95

58 4 1
                                    

Seven Santino’s POV




“Okay ka pa?” Tanong sa’kin ni Yuki sa tabi ko, tumango ako.



“I’m still sober.” Sagot ko.



Ang totoo niyan eh pumayag lang ako na sumama sakanila ngayon. I’m not in the mood to drink as well as to get drunk, but I need something to distract me from everything. From AC.



“Okay pa ‘yan si Venti, hindi pa siya nakakarami.” Sabi ni Sorin.



“I’m not planning to get drunk though, I’ll stay sober.” I said.



They continued to drink habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa mga kwento nila. Hindi ako nagre-react o ano, pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi nila.



Aside from not being in the mood to drink, wala rin ako sa mood na makipag-usap. Kahit na madami akong gustong sabihin ay hindi ko mailabas dahil pakiramdam ko paulit-ulit lang akong mauubos.



“Huy tol kanina ka pa tahimik, ayos ka lang ba?” Tanong ni Rivo, ”Ven, kung may gusto kang sabihin, ilabas mo. ‘Wag mong ipunin lahat.”



Tinitigan ko lang sila at hindi nagsalita pero maya-maya ay nagsalita na si Yuki, “You can’t hide anything from us lalo na sa’kin kaya sige na, sabihin mo na. Makikinig kami.”



I sighed, “Alam niyo, tanggap ko naman eh. Tinanggap ko yung pagtulak ulit ni AC palayo sa’kin pero... pero umaasa ako na baka sakaling bawiin niya ‘yon. Na baka sakali pabalikin niya ulit ako sakanya, na baka sakali kailanganin niya ulit ako, na baka sakali mahalin niya ulit ako... umaasa pa rin ako doon.”



“Tanggap ko kung sino siya, I accepted all of her flaws at handa akong punan lahat ng pagkukulang niya pero bakit hindi pa rin ‘yon sapat para bumalik siya sakin?” I asked again.



“You know how selfish and selfless AC at the same time. She doesn’t want to burden you and that’s on her being selfless and at the same time she wants to keep it all to herself, and that’s her being selfish. And this may be a harsh truth but you can’t do anything about it, Seven. Kahit sabihin mo pa ng ilang beses na mahal mo siya at kaya mong punan lahat ng pagkukulang ni AC pero kung si AC mismo ang may ayaw na gawin mo ‘yon, wala kang magagawa.”



I smiled sarcastically, “And I hate myself dahil wala akong magawa. I can’t do anything about it. I can’t do anything for her.”



“Seven, alam namin kung gaano mo ka-mahal si AC at kung gaano ka ka-handa gawin lahat para sakanya pero just for once, can you think about yourself? This time, ikaw naman ang maging selfish. Sa pagkakataong ‘to isipin mo ang sarili mo. Walang AC, walang kahit na sino, ikaw lang. Sarili mo lang.” Sabi ni Kyro.



Umiling ako, “Hindi ko kaya.”



“We’re not against about you and AC pero hanggang kailan mo ba babaunin sarili mo?” Rivo asked which made me think about what Ate said, ‘Hanggang kailan mo paparusahan sarili mo?’



“Susuko na ba ako?” Tanong ko pero umiling ako, “But that’s the last thing I’ll do. Pero kung ‘yon lang ang paraan para bawiin ang sarili ko gagawin ko.”









The Divorced Couple (Mixtape Epistolary Series #1) | Kim SeungminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon