Chapter 1

10.8K 627 550
                                    


WARNING : SPG







Leigh's POV





I watch her eat energetically. My brows raise when she finishes off everything. As expected, she's really thirsty and hungry after not eating or drinking in the days that passed. 

Naging masigla lang naman sya nuong makita nya si Miss Bella. Iyon pala yung inaantay nya at palagi nyang bukambibig na gustong makita.

Hindi ko din akalain na may kakambal pala sya at kamukhang kamukha talaga nya, pero mas madilim ang aura nya kumpara kay Miss Celeste. Pareho silang may sinasabi sa pisikal na anyo pero malalaman at malalaman mo talaga kung sino yung mas mabait sa hindi.

She burped, put all the things she used back on the tray, and handed them to me. Sobrang linis ng pinagkainan nya. Said na said, halatang gutom talaga sya. 

I notice that the side of her lips has a smudge of sauce. I sigh, get some wipes, and hand it to her. 

"Labi mo punasan mo."

"Oh, thanks."- she said, which surprised me.

Tumayo ako at nilapag muna yung tray sa may sahig. Chineck ko yung kadena sa paa nya at siniguro na naka lock iyon. Nagulat lang ako nang mapansin na ang lapit nya sa akin.

"Bakit?"- taka kong tanong dahil may kakaibang kislap ang mga mata nya. Imbes na sumagot ay ngumiti lamang ito ng inosente sa akin.

"Siraulo."- bulong ko at dinampot na yung tray para makaalis na ako.

Hindi ko na ni lock yung pinto ng kwarto nya dahil kampante naman ako na hindi sya makakalabas dahil nakakadena ang paa nya.

Pinatay ko na lahat ng ilaw sa baba matapos kong mahugasan lahat ng ginamit nya. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa sarili kong kwarto para makapag pahinga.

Alam ko na nandito pa sina Miss Bella sa mansion at mukhang kanina pa din sila nakapahinga dahil malalim na din naman ang gabi.

Naglinis lang ako ng katawan at dumiretso na ako sa kama para humilata. Nuong una hindi pa ako mapakali pero kalaunan ay nilamon din naman ako ng antok.

Naalimpungatan lang ako nuong makaramdan ako ng uhaw kaya kahit pipikit pikit pa ako ay bumangon na ako at lumabas para magtungo sa kusina.

Nakapatay pa din naman yung mga ilaw pero kitang kita ko at rinig na rinig ko na may tao sa kusina. Nung una akala ko maid lang pero habang tumatagal na nakatitig ako sa taong gumagalaw ay duon na ako kinilabutan.

How did she manage to escape?

I swallowed hard when the light from the window reflected on what she was holding.

a freaking knife...

"What are you doing?"- hindi ko na napigilan itanong at lumapit pa lalo kahit alam kong delikado.

Umiwas sya ng akmang kukunin ko sa kanya yung hawak nya. Natabig tuloy nya yung buong lagayan ng kutsilyo kaya nagbagsakan iyon sa sahig.

"Don't meddle with my business. My enemy is here, and I need to kill her." - She replied too coldly. 

Hindi ko sya pinakinggan. Bagkus ay nakipag agawan lang ako sa kanya hanggang sa kung ano ano na yung mabunggo namin at ang ending ay bumagsak pa kami sa sahig!

Aaminin ko sobra sobra na yung kaba ko dahil muntik na nya akong masaksak, mabuti na lamang ay nasalag ko ang kamay nyang may hawak ng kutsilyo. Sobrang talas pa naman niyon dahil ginagamit iyon pang hiwa ng mga ingredients sa lutuin.

Taming the Psycho 💀 (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon