Seven Santino’s POV
“Ang sakit pa rin ng ulo ko, ano bang nangyari kagabi?”
Bulong ko sa sarili ko. Wala akong maalala sa nangyari kagabi bukod sa umiinom ako kasama ang mga kaibigan ko at umiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan hanggang sa nawalan na ako ng malay at paggising ko nandito ako sa kwartong ‘to na hindi ko naman alam kung kanino.
At ngayon, katabi ko pa ang aso namin ni AC. Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako?
“Gising ka na?” Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat dahil may biglang nagsalita.
Paglingon ko sa pintuan nakita ko si AC na may hawak na sandok, mas lalo akong nagulat nang makita kong nandito siya. Teka, bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
“O-oo…” Bigla namang gumalaw si Astra at tumahol hanggang sa humiga siya sa may binti ko, dahan-dahan ko siyang hinaplos habang nakahiga siya sa binti ko.
“If you’re wondering where you are, nandito ka sa bahay ko.” Sabi ni AC, “Kwarto pala ‘to ni Kuya. Dinala ka dito nila Yuki kagabi para dito ka matulog, hindi ka nila inuwi sainyo dahil baka daw magalit mama mo pati ate mo kasi lasing ka.”
“Bakit dito nila ako inuwi sa bahay mo?” Nagtatakang tanong ko.
AC just shrugged, “Basta sabi sa’kin ni Yuki para malapit lang kapag uuwi ka na sainyo. Pumayag na rin ako dahil kawawa ka naman.”
“Sino-sino naghatid sa’kin kagabi?” Tanong ko pa.
“Sila Yuki, Kyro, at Jago.” Sagot niya, “Bakit?”
“Lagot sa’kin ‘yung tatlo.” Sa dinami-dami ng bahay bakit dito pa sa bahay nila AC? Pwede naman sa iba nalang!
Nakita kong tumaas ang kilay ni AC, “Bakit? Kasi dito ka nila dinala? Aba, dapat magpasalamat ka pa nga dahil pinatuloy kita dito at hindi ka sa kalsada natulog.” Masungit niyang sabi, “Tsaka kung iinom ka siguraduhin mong kaya mo sarili mo hindi ‘yung iinom ka tapos hindi mo naman pala kaya. Tignan mo, wasted na wasted ka tuloy.” Napagalitan pa nga.
Tinuro-turo niya ako gamit ang sandok na hawak niya, “Tignan mo ‘yang itsura mo oh.” Napahawak ako sa buhok ko at naramdaman kong gulo-gulo ‘yon. Napatingin din ako sa sarili ko, lukot-lukot na ang damit na suot ko.
Bigla namang tumahol si Astra na nakaupo na ngayon sa may binti ko, “Ayan, pati si Astra pinapagalitan ka.”
Humalik ako sa tuktok ng ulo ni Astra, “Sorry na, baby. Hindi na ako maglalasing, promise!”
“Hoy, ‘wag mo ngang halikan si Astra. Hindi ka pa nga nakakapagpalit ng damit mo simula kahapon, magpalit ka muna.” Sinuway ako ni AC, “May damit si Kuya diyan sa cabinet, kumuha ka muna para makapagbihis ka. Pwede ka din maligo.”
“Okay lang?” Tanong ko sakanya.
“Sasabihin ko ba kung hindi?” Kita mo ‘to, aga-aga ang sungit, “Pagkatapos mong maligo at magbihis kumain ka muna bago ka umalis, nagluto ako.”
Tumango ako, “Sige…”
“Astra, halika dito baby. Samahan mo ako sa baba.” Lumambing ang boses ni AC nang tinawag niya si Astra, agad din namang sumunod ang aso namin sakanya. Tapos kapag sa’kin para siyang dragon? “Dalian mo diyan ah, lalamig ‘yung pagkain.” Hindi na ulit malambing ang boses niya, tignan mo ‘to may favoritism!
Tumango ulit ako at tumayo mula sa kama, medyo nahilo pa ako pagkatayo ko. Anemic na ba ako? “Ayos ka lang?”
“Medyo nahihilo lang.” Sagot ko.
May tinuro ulit si AC gamit ang sandok niya kaya sinundan ko ‘yon ng tingin, “Maligamgam na tubig ‘yan, inumin mo muna para kahit papaano mahimasmasan ka.”
Muli ko siyang tiningnan, “Salamat.”
AC just nodded, “Kapag may kailangan ka pa sabihan mo lang ako, nasa baba lang ako.”
And then suddenly, I thought of something.
“AC.”
Napatigil siya sa pag-sara ng pintuan nang tawagin ko siya. Hinihintay niya ang sasabihin ko pero umiling lang ako.
“Wala, sige na, ako na bahala dito.”
Tumango lang siya at walang sinabi, tuluyan na siyang lumabas ng kwarto kaya naiwan na naman ako.
I sighed.
Paano kapag sinabi ko na ikaw ang kailangan ko?
BINABASA MO ANG
The Divorced Couple (Mixtape Epistolary Series #1) | Kim Seungmin
FanfictionAelia and Seven were already exes but still communicate with each other because of their adopted dog, Astra. Other than them being divorced fur parents, they're in the same friend group which makes things chaotic. Mixtape Epistolary Series #1 Male L...