137

73 4 7
                                    

“Fully paid?” AC asked as soon as she arrived in the carpark where her friends were. She’s referring to Jago’s iPad which he bought yesterday.



Jago flashed a boastful smile, “Naman! Ako pa ba!”



AC sat down beside Yvonne, nasa harapan naman niya si Seven na naunang dumating sakanya. Palihim siyang tumingin kay Seven saka ngumiti, nginitian rin siya pabalik ni Seven.



“Anong gusto niyo? Ako na bibili.” Pagpiprisinta sakanila ni Yuki.



“Libre mo? Naks naman, thank you agad!” Rivo said while raising his hand forming a thumbs up in front of Yuki.



“Tanga, ako bibili para isahan na hindi ko sinabing libre ko.” Yuki rolled his eyes, “Ano sainyo?” He asked again.



“Ate Rica’s! Nagce-crave ako ng bacsilog eh, pa-add na rin ako extra bacon tsaka cheese sauce.” AC said and handed her money to Yuki.



“Ate Rica’s na rin sa amin ni Rivo, isang bacsilog tapos isang tapsilog.” Yvo also told Yuki their orders as Rivo gave their payment.



“Pre, ano sa’tin?” Jago whispered to Seven who’s beside him.



Seven shrugged, “Malay ko kung ano sa’yo, hindi naman ako ang magpapakain sa’yo.” Binalingan naman niya ng tingin si Yuki na nakatayo sa gilid niya, “Bacsilog na rin sa’kin, extra cheese sauce tsaka palagyan din ng chili sauce akin.” Then he handed his payment to Yuki too.



“Oh, ano sa’yo Jago? Mag-Ate Rica’s na rin ako para isahan na.” Yuki said.



“Sige na nga, Ate Rica’s na rin ako.” Jago said in defeat, ‘Yung combo akin, bacon tsaka tapa tapos extra cheese sauce. Ikaw muna magbayad wala akong barya eh.”



“Sus, walang barya pero may pambili ng iPad.” Yuki scoffed, “Buong pera nalang ibigay mo para masuklian, ikaw na sumagot tapos bigay ko sa’yo bayad ko pati bayad nila.”



Jago pouted, “Wala talaga akong takas sa’yo noh?” Yuki just laughed as Jago whipped out his wallet inside his pocket, “Eto na boss.”



“Bulok na kasi ganyang palusot mo, Jago. Kaya hindi ka na uubra kay Yuki.” Yvo added.



“Ate Rica’s na nga lang papasagot mo pa pero kung maka-amba ka kahapon na bibili ng iPad.” Napailing na lamang si Seven.



“Oo na, ‘tong mga ‘to naman ayaw talaga ako tantanan. Yuki, alis ka na nga para makabili ka na! Gutom na ako eh.” Pagrereklamo ni Jago na siyang tinawanan lang ng mga kaibigan, nagpaalam na sakanila si Yuki para bumili ng pagkain nila.



While waiting for Yuki, naguusap-usap muna sila ng kung anu-ano dahil may baong kwento si Jago. Well, it’s Jago. Talagang hindi mauubusan ng kwento.



“Alam niyo ba, gusto ko na rin i-reto si Cai para naman masagana lovelife niya.” Jago suddenly said.



“‘Wag na ikaw ang mag-reto baka palpak maibigay mo.” Pang-aasar ni Yvo kay Jago.



“Ako? Palpak mag-reto? Hindi mo sure, walking cupid kaya ako.” Pagyayabang pa nito.



“Akala ko sasabihin mo walking red flag.” AC said which made them all laugh.



“Grabe ah, mas green pa kaya ako sa green. Walking green flag ako noh.” Jago defended himself.



“Sige sabi mo.” Seven chuckled.



“‘Wag na natin retuhan si Cai, sabi niya pupunta daw siya ng Australia after ng sem na ‘to para bumisita sa lola niya doon. Malay mo may makilala siya sa stay niya doon.” Sagot ni Rivo, “Ikaw nalang retuhan ko, Jags. Gusto mo ba?” Rivo flashed a cunning smile to Jago.



“Eh loyal nga ‘yan sa crush niya kahit naka-move on na daw siya.” Sabi naman ni AC.



