Pumasok ako sa opisina ni Liblanc dala ang mga folders na kailangan niyang pirmahan. Naka-ayos ako ng suot, naka-heels pa nga ako ngayon para hindi ako magmukhang dwarf sa harap niya. Pero kahit anong gawin ko, feeling ko laging mali ang ginagawa ko kapag nasa harap niya ako.
She was sitting on her swivel chair, leaning back comfortably with her long legs crossed. Naka-blazer siya, nakabukas nang kaunti yung butones sa taas, at suot niya yung salamin niya na lalong nagpapaganda at nakaka-intimidate sa itsura niya.
She looks so professional, so untouchable... pero alam ko sa loob loob ko, isa lang siyang malditang babae na mahilig lang mang-inis.
"Ma'am, eto na po yung documents for signing." sabi ko at nilapag yung mga papel sa table niya nang maayos.
Hindi man lang siya tumingin sakin. She was busy typing something on her laptop, her brows furrowed, mukhang seryoso at galit na naman. Pero ang ganda niya talaga, kahit seryoso siya.
Lakas ng appeal.
"Leave it there." maikli at malamig niyang sagot.
Tumango na lang ako at akmang aalis na sana nang bigla siyang magsalita ulit.
"Where do you think you're going?"
Huminto ako at humarap ulit sa kanya. "Sa desk ko po, Ma'am. May gagawin pa ako."
"Sit down." utos niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop.
"Ha? Pero Ma'am—"
"I said sit down, Hazel. Or are you deaf?"
Napakuyom ako ng kamao. Hinga ng malalim, Hazel. Hinga ng malalim. Boss mo yan. Boss mo yan.
Sweldo mo yan. Sayang ang saging, unlimited pa naman.
Umupo na lang ako sa sofa na nasa harap ng table niya, nakapameywang at nakatingin sa kanya nang masama. "Ano bang kailangan mo? Hindi ako pwedeng tumambay dito, dami ko pang tatapusin."
Finally, tinigil niya yung pagta-type at dahan-dahang inalis yung salamin niya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, parang ine-evaluate ako.
"Your tie is crooked." sabi niya.
"Hah?"
"Come here."
Umiling ako. "Hindi! Kaya ko ayusin yan! Huwag ka na lumapit!"
Pero syempre, hindi siya nakikinig. Tumayo siya at lumapit sa pwesto ko. Before I could even react, she was already standing in front of me, leaning down so our faces were leveled.
She reached out and fixed my tie slowly. Her fingers were cold, pero yung hawak niya ay gentle. Sobrang lapit niya kaya naamoy ko ulit yung pabango niya na nakaka-lula.
"There." she whispered, her eyes staring straight into mine. "Much better. I don't like seeing my things messy."
"Your things?!" napalakas ang boses ko. "Ako ba yung bagay sayo?! Ang kapal ng mukha mo! Tao ako. Employee mo ako!"
She smirked, that annoying yet sexy smirk. "Relax. I was talking about the tie. Or... do you want to be my thing?"
"Gaga ka ba?! Ano bang pinagsasabi mo dyan?!" tumayo ako at lumayo agad sa kanya dahil nararamdaman ko na namang umiinit ang pisngi ko. "Magtrabaho ka na lang! Ang dami mong oras sa kalandian."
Sarap niya sa sabunutan talaga. As in, nakakagigil. Sarap hali–wala wala.
"I'm not flirting, Hazel. I'm just correcting you." she laughed softly and went back to her seat. "By the way, bring me coffee. Black. No sugar. And make it fast."
"Kaya mo namang tumayo eh! Bakit ako pa?" reklamo ko pero kumilos na rin naman.
"Because you're my personal assistant. And besides... I like it when you serve me." she winked.
"Ewan ko sayo." asik ko at lumabas na ng opisina niya para gumawa ng kape.
Paglabas ko, sinalubong ako ng mga tingin ng mga katrabaho ko. Si Sarah, si Mark, at yung ibang staff ay nakatingin sakin na parang may nakita silang milagro.
"Bakit kayo nakatingin ganyan?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape.
Lumapit sakin si Sarah at bumulong. "Hazel... napansin mo ba?"
"Napansin ano?"
"Si Ma'am Liblanc. Never siyang nagpapaabot ng documents mismo eh. Usually, inilalagay lang sa tray tapos ipapasa sa secretary niya. Pero sayo... ikaw mismo nagaabot." bulong niya.
"At isa pa," dagdag ni Mark. "Kanina may nagkamali ng file, grabe yung sigaw niya eh. Halos umiyak yung tao. Pero nung pumasok ka kanina... iba yung aura niya. Parang lumiit yung mundo niya bigla."
"Eh malamang personal assistant niya rin ako. Kaya ganyan, wag niyo bigyan ng malisya." sabi ko kahit deep inside may something sakin na gusto ko yung narinig.
YOU ARE READING
Loving Miss Banana
Genel Kurgu"Why would the universe give you to me twice if I couldn't have you once?" I believe that someone out there, somewhere, was made for me. I just can't believe it wasn't you. In another lifetime, maybe we'll meet again. And maybe we'll get to turn a...
