Chapter 6

18 0 0
                                    

Mapungay ang mata kong pumunta sa paaralan. Mapungay? O namamaga dahil kulang sa tulog? Sabi ng utak ko. Pahikab hikab ako habang tahimik na naglalakad papunta sa room namin. I wanted to rest so bad kulang ako sa tulog at walang lakas ang katawan ko na makipagsabayan sa vibe ng ibang estudyante dahil sa paparating na valentine's day and worst!! Isasabay ang prom!

Maraming excited marami ring hindi kabilang na ako. I mean walang may gusto sa 'kin badtrip din ako palaging kulang sa tulog.

Kung wala lang 'yong final requirement namin kay ma'am Lhea hindi na ako pupunta sa school para maghanap ng pwedeng kasama sa film. Tama! Pagsesegunda naman ng utak ko-Wait what?! Parang nawala lahat ng antok ko. 'yong film! Wala pa akong partner!

Napahinto ako sa paglalakad at nakatingin nalang sa harap, ang kamay kong nakahawak sa straps ng bag ko ay humigpit.

Saan ako makakakita ng magiging kapartner?! Hindi ko pa nasabi kay Xavier kung gusto niya o hindi! Si..Sierra.

Mula nung nag away kami hindi na kami nag uusap kahit sa klase... gusto ko man lapitan siya pero nagdadalawang isip ako na baka hindi na niya ako gustong makita.

Humugot ako ng malalim na hininga. Bahala na kakausapin ko mamaya, sana lang na hindi ako tatakbuhan ng guardian angel ko ako ang mauunang tatakbo kahit nasaan man siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room namin at napatingin ako sa mga kaklase ko medyo kaunti pa sila dahil maaga pa naman wala pang halos kalahati ang nandito nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi parin ako sanay sa tingin nila sa'kin lalo na kapag marami sila.

Ibinaba ko ang bag ko sa upuan at tiningnan kung may ballpen ba sa loob madalas kasi nakakalimutan ko kung nasaan ang mga ballpen na ginagamit ko kaya palaging bumibili ako ng bago.

Napalawak ang ngiti ko nang nakitang may ballpen ako at inilagay sa bulsa ng bag ko para makita ko kaagad kapag klase na.

"Hey" Halos mabitawan ko ang ballpen sa gulat at napatingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong hindi ko aakalaing makakausap ko pa kung hindi ako ang magfifirst move.

Tulala lang akong napatitig sa kaniya hindi pa nakakarecover sa gulat biglang natahimik ang loob ng classroom paniguradong nakatingin na sila sa amin.

"Sierra" maliit ang boses kong nagsalita at halos kaming dalawa lang ang nakakarinig ngunit dahil natahimik ang classroom ay alam kong narinig rin nila.

Tumayo ako ng mabilis "Bakit?" Nakita kong hindi siya comfortable kaya hinawakan ko ang kamay niya para sa labas kami mag usap. Nagulat siya at tumitig sa akin, alam kong hindi pa kami gaanong close pero hindi ko maiwasan ang sarili kong mamiss siya dahil siya ang unang kaibigan na nakilala ko even in just a short time.

Nginitian ko siya ng maliit para ipaalalang okay lang. "Sa labas tayo?" mahinang tanong ko pero may kalmadong tono, nakita ko kung paano siya lumunok para pakalmahin ang sistema niya pagkatapos ay tumango at wala kaming salitang lumabas.

Nang makalabas kami ay hinarap ko siya dahil mas matangkad siya sa akin ay tiningala ko siya na may pagtataka sa aking mata "Ano yung sasabihin mo? bakit mo pala ako tinawag?" Hindi siya nagsalita.

Anong gagawin ko?.. Hindi ko alam

Humugot ng malaking hiinga kasabay ng pagtitig niya sa aking mata "I..I wanted to say sorry.. lahat lahat Sav" Ang mga matang tulala kanina na parang walang pakialam kung magiging yelo ang paligid kapag tumitig ay nawala. Unti-unting nanunubig ang kanyang mata "Hindi ko gustong mawalan ng kaibigan, gusto kitang maging kaibigan but I'm sorry for saying nonsense to you that day, for saying hurtful things."

The Way You Held My HandWhere stories live. Discover now