Kathryn's pov
Im really effin bored... again...
Ayoko rin namang makipagusap, tinatamad akong magsalita. Makapagbihis na nga.
( suot ni Kath sa side, imagine nyo na lang na nakapoker face sya )
Kinuha ko na yung susi ng BMW ko at nagdrive papuntang RTU.
Reine Tueur University
"Good Morning Ma'am"bati sa akin ng guard dito sa may gate.
Pumasok na lang ako sa loob at nagpark.
Nagresearch ako tungkol dito sa University... at nalaman kong hindi ito ordinaryong paaralan... kaya ayaw ko sa Ate Nadz magaral dito.
Isa pa, nandito din sila...
At dahil late na nga ako, ako lang ang tao sa hallway. Parang akin lang ang mundo.
Kumatok ako sa harap ng classroom na papasukan ko.
*tok tok tok*
"What do you need??"tanong ng Prof.
She's rude to be a professor... Note the sarcasm...
Nilabas ko lang yung sched at hinampas iyon sa mukha niya. Bastos kung bastos pero wala akong paki.
Pumasok na ako at umupo sa bakanyeng upuan sa likod.
"Baka pwedeng magpakilala ka sa harap di ba?! Bastos na bata!" Sabi ng prof.
Dahil tinatamad pa rin akong magsalita, tumayo ako at lumapit sa white board.
"Marker"sabi ko lang.
Mukhang naguluhan sya kaya kinuha ko na lang ang isang matulis na bagay at ipinang sulat ko sa White Board
KATHRYN BERNARDO
Agad akong umupo dahil nakakatamad tumayo.
Alam kong nagulat ang ilan sa kanila sa ginawa ko. May natakot, may nainis at may nagalit. Pero ano bang magagawa nila kung tapos na??
*Miss Kathryn Bernardo please proceed to the Dean's office*
*I repeat, Miss Kathryn Bernardo please proceed to the Dean's office*
Tumayo na lang ako at umalis ng hindi napapaalam.
Dean's Office
Kumatok ako pero agad din itong nagbukas.
"Good Morning Miss Bernardo, welcome to RTU"
Psh...
"Go straight to the point"sabi ko.
"Bakit mo yun ginawa sa classroom mo?"Sabi nya.
Hindi na ako sumagot dahil nakakatamad.
"You're just a new student pero ang angas mo"sabi nya ulit.
"Alam kong alam mong hindi ako baguhan dito"walang emosyon kong sinabi sa kanya.
"Alam mo ba ang ginawa mo sa room mo Kath?"
"Sa pagkakaalam ko, Mga taong pinagkakatiwalaan ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng 'Kath' tama ba ako?"ako.
"Pero Kath nam--"Hinampas ko na ng lamay ko ang mesa nya
"It's Kathryn!! Damn!!"Ako.
"Nakakainis ka Kath. Okay Kathryn... Tatlong taon lang ang nakalipas pero nagbago ka na... Parang hindi na kita kilala."sabi nya.
"Sa tinggin mo ba sa loob ng tatlong taong yun hindi ako nasaktan?? Wala kang alam kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa akin." Wala sa emosyon kong sinabi sa kanya.
"Bakit ka nga pala nagbalik? Guguluhin mo lang ang lahat dito."
"Let me remind you Kuya Neil... This University is mine. Lahat nang naririto ay akin. Hawak ko ang kapalaran nila."
Napangisi agad ako ng makita kong kumunot ang noo nya.
Meet the Dean of Reine Tueur University, Mr. Neil Coleta, my half brother. Anak ni Mommy sa pagkadalaga.
Bakit Dean lang sya? Dahil mas mahalaga ako kaysa sa kanya.Ang unang babae sa Bernardo ang mas may malaking mamamana. Meron din naman silang mamanahin pero mas malaki nga lang sa akin.
"Ano ngayon kung sayo ito? Halos kalahati ng buhay ko inalay ko sa paaralang ito kaya hindi mo ito basta bastang makukuha sa pangangalaga ko Kathryn."naiinis netong sabi sa akin.
"Madali ko lang itong makukuha mula sa iyo dahil ako ang unang babaeng apo sa Bernardo." sabi ko.
Tch! Napaparami na ako ng salita. Tumayo ako at bago ako lumabas...
"Sana sa susunod, matuto kang lumugar sa ating dalawa Kuya Neil at next time wag mo akong papakelaman dahil matagal na ko ng nakalimutan na may kuya ako na ang pangalan ay Neil Coleta."sabi ko at pabagsak kong isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Love and War [ KathNiel ]
RandomNow the door is open The world I knew is broken There's no return Now my heart is not scared Just knowing that you're out there Watching me So believe I'll be here waiting Hoping, praying that This light will guide you home When you're feeling lost...