Chapter 10

14 0 0
                                    

Nakatingin ako sa orasan dito sa sala habang pinupunasan ang aking buhok dahil katatapos ko lang maligo.

Napunta ang isip ko sa nangyari kanina.

"Take a bath baka magkalagnat ka dahil nabasa ka sa ulan."

After that he went to his apartment. He did not even wait what I am about to say even just the word "thank you" I just stared at his back a little before going inside my apartment to take a bath.

I'm not feeling cold though I'm more feeling hot. Mostly my cheeks.

Akala ko wala ka nang pakialam sa akin?

Wow!

Whats with the sudden change of heart Xavier? O baka naman naawa lang sa akin? Bahala na basta pinansin niya ako okay na...

Hay anong okay na! Hindi ka pa nagpapasalamat sa pagtulong niya sayo okay na?! Naiinip na ako rito mag aalas onse na ng gabi.

Bumuntong hininga ako at tumayo. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero ang alam ko lang nakapagdesisyon na ako. Binaba ko ang tuwalya sa sofa at pumunta sa kwarto para tingnan ang sarili sa salamin.

Nakapajama at t-shirt lang ako medyo basa pa ang buhok ko.

Ayos na ito kailangan pa bang mag ayos? gabi na at sa apartment lang naman niya ako pupunta. Sasabihin ko lang na salamat aalis rin ako agad.

Pagkatapos tingnan ang sarili ay lumabas na ako alam ko naman kung nasaan ang apartment niya konting lakad lang naman.

Habang naglalakad ako ngayon lang ako nakaramdam ng lamig. Bakit pa kasi ako pumunta ngayon eh umuulan nga pwede naman na ipagpaumaga.

Still talking with inner self hindi ko na napansin na nasa harap na ako ng room niya.
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko para tingnan kung may tao at nang makitang wala ay tumingin ulit ako sa pintuan niya para kumatok.

Naiwan sa ere ang kamay ko.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na medyo uwang ang pintuan niya. May konting ilaw na lumalabas mula rito galing sa loob.

Hindi niya ba ito sinarado? Baka nakalimutan.

Makakalimutin rin ito minsan ah! Halika ako mag aalaga sayo babantayan kita 24/7 ehe!

Umiinit pisngi ko sa mga walang kwentang naiisip nito kaloka!

Isinawalang bahala ko ang nasa isip at kumatok sa pintuan ng tatlong beses.

I clear my throat "Uh..Xavier? Nandyan ka ba?"

I waited for his response but it did not come. I knocked again.This time a little louder for him to hear it somehow kung nasa loob siya.

"Xavier a-ako 'to si Savannah. Ano magpapasalamat lang sana ako kanina. Yun lang..sige goodnight!" Hindi ko alam kung narinig niya pero hindi ko ata kayang kausapin siya ng harapan parang mawawalan ako ng lakas.

Pagkatapos ko magsalita ay naghintay muna ako ng sampung segundo. Nakatulog na ata pero bakit hindi nakasarado ang pintuan niya? May kasama ba siya? Baka may kausap at hindi ko man lang naisip na wala pala akong kaalam alam tungkol sa kanya baka may girlfriend o pamilya siya rito.

At nagpunta ka pa!

Thinking he has a girlfriend make my heart ache a little. Hindi niya kasi sinasabi kung may girlfriend siya para hindi ako ganitong nagpapakatanga. Bakit hindi niya na lang ako iwasan kung ganoon?

The Way You Held My HandWhere stories live. Discover now