Chapter 8

17K 733 326
                                    




Matapos syang kumalas sa pagkakayakap sa akin ay hinarap nya si Kuya. Nanatili naman akong tahimik sa likuran nya at pinapakiramdaman pa din ang sarili ko.

"We're just talking."- she said and moved back a little to reach for my hand.

Binundol na naman ng kakaibang kaba ang dibdib ko. May parang kumikiliti din sa tiyan ko dahil kung titignan para nagkakamot lang sya ng likod pero hindi, hawak nya ang kamay ko for Pete's sake!

My brother looked around and sniffed the air with furrowed eyebrows.

"What's that smell?"

Narinig ko ang pagtawa ni Celestine at ang bahagyang pagtikhim.

"I cooked something and it turned out bad, so I threw it away."

Umabante si Kuya kaya naman binitawan na ako ng tuluyan ni Celestine at umalis na sya sa harapan ko bago pa mapansin ni Kuya na hawak nya ang kamay ko.

"Amanda, anong nangyari? Bakit ang tahimik mo?"- puna ni Kuya at chineck ang buong katawan ko.

Hindi ako sumagot kaya naman nilingon ni Kuya yung isa na prenteng nakasandal sa kitchen counter.

"What did you do to her?"

She scoffed. "I didn't do anything."

"Is it true? She didn't hurt you?" - He asked me.

I wanted to say no, but I chose to stay silent. If my brother finds out that she's scaring me, she might end up in the white room, where she should belong.

"I'm tired. Where's Chelsey?" - I asked, dismissing the topic earlier.

"I don't know. Probably in her room, sleeping."

Ngumiti ako ng maliit at tumango bago nagpasyang lisanin ang kusina. Hinimas himas ko pa yung mga braso ko habang tahimik akong naglalakad sa hallway.

Sa kwarto ko muna ako dumiretso at naglinis ng katawan, nag toothbrush din ako ng maigi para mawala na sa panlasa ko yung mga pagkain pinakain nya sakin. Nakakasuka yung lasa e.

Pagsapit ng gabi ay nasa kwarto na ako ni Chelsey at masayang nakikipag usap sa kanya.

"Biglaan nga yung pagkawala mo after graduation. Iyon pala nandito ka lang sa isla. Paano ka pala napunta dito?"

Niyakap ko yung unan na nakapatong sa hita ko at ngumuso.

"My brother's need my help on something."

"And that is babysitting her?"

Sumandal ako sa headboard at tumango. Dumapa naman sya sa kama at pinatong yung baba nya sa palad nya habang nakatitig sa akin.

"What happened to her? Her sister is famous and all over the news. I don't get why she's not coming out like her and why she needs a babysitter; she doesn't seem abnormal to me."

I chuckled after hearing what she said. Napailing din ako at napabuntong hininga.

"She sick."

"Sick? Anong sakit? Mukha naman syang okay ah, napakaganda pa nga."

Hindi ko sya sinagot at ngumisi nalang. Ayaw kong sabihin sa iba na may tama sya sa utak and most importantly pumapatay sya..

That thought made me sad. She's beautiful and almost perfect on the outside, but she's tainted. Her brokenness has led her to become evil in angel form.

Narinig ko ang pagkulo ng tiyan nya at sabay nalang kaming natawa. Niyaya ko na sya na lumabas para makakain na kami.

"Dito ka matulog ha?"- sabi ni Chelsey pero hindi ako nakaimik dahil pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay si Celestine ang nakita ko sa hallway.

Taming the Psycho 💀 (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon