Chapter 7

13.6K 625 227
                                    




"Amanda maupo ka nga. Kanina pa ako nahihilo dyan sa kakabalik balik mo. Sino bang tinatanaw mo dyan?"- sumulip din si Chelsey sa ibaba habang nakakunot ang noo.

Tumalikod ako at umiling. Wala naman syang makikita dahil kahit ako ay hindi ko matanaw kung na saan si Kuya at si Celestine.

Kanina pa sila umalis at hanggang ngayon hindi pa nabalik. Sabi sa akin ng isang guard nag punta daw yung dalawa sa gubat. Pero wala naman akong marinig na putok ng baril. Akala ko ba mamamaril sya ng hayop?

O baka sila ng dalawa yung nagbabarilan?!

"What's wrong? Mukha kang papatay dyan."- puna ni Chelsey at pinitik ang nakakunot kong noo.

"I'm just worried."

"Kanino? Sa alaga mo?"- bigla syang natawa. "My goodness. Mas matanda pa nga iyon sayo kaya dapat hindi ka na nag aalala."

"You don't understand. She's not normal."

She goes back on her seat and crosses her arms. I drink from my water and sigh. 

"I didn't know you had this soft side, Amanda. Sana sa akin din mabait ka no?"

Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan. Narinig ko ang paghagikgik nya at saka sya tumayo.

"Tour me around. Let's go!"

Tuluyan na nya akong nahila at nadala sa kung saan nya gusto.

"Alam ba ng parents mo na nandito ka?"

"No, I just told them I would spend my vacation on an island."

"Paano kung may mangyari sayo? San ka nila hahanapin?"

She hugged my arm and rested her head on my shoulder.

"Nothing will happen to me as long as I'm with you."

"Tumigil ka nga!"

Tinulak ko sya at pinagpag ang braso ko. Tinawanan lang nya ako at nagpatuloy na kami sa paglilibot.

Kada may makita sya ay tinatanong nya kung ano yon at todo explain naman ako. Pero the whole time na nasa labas kami ay nakakapit lang sya sa akin dahil takot pa din sya sa mga nag iikot na guard. Ang seryoso daw kasi ng mga mukha at baka barilin nalang daw sya bigla kapag may nagawa syang hindi maganda.

Mas weird naman siguro kung makita nyang tawa ng tawa ang mga bantay di ba?

"Ah!"

Speaking of..

I look at the ground. There was an arrow that almost hit Chelsey.

As in ang lapit lang. Sa mismong harapan nya naglanding kaya napaatras sya at napasandal sa akin.

"What the fuck!"- habol ang hiningang sabi nya at mas sumiksik pa sa akin.

Nagtiim bagang ako at nilagay sya sa likuran ko. Yumuko ako at dinamot yung arrow saka pinaikot sa kamay ko. Nilibot ko din ang paningin ko habang nakatiim ang bagang.

It came from somewhere, and I think I know who did this one.

Kaya siguro wala akong naririnig na putok ng baril ay dahil pana ang dinala nila ni kuya.

Not long after, we heard voices coming very close to where we were. The guards came out first, followed by them, who are talking and laughing. The scene ignited the fire in me. 

Umusbong ang galit ko at muling tumingin sa arrow na hawak ko.

She's holding a bow. So it's possible that this arrow came from her. 

Taming the Psycho 💀 (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon