Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana ko.
huh? Nakalimutan ko ba itong isara kagabi?
Kunot noo akong bumangon at naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin sa braso ko na hindi natakpan ng kumot ko.
Hindi ko maalala ang nangyari kagabi..ano ba iyon? Tumingin ako sa side table ko at may nakita akong isang sticky notes na nasa ibabaw kaya kinuha ko ito at nakitang may nakasulat.
Nagulat ako at biglang nag init ang pisngi ko sa hiya nang maalala ang nangyari.
Siya pa talaga nagbantay sayo Savannah!
Bigla akong tinubuan ng hiya.
Shit!
"Left this note to you. I cooked you soup for your fast recovery, it's in the kitchen. And don't worry I already informed your professor that you are excuse. I told them you are having a fever. I'm at school right now just call or message this number if you need anything." Pagkabasa ko may nakita akong number sa baba ng sulat.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinave ang number niya. Tinitigan ko ito, gusto kong imessage para magpasalamat pero baka busy siya at nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kagabi.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Bakit ko siya hinayaang samahan ako kagabi? Bakit hindi ko nalang siya pinalayas?
Ano ba itong nararamdaman kong kakaiba kapag kasama ko siya? Parang mayroong lumilipad na paru-paro sa tiyan ko kapag tinitignan niya ako. Nag-iinit at tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag nararamdaman ko ang presensya niya kahit bilang pa lang ang mga oras at araw na pagsasama namin.
Na kahit konting galaw lang niya ay kumakalabog ang puso ko...
Pero hindi ko magawang ipakita ang raramdaman ko. He's out of my league maraming tumitingala sa kanya kahit na kaparehas ng bato ang pinapakita niyang panlabas na anyo. Stone. Cold. Parehas lang.
Bumaba ako sa kama at pumunta sa kusina. Agad na bumungad sa akin ang amoy ng sopas na may carrots.
Unti-unting kumawala ang ngiti sa bibig ko habang tinitingnan ang ulam saka ako kumuha ng kutsara para tikman.
Agad kong nagustuhan ang niluto niya kaya binilisan kong kumuha ng pinggan para kumain na. Hindi ko na inisip ang mga nagbabadyang hindi magandang ideya sa utak ko.
I need to get rid of this real fast.
Ayokong mahulog. Ayokong masaktan sa huli. At isa pa..wala akong karapatan dahil una palang gusto ko lang humingi ng tulong para sa requirements na tatapusin ko. But that doesn't mean na ginagamit ko lang siya. I want to be friends with him. Kahit hanggang doon nalang. Ayos na.
Hanggang kaya ko pang tiisin. I'll be fine.
:) Sorry for late update. Short chapter muna tayo ngayon!💖
YOU ARE READING
The Way You Held My Hand
RomanceIn a world full of people minding their own business may mga tao lang talagang kahit di na sinasabi kung kailangan ka o hindi ay pupunta parin siya para tulungan ka.. Meet Savannah Rouse and Xavier Navarro a young lady who smiles and all in front ju...