Chapter 13

812 47 10
                                        

Liblanc and Hazel pic.

They say a day off is a sacred thing. It is the time when you are supposed to forget about deadlines, reports, and the terrifyingly beautiful woman who happens to be your boss. Unfortunately iba ang definition ng day off sa magandang boss ko. She wants me to keep her updated.

Jowa yan?

"Nasa bahay lang po ako."I texted Liblanc.

Ilang sandali pa, nag-vibrate yung phone ko. Message from Liblanc.

Liblanc: "Okay. It's your day off, so do whatever you want to do. Rest, go out, whatever makes you happy. Just make sure to inform me where you are going and who you are with. That's all."

Ever since that talk and incident, sobrang laki ng pinagbago ng treatment niya sa akin. Before, parang linta kong lumapit, at akala mo close kami the way she act. Pero ngayon? Sobrang professional. Casual siya magsalita, pero ramdam mo yung pader na nakaharang sa gitna namin.

May boundaries.

Clear lines na hindi pwedeng lagpasan.

Ano kayang nakain niya 'no?

Weird eh. But at the same time, okay naman for me. I'm at peace.

"Noted po, Ma'am. Salamat po. Magpapahinga lang po ako dito sa bahay."

Calling her ma'am, instead of Liblanc. Kahit minsan nakikita ko na parang naiinis siya, yun naman kasi yung tama. She's my boss, and I'm her employee.

Nakahiga lang ako sa sofa, nanonood ng TV nang biglang tumunog yung doorbell.

Sinilip ko yung peephole at nakita ko yung mukha ng taong alam kong magdadala ng gulo sa araw ko.

Si Eres!

Agad ko binuksan yung pinto. Nandito ka na pala! Ang bilis mo naman, the flash kaba? "

"Malamang kaya nga nandito ako. Grabe ang byahe. Init na init na ako!" reklamo niya agad habang pumapasok sa loob at humihinga nang malalim. "Grabe, aircon ba dito? Ang lamig. Thank you Lord."

Umupo siya sa sofa at humiga pa nga. "Bes, pahingi muna ng tubig please. Napupunawan na ako."

Habang nag-aabot ako ng tubig, bigla kong naalala... rules ni Liblanc.
Kinuha ko yung phone ko at tinext siya agad.

"Ma'am, nandito po pala best friend ko, si Eres. Bibisita lang po siya."

Nag-reply agad:

Liblanc: "Got it. Enjoy your bonding."

Simple lang. Cold. Professional. Walang emosyon pati sa text.

Robot yarn?

"Anong meron? Bakit parang stress ka? " tanong ko sa kanya habang umuupo sa kabilang sofa.

Bumangon siya bigla at parang sasabog na sa inis. "Bes, grabe! I swear, magre-resign na ako! Hindi ko na kaya!"

Natawa ako. "Bakit? Ano na naman nangyari? Boss mo na naman ba?"

"Oo nga eh. Yung pinsan mo. Yung si Satani!" sigaw niya. "Grabe bes, wala na bang araw na hindi ako pinapahirapan nun? Sobrang higpit. Sobrang demanding! Tapos kahit anong gawin ko, hindi pa rin tama. 'Eres, mali yan! Eres, gawin mo ulit! You're so stupid, Eres!' Feeling niya kung sino siya! Para naman siyang bampira sa sobrang puti wala na atang dugong dumadaloy doon."

Nagpipigil lang ako ng tawa habang nag-rara-rant siya. Halos isang oras yata siyang nagsasalita, hindi napapagod. Kwento dito, kwento doon, lahat binuhos niya. Stress daw siya sa work, stress sa life, stress sa boss.

Loving Miss BananaStories to obsess over. Discover now