115

67 4 2
                                    

Aelia Cassidy’s POV




“What’s that?”



“Eto ung bagong curler na binili ko sa shopee.” I showed the curler to Seven, “Halika dito, try ko sayo!” I motioned him to sit in front of my vanity mirror.



“Baka sunugin mo lang buhok ko eh.” Seven said.



I laughed, “Sira, hindi noh. Marunong ako gumamit nito kaya sige na, ita-try ko sayo!”



Seven sighed in defeat and walked towards the vanity table, I giggled when he sat on the chair kaya pumunta na ako sa likuran niya para simulan siyang kulutan.



“Hindi ba masisira buhok ko diyan?” Tanong niya habang inaayos ko ang hati ng buhok niya.



Umiling ako, “Nope. Tsaka wala ka bang tiwala sakin?” I pouted.



“Sayo meron, sa curler na ‘yan wala.” Then he chuckled, kulit talaga!



Sinimulan ko na siyang kulutan, nahirapan naman ako sa ginagawa ko hindi dahil sa malikot si Seven pero dahil sa maiksi ang buhok niya.



“Ugh! I give up na!” Pinatay ko na ang curler at pinatong ‘yon sa table. Natawa lang sakin si Seven pero maya-maya pa ay tumayo siya at hinila niya ako paupo doon sa upuan.



Naka-pout lang ako habang kinukuha niya ang curler doon sa table at siya naman ngayon ang naka-pwesto sa pwesto kung saan ako nakatayo kanina, “Ako nalang magkukulot sayo.”



I looked up at him, “Talaga? Marunong ka?”



He nodded and smiled, “Inaral ko kung paano gumamit ng curler nung panahon na nag-break tayo. Si Kaia pa nga ‘yung kinukulutan ko tapos gamit ko ‘yung curler ni Ate.”



“Really?” Hindi makapaniwalang tanong ko ulit, “Bakit mo pala inaral kung paano mag-kulot?”



“Para kapag nagkabalikan tayo alam ko na gawin ‘yung mga ganong bagay. Diba ang alam ko lang ay kung paano itali buhok mo kaya parati akong may dalang tali para sayo, ngayon alam ko na ‘yung ibang kaartehan na ginagawa mo.”



I can’t help not to feel butterflies because of Seven. He never fails to amaze me with everything he does, tapos ngayon inaral pa niya ‘yung mga kaartehan ko sa buhay.



“Oh harap ka na, pakitaan kita ng skills ko. Tignan mo maa-amaze ka sa buhok mo mamaya.”



“Yay, kikay session with Venti!” I exclaimed happily.




——



ig story:

ig story:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










The Divorced Couple (Mixtape Epistolary Series #1) | Kim SeungminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon