107

64 3 3
                                    

Aelia Cassidy’s POV




“5... 4... 3... 2... 1... Happy New Year!” As soon as the clock hit 12 midnight, me and my relatives greeted each other.



Some of them started to jump dahil sa paniniwala na tatangkad ka daw kapag tumalon ka sa bagong taon, ang iba naman ay nag-iingay gamit ang torotot nila at ang kaldero. Habang ang iba ay nagpapaputok, may mga hawak na lusis ang iba kong kamag-anak.



Dumako ang tingin ko sa may balcony ng mansion nila grandma at doon ko nakita ang sine-setup nilang fireworks, maya-maya pa ay natapos na nilang ayusin ‘yon at agad kaming namangha ng lumiwanag ang fireworks sa kalangitan.



I felt Kuya’s arms on my shoulders as he kissed the top of my head, “Happy new year, bunso.”



I leaned on him, “Happy new year din, Kuya.” I sighed, “Sana nandito din sila Mama at Papa kasama natin, sana sa susunod na new year kasama na natin sila mag-celebrate ng pasko at bagong taon.”



“I also wish that at naniniwala ako na makukumpleto din tayo balang araw.” I looked at Kuya and he’s smiling at me, assuring me that someday our family will be complete. Napangiti na rin ako doon.



Maya-maya ay pumasok na kami sa loob para mag-media noche, maraming handa ang nakahain sa mesa. Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan ko na pumanik muna sa taas para magpahangin.



“Apo? Bakit ka nandito sa taas?” Napalingon ako sa likod ko nang makita ko si grandma na naglalakad palapit sa’kin, “Nasa baba ang mga pinsan at Kuya mo, sumama ka doon sakanila, iha.”



Lumapit ako kay grandma at inalalayan ko siyang maglakad, “Nagpapahangin lang po ako, grandma. Mamaya babalik din po ako sa baba.”



“Nakausap mo na ba ang Mama mo?” Tanong ni grandma.



Umiling ako, “Hindi pa po, sabi po niya mamaya pa daw po sila tatawag ni Papa.”



“Nako, busy na naman ang anak ko sa business nila doon. Miss ko na ang Mama’t Papa mo, apo.” May halong lungkot ang tono ni grandma.



“Miss ka na rin po nila, grandma.” Tipid akong ngumiti sakanya. Kita ko sa mga mata ni Lola ang pagka-miss niya kay Mama, ang unica hija niya.



“Kumusta ka na ba, AC?” Biglang tanong ni grandma habang nakadungaw kami parehas dito sa balkonahe.



“Okay lang naman po ako.” Sagot ko.



“Si pito ba? Kumusta na ang kasintahan mo dati?” Napalingon ako kay grandma nang banggitin niya si Seven, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya.



Tumikhim lang ako at naghahanap ng pwedeng maisagot sa tanong niya, pero muling nagsalita sa grandma, “Naaalala ko noon sumasama siya sa’tin para mag-celebrate ng pasko at bagong taon, nakaka-miss din ang batang ‘yon dahil sobrang galang niya at mabait. Si pito lang talaga ang tanggap kong lalaki para sayo, apo.”



“Kitang-kita ko kung gaano ka ka-saya kasama siya at kitang-kita ko rin kung gaano ka niya ka-mahal. That kid treats you like a queen. He respects you and loves you, halata mong pinalaki siya ng maayos ng mga magulang niya dahil sa mga kilos niya. At ganong lalaki ang dapat mong kasama hanggang sa pag-tanda mo, iha.” Dagdag pa ni grandma, she’s just smiling while adoring Seven.



Hinawakan ni grandma ang kamay ko, “Hindi ko man alam kung ano ang rason mo kung bakit ka nakipag-hiwalay sakanya pero alam kong masakit din sa parte mo, the pain of separating with someone will not always be one-way. Always remember that, iha. But that pain will heal if the two of you will choose to mend it together.”



“Is it still possible to heal from everything even if I chose to build distance between us?” I asked.



Grandma nodded, “Of course, apo.” She said, “Mahal mo pa rin ba si Seven?”



I didn’t hesitate to answer “Yes.”, dahil ‘yon ang totoo. Mahal ko si Seven at hindi nagbago ang pagmamahal ko sakanya. I was just selfish and denial but my love for him is still there.



“Then you can still fix it with him, apo. Kung mahal mo pa rin si Seven, anong pumipigil sayo para ayusin kung ano ang mayroon sainyo?” Napatungo ako.



Myself.



Sarili ko ang pumipigil para bumalik kay Seven.



My insecurity and shortcomings are the ones that keep me from stepping forward and be with Seven.



Grandma hugged me and I immediately felt comfort with her hug, “Kung ano man ang pumipigil sayo, let it go, apo. Let all your burdens go and take love again. Because letting go of everything is just one step of healing from something that torments you inside.”





——





“AC, nandiyan ka lang pala— hey, why are you crying?”



I immediately hugged Kuya and cried on his chest, “Kuya...”



“Bakit ka umiiyak? Sino nanakit sayo?” Kuya hugged me back as he slowly stroke my back, “AC, ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Tahan na, bunso.”



“Kuya...” I cried again, “Kuya, I want him back. I want Seven back.”









The Divorced Couple (Mixtape Epistolary Series #1) | Kim SeungminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon