah." malamig na saad niya.
Nakaramdam ako ng saya sa puso ko ngunit wala iyon sa sakit na nararamdaman ko dahil sa lamig ng boses niya.
She wants to be friends with me..
"but you're already giving me answers na ayaw mo akong maging kaibigan mo." She continued.
Napailing ako saka humakbang palapit sa kaniya at agad din akong tumigil ng humakbang din siya palikod.
Parang may kumirot sa puso ko sa ginawa niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Hindi s-sa ganon Sierra-" Gusto kong magpaliwanang but she cut me off."Yes it is." madiin niyang sinabi bago umiling na para bang disappointed siya sa akin.
"Mabait ka naman kaya gusto kitang maging kaibigan, I want to introduce you to my friends sa susunod na araw because they are busy these days but I think you don't need a friend Savannah. Sarili mo lang iniisip mo hindi mo kailanman inisip ang ibang tao." Napasinghap ako sa sinabi niya, alam kong dumaan ang sakit sa mata ko sa sinabi niyang yon..dahil alam ko na..alam ko na dati pa ay hindi ko na kailangan ang kaibigan dahil hindi ako bagay sa kanila.
YOU ARE READING
The Way You Held My Hand
RomanceIn a world full of people minding their own business may mga tao lang talagang kahit di na sinasabi kung kailangan ka o hindi ay pupunta parin siya para tulungan ka.. Meet Savannah Rouse and Xavier Navarro a young lady who smiles and all in front ju...