Nag-iisa ako sa hallway ng second floor . Hindi pumasok sina Demilyn at Kathleen , yung dalawa kong bestfriend . Hindi ko alam kung timing lang talaga o napag-planuhan nilang dalawa na wag pumasok ngayon .
Kaya eto ako ngayon , nag-iisa . Mag-isa akong kumakain ng paborito naming flavor ng ice cream , ang chocolate . Mag-isa akong nagbabasa sa library . Mag-isa akong naglalakad at nagpapahangin sa park sa likod ng university namen . Mag-isa akong nag-ccr ngayon . Mag-isa akong umuwi . Hay nako , wala na ngang lovelife wala pang bestfriend , sadlife na sadlife ako ngayon .
Nasa bus station na ako ngayon . Kapag papunta ako ng university , nagte-tren ako . Pero kapag pauwi , nagba-bus ako .Naka-headset ako at pinakikinggan ko ang paborito kong kanta . Nakalingon ako sa bintana ng bus at tinitignan ko yung tinatahak namen . Nadidinig kong palapit na sa chorus ang kantang pinakikinggