Chapter 19: Exo's POV

2K 92 19
                                    

Baekhyun's POV

Everything's happened with a reason...

Gaya na lang ngayon, masyado namin silang minaliit, inalipusta at sinaktan... At dahil doon, lumakas sila, tumatatag at lalong tumibay ang pagkakaibigan nila...

Masaya ako para sa kanila...

Pagkatapos ng M Countdown, pinatawag kami ni Mr LSM... Gusto niya daw kaming makausap...

Nagpalit na kami ng mga damit at inayos ang mga ginamit sa music show... Nung natapos na dumeretso kami sa 2 van...

Nung makapasok na lahat ng Exo K sa Van, walang umiimik, mukhang iisa lang kami ng iniisip...

"Ang laki ng galit nila sa atin" - Do

"Minsan parang di ko na kaya, gusto ko na lang bumalik sa dati" - Chanyeol

"Yan ang wag na wag mong gagawin! Alam mo namang bawal diba? Kaya wag kang magkamali Chanyeol!" - Suho na galit na

"Oo alam ko! Kaya wag mo kong pagsabihan! Kasi kahit anong sabihin mo, di mo pa rin maiiwasan samin ang mangulila!" - Chanyeol

"Pigilan mo Chanyeol! Di ka na bata! Alam mo ang tama at mali!" -Suho

"Di mo nararamdaman ang nararamdaman namin KASI KAHIT MINSAN DI KA PA NAGMAHAL! PURO PAGIGING LEADER ANG INIISIP MO! DI MO MANLANG NAIISIP ANG NARARAMDAMAN NAMIN! NAGBAGO KA NA!" - Si Chanyeol na umiiyak habang sinasabi

"Tama na nga yan!" - saway ko

Buti pa si maknae nasa likod maka poker face lang

"Oo alam ko, naging makasarili ako pero lahat ng iyon para din sa inyo... Kaibigan ko din sila... Ayaw ko din silang masaktan pero iyon ang nararapat... Di lang kayo ang namgungulila..." - mahinang sabi ni Suho habang umiiyak

KPOP BATTLE :  SNSD VS EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon