38

87 5 1
                                    

Aelia Cassidy’s POV




Pagka-send ko ng reply ko kay Yuki ay agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba para puntahan sila sa labas.



Pagkabukas ko ng gate, bumungad sa’kin si Yuki at Jago na nakatayo sa tabi ng kotse habang nasa loob si Seven na walang malay dahil sa kalasingan. Napailing nalang ako dahil sa kalagayan niya.



“Akala ko ba high tolerance ‘yang kaibigan niyo?” Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa baywang ko habang nakataas ang kilay ko, napakamot nalang sa batok si Yuki.



“Naparami si Venti eh.” Sagot ni Yuki habang inaalalayan nila Jago at Kyro si Seven palabas ng kotse, bitbit naman ni Kyro sa kabilang balikat niya ang bag ni Seven.



“Akin na.” Naglakad ako palapit kay Kyro para kunin ang bag ni Seven at binigay niya ‘yon sa’kin.



“Tangina, ang bigat ni Venti! Napapagod muscles ko sakanya.” Reklamo ni Jago habang inaalalayan niya si Seven papasok ng bahay ko.



“Ven, alam naming hindi mo naririnig ‘to pero gusto ko lang sabihin sayo na sa susunod na iinom ka at malalasing ka… ikaw na bahala umalalay sa sarili mo dahil ang bigat mo.” Sabi naman ni Kyro, nang makarating na sila sa sala ay agad nilang nilapag sa sofa si Seven.



Medyo nagising si Seven nang ihiga siya doon nila Jago, “Aray naman…” Mahinang sabi niya habang nakapikit.



“Kami dapat ang uma-aray dahil ang hirap mong buhatin.” Reklamo pa ni Kyro.



“Thank you ulit, AC.” Humarap ako kay Yuki nang magsalita siya, “Akala ko hindi ka papayag eh kasi alam mo na.”



Ngumiti ako, “Magkaibigan pa rin kami ni Seven.” I assured him dahil iniisip niya kung ano ang namagitan sa amin dati ni Seven, muli kong tiningnan si Seven na nakatihaya sa sofa, “Pero dapat siguro sa taas siya dalhin, sa kwarto ni Kuya para makapagpahinga siya ng maayos.”



“Bubuhatin ulit namin siya?!” Gulat na sabi ni Jago.



“Sabi mo may muscles ka diba? Edi gamitin mo para may silbi.” I nonchalantly said.



Nag-make face lang siya pero sinunod din niya, kahit si Kyro ay binuhat pa rin si Seven kahit panay ang reklamo. Tumulong na rin si Yuki sakanila para dalhin sa kwarto ni Kuya si Seven.



Nilapag ko sa upuan ang bag ni Seven saka ko inayos ang kumot niya, tinanggal na rin ni Yuki ang suot ni Seven na jacket para komportable siya.



“Uy, Astra!” Sabi ni Jago, biglang pumasok dito sa loob ng kwarto si Astra, “Shh ka lang Astra ah, natutulog daddy mo. Look oh, lasing. Tsk, pagalitan mo nga ‘yan pagkagising.” Dagdag pa niya.



Lumuhod ako para buhatin si Astra, akala ko tatahol siya pero tahimik lang siyang nakatingin kay Seven na mahimbing na natutulog.



“Daddy mo wasted, ang lakas tumagay kanina pero mahina pala.” Sabi pa ni Yuki.



Pinatabi ko si Astra sa tabi ni Seven, umikot-ikot pa si Astra hanggang sa sumiksik na siya sa may bandang dibdib ni Seven at humiga. Bahagya akong napangiti dahil doon.



“Ang cute naman.” Rinig kong sabi ni Kyro, “Siguro parating ganyan nakikita mo tuwing nandito si Seven at nakikitulog nung kayo pa–”



Nakita kong siniko ni Yuki si Kyro, “Una na kami, AC. Thank you ulit. Kapag may problema tawagan mo lang ako ah.”



Tumango ako at ngumiti, “Hatid ko na kayo sa labas.”



Bumaba na kami at hinatid sila sa labas ng bahay, naunang sumakay si Kyro at Jago sa kotse pero nagpaiwan saglit si Yuki dahil may sasabihin daw siya.



“May problema ba?” Tanong ko kay Yuki.



Umiling siya, “Wala naman.” Sagot niya, “I just realized… I didn’t ask how you were after the breakup. Hindi kita na-kumusta dahil kailangan kami ni Seven.”



“Oh…” Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya, I ran my fingers through my hair before looking at Yuki again, “You just asked me why I broke up with him but I understand if you didn’t ask me how have I been dahil mas kailangan kayo ni Seven no’n. Tsaka humarap naman ako sainyo no’n na okay ako kaya ‘wag mo akong alalahanin.”



“Okay ka ba talaga?” I gulped the invisible lump on my throat.



Tumango ako, “Oo naman, bakit ako hindi magiging okay diba? It’s been six months and I’m doing pretty well.” I said and smiled a bit.



Yuki sighed, “Kilala kita, AC. Sa amin nila Rivo, mas matagal ko na kayong kilala ni Seven.” Sabi niya, “It’s hard, isn't it?”



Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa tanong niya, “If I said yes, will anything change?”





The Divorced Couple (Mixtape Epistolary Series #1) | Kim SeungminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon