❛ At her last breath ❛
_____________________________Pinindot ko ang 7th floor dito sa elevator, araw ng linggo ngayon wala akong pasok ito din ang araw na anniversarry namin ni Elli ang laki ng pasalamat ko na umabot kami ng tatlong taon at dahil yun sa pananampalataya namin sa buong may kapal.
Hawak ko tatlong tulips sa kanang kamay paborito niya kase ang bulaklak na ito. Bumukas ang Elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako . Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas makita ko siyang muli at makasama halos , dalawang araw palang akong 'di nakabisita para sakin halos buwan na .
Binuksan ko ang kwarto kung asan si Elli , nasa tabi niya si tita nagmano ako sakanya nang masdan ko si Elli ay mahimbing na natutulog . She looks like an angel !
" Andito kana pala kaiden , kanina ka pa niya hinihintay . Oh! siya ikaw na ang bahala sakanya lalabas lang ako ." Saad ni tita at iniwan kami .
Inilapag ko ang mga dala kong prutas at itinabi ang dala kong tupis sa maliit na table malapit sa bed ni Elli tanging ang aparatus lang ang nagbibigay ingay sa silid .
Elli is suffering , she's a cancer patient for five years . Kung pwede ako nalang ang nakaratay sa hospital bed . Hindi ko kaya makita siya na nakahiga lang buong araw bnibisita ng mga Nurse at Doctor oras -oras to check her vital signs and injecting medicine .Minulat niya ang mata niya at ngumiti sa akin . " You're here , i miss you . Ha-ppy Anivers-arry Kaiden !" Mahina ang boses nito pero sapat na para marinig at maintindihan ko , binigay ko sa kanya ang hawak kong tulips na siyang mas nagbigay ningning sa ngiti nito .
" Happy Aniversarry Elli , i love you . . . " hinalikan ko siya sa noo at hinawakan ang kamay niya umupo ako sa kanyang harap . Gusto ko siyang titigan ng matagal dala siguro ng pagkamiss ko .
" Birthday mo bukas , anong gusto mong gawin ko ngayon love ? .. " tanong ko sa kanya .
" Oo nga pala no , muntik ko nang maka-limutan .. " minsan hirap siya sa paghinga .
" Gawin mo sakin yung palagi mong gina-gawa non-g nanliligaw ka-pa .. " dagdag nito .Minsan nalulungkot ako sa kahinatnan niya bakit kailangan niya pang pagdurusahan ang ganitong kalagayan imbis na nasa labas kami ,ngayon nasa hospital nalang .
" Osige , babalikan natin yung nakaraan HAHAHAHA hmm .. " tumango naman ito at tahimik na nakahiga .
" Naalala mo pa nong una tayo nagkita Love muntik pako mahulog sa kanal dahil sayo ako nakatitig pft . Tapos tinanong ko pangalan mo sa kaibigan mo na mali naman yung binigay kaya noong tinatawag kita hindi ka man lang luminlingon ,ang sungit mo pa non HAHAHAH . .. " yung mga araw na nawawalan pako ng pag-asa na maging kasintahan siya , parang kailan lang .
Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko habang nakikinig , may ngiti sa labi niya kaya pinagpatuloy ko pa ang pagkwekwento.
" Nong first date natin , kung saan dinala kita sa Carnival takot ka pala sa feris wheel kaya muntik muna ako mapatay kakasakal HAHAHAHA tapos nong gabing yun ang pinakamemorableng nangyari sa buhay ko, kung saan sinagot mo ako . Unang salitang Ilove na galing mismo sa bibig mo para akong hihimatayin sa kilig no'n love HAHAHA lalo na nong- "
Napatigil ako sa pagkwento dahil naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa kamay ko , napatayo ako dahil nakapikit na ito . Dala ng pagtataranta hindi ko alam kung ano ang uunahin ko .Niyugyog ko siya , sari saring emosyon ang nararamdaman ko . " No , Elli gumising ka , ELLI? " agad namang pumasok si tita , kagaya ko ay 'di niya din alam ang gagawin niya . Agad namang dumating ang doctor pero huli na .
Ilang ulit siyang ni-revive pero hindi na talaga , napagod na ang katawan niya . Wala na si Elli , iniwan niya na ako sa araw mismo ng aming anibersayo .
Wala akong lakas gusto kong isigaw ang sakit pero kahit anong gawin ko hindi na siya maibabalik . Ang daya mo lo-ve
" HAPPY ANIVERSARRY AND HAPPY BIRTHDAY ELLI .. " Mahinang saad ko habang nakatanaw sakanya na dahan dahang tinatakpan ng puting tela .
You can rest now . I love you !Time of death : 12:00 AM at April 17 2021