"Get your hands off her or I'll kill you." Matigas na boses ang narinig ko mula sa likuran at ganon na nga ang pasalamat ko nang makilala kung sino ang nagsalita. Halos mapuno ng luha ang mata ko at paglabas ng hikbi sa bibig ko sa nararamdaman ngayong may tutulong sa akin.
Napatingin ang kanyang mga malamig na mata sa akin lumambot ang tingin niya ngunit dumilim ito nang makita ang braso kong hawak ng lalaki. Mabigat ang paghinga niyang naglakad papunta sa akin.
Hindi ako nakagalaw nang biglang hinawakan ni Xavier ang kamay ng lalaking nakahawak sa kamay ko bago ito itinulak paatras.
Nanginginig ang katawan niya sa galit habang nakatingin sa lalaking lasing. Nginisian ito ng lalaki dahil sa reaksyon niya.
"Huwag kang makialam dito bata kung ayaw mong bugbugin kita." Pagbabanta ng lalaki saka hinawakan ang kwelyo ng damit ni Xavier.
Xavier chuckled darkly pati ang mga balahibo ko ay tumayo dahil sa takot, hindi ko na ininda ang sarili ko at nakatingin na lang sa kanilang dalawa.
Ni hindi ko alam ang gagawin! Come on Sav! Mag isip ka!
"You should be the one minding your own business sir." Xavier told him mockingly.
"Stop harassing women dahil kapag ginawa niyo pa... sa kulungan ko na kayo makikita at hindi na sa paligid ng kalsada." Tinanggal ni Xavier ang kamay ng lalaki sa kaniyang kwelyo ng may pwersa tsaka bumaling sa akin.
Nakita ko kung paano kadilim ang mata niyang nakatitig kaya hindi ako makapagsalita, akmang tatalikod na siya para lumapit sa akin pero hinawakan ng lalaki ang kanyang braso at pinaharap sa kaniya bago ito sinalubong ng suntok.
Ni hindi ko man lang nasabi para makaiwas siya dahil sa gulat.
"Sabi nang 'wag kang makialam! bingi ka ba?!" Galit na sigaw ng lalaki at susugurin na naman kaya nanlaki ang mata ko.
"Xavier!" Sigaw ko lalapit sana ako nang nagsalita siya.
"Stay there, don't come near me Savannah!" Napatigil ako dahil galit na galit siya. Ayokong ako ang mapagalitan ngayon dahil nasuntok siya kaya alam kong nagalit siya ng lalaki.
Nasalo niya ang kamao ng lalaki sa kaliwa niyang kamay at sinuntok naman ng kaniyang kanang kamay ang pisngi ng lalaki kaya ito napaatras.
"Stop it right now sir or I'm really going to bring you to the police right now." Sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng kanyang bibig tsaka tiningnan ang lalaki.
Nanatili akong nakatingin sa kanila hindi ko man lang alam ang gagawin kung ano ang maitutulong ko para akong tutang takot.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso kaya napatingin siya sa akin. Tinitigan niya lang ako. Ang mata niya ay sinusuri ang buong pagmumukha ko hindi ko alam kung tinitingnan niya lang kung may sugat ako.
Agad na dumilim ang kaniyang mata nang makita ang namamaga kong pisngi dahil sa sampal ng lalaki kanina at marahas na tumingin sa lalaking hindi na makatayo ng matuwid dahil sa kalasingan at pagkasuntok.
"You touch her!?" His voice roared with so much rage.
Natakot ako dahil lalapit na naman si Xavier sa lalaki kaya hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya at tinawag. "X-xavier" paos na paos ang boses ko..
Umiiling ako nang tumingin sa akin, nanginginig ang bibig ko..hindi ko na mahanap ang boses ko.
"Alis na tayo, p-pagod na a-ako" Sabi ko at yumuko para hindi niya makita ang mukha ko. Alam kong sobrang pagod na ako pero kailangan ba talagang maging malabo ang paningin ko ngayon?! Pati ba sakit ng ulo at nahihilo na ako ngayon pa?!
YOU ARE READING
The Way You Held My Hand
RomanceIn a world full of people minding their own business may mga tao lang talagang kahit di na sinasabi kung kailangan ka o hindi ay pupunta parin siya para tulungan ka.. Meet Savannah Rouse and Xavier Navarro a young lady who smiles and all in front ju...