“Kung gumalaw ka na kasi dati pa edi sana hindi ka naunahan ngayon. Matagal kayong magkasama dati sa dance troupe nung SHS tayo kaya bakit hindi mo pinormahan si Airella?” Rivo asked.



Jago shrugged, “Ewan ko rin eh, basta akala ko no’n hindi ko siya magugustuhan ng sobra kaya hindi ko siya pinormahan pero mali ako eh. Hulog na hulog ako sakanya kahit wala naman kami masyadong interactions dalawa, basta makita ko lang siya solve na araw ko.”



“Whipped na whipped ka pa rin.” Seven noticed.



“Eh ikaw, Seven? Whipped ka pa rin ba kay—” Yvo didn’t finish her sentence when someone approached their table, “Amputa, may sumasapaw.” She whispered.



“Hi, AC!” The guy greeted.



AC just stared at him not knowing what to say, iniisip niya pa kung ano ang pangalan ng lalaking nandito ngayon sa may table nila dahil pamilyar ito when the guy spoke again, “Joshua, your blockmate last sem.”



“Oh, yeah right. Ikaw pala si Joshua. Sorry, I forgot.” AC awkwardly smiled.



On the other hand, Rivo looked at Seven who’s busy scrolling on his phone. Nagkatinginan sila Rivo at Yvo at naguusap sila sa tingin. Jago elbowed Seven but he didn’t budge even a bit, nakatutok lang siya sa phone niya.



“May kailangan ka ba?” AC asked Joshua.



Joshua scratched the back of his head as he bit his lower lip, “Do you have a boyfriend?”



Napaubo bigla sila Yvo dahil sa tanong ni Joshua pero hindi pa rin kumikibo si Seven.



AC secretly glanced at Seven who’s still busy on his phone, “I don’t have one right now.”



Seven stopped scrolling on his phone, palihim niyang tiningnan sila AC at Joshua para hindi siya mahalata ng mga kaibigan nila.



“Then I can court you?” Joshua confidently asked.



“What the fuck?” Yvo muttered under her breath.



AC looked at Joshua with a questioned look while Seven’s brows furrowed, and before Joshua could say something again, someone finally spoke.



“She has a boyfriend now.”



Sabay-sabay na napalingon sila AC, Yvo, Jago, at Rivo nang magsalita si Seven. Nakatago na ang phone niya ngayon and his arms are crossed on his chest.



Joshua smirked, “Sabi niya wala siyang boyfriend. Sino ka ba para mag-desisyon?”



“Boyfriend niya. May angal ka?” The four of them gasped when Seven said those words. Hindi sila makapaniwala, lalo na si AC na gulat na gulat dahil sa ginawa ni Seven.



“As far as I know ex ka nalang niya, bakit ba ang epal mo?”



“Eh ikaw bakit ba ang kulit mo?” Seven retaliates, “Hindi na ba pwedeng magkabalikan ngayon? I’m AC’s boyfriend, kung may reklamo ka sabihin mo sa’kin. ‘Wag mong guguluhin girlfriend ko.” Diniinan ni Seven ang pagkakasabi ng girlfriend at dahil doon, inis na umalis si Joshua.



After Joshua left, the four are still left in shock. Nakatingin lang sila kay Seven but Jago finally breaks the silence, “Pre totoo ba? Kayo… kayo na ulit ni AC?”



“Teka naguguluhan ako, ano ba talaga ang totoo?” Yvo faced AC, “Bestie kayo na ulit? Sabi mo tapos na talaga kayo.” AC didn’t know what to answer dahil nabigla pa rin siya sa sinabi ni Seven.



“Are we really together now? Or is it just because of what happened earlier?” AC thought.



“Hoy kayong dalawa magsalita kayo, pipi na ba kayo?” Pagpupumilit pa ni Rivo para magsalita ang dalawa.



“Oo.” AC finally spoke, Seven looked up at her. His eyes are widened dahil akala niya ay itatanggi siya ni AC but he was wrong, AC gave him an assuring smile, “Kami na ulit ni Seven.”




The Divorced Couple (Mixtape Epistolary Series #1) | Kim SeungminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon