A/N: I'll put a warning in every chapter if it's needed. This will be one of my darkest stories. And if you hate Celestine's character because she's bad news like what I made her out to be as a villain, then feel free to not read this one. I repeat, DO NOT READ this one if you have an anger issue.
Some people from the Treasure Town series will be mentioned here, but keep in mind that this story is not part of the series.
~~~~~~~~~~
"Amanda? Ihatid mo na ito duon sa taas."- utos ni Kuya at inabot sa akin yung tray ng pagkain.
Pinasok ko sa bulsa ko yung phone ko at tumayo na ako para maabot yung tray. Bumaba ang tingin ko duon at nakita na puro healthy breakfast ang laman niyon.
"Baka hindi na naman nya ito kainin. Sayang lang."
"Just give it to her."- my brother said dismissively.
Napailing nalang ako at tumalikod na.
"I really don't get why you like someone like her."- I muttered.
Hindi ko narinig ang sagot nya kaya tuluyan na akong lumabas ng kusina at pumanhik na ako sa taas.
Pang ilang days ko na dito pero kahit kailan hindi ko pa nakita na kumain manlang yung babaeng iyon.
Madalas pa nga nag wawala iyon kapag pinipilit ko syang kumain e. Sayang, maganda pa naman pero ang laki ng tama sa utak.
Binuksan ko na yung pinto matapos kong masusian yung kandado.
Nanindig agad ang balahibo ko nang makapasok ako sa kwarto nya. Rinig na rinig ko ang boses nyang kumakanta at nakita ko sya sa sulok na nakasabunot sa buhok nya habang pauga uga yung upo.
"Twinkle, twinkle little star
I can see you from afar..She's singing the same song I've been hearing from her since the day I saw her.
Her creepy nursery rhyme.
According to my brother, that song reminds her of someone, and I don't know who.
Her evil laugh resonated in the air, and my grip on the tray tightened because I suddenly felt nervous.
Nakakatakot talaga!
Para syang yung sa conjuring. Yung babae sa upuan na may manika. Pero ang kaibahan lang ang ganda ng mukha nya at magulo lang ang buhok nya at hindi madumi ang damit nya.
Nilapag ko sa ibabaw ng kama nya yung tray ng pagkain at hinarap ko sya ulit. Nanduon pa din sya sa sulok at paulit ulit na kumakanta. Parang hindi pa nya napansin na nandito ako sa loob.
I lick my lower lip and compose myself. I closed my fists before I made my way to her. I kneel down and am about to touch her shoulder when she raises her head.
Nagimbal ako ng makita ang mapula at nanlilisik nyang mga mata. Dahan dahan din syang ngumiti kahit tuyo na yung labi nya kaya naman kitang kita ko ang pagka hiwa niyon.
Mabilis akong tumayo pero pagtalikod ko ay nadapa ako sa sahig dahil hinigit nya ang paa ko.
Dahil sa sobrang kaba ay nasipa ko sya, wala na akong pakialam kung saan ko sya tinamaan.
Gumapang na ako at bumangon kaagad. Nilingon ko sya habang palapit ako sa pinto pero natigilan ako dahil hindi ko na sya makita duon sa pwesto nya kanina.
Nakatayo na sya ngayon habang hawak yung kutsara. Nakataob na din sa sahig yung tray ng pagkain habang masama syang nakatitig sa akin.
"B-Bakit mo tinapon? Ang mahal kaya ng bilihin ngayon!"
BINABASA MO ANG
Taming the Psycho 💀 (ON HOLD)
Mystery / ThrillerR18+ ✔ Amanda Leigh Ryans, a jobless woman with a diploma who is experiencing an existential crisis, finds herself being the babysitter of a psychopath named Celestine Aranie Villareal, the girl version of Lucifer you wouldn't want to mess with if y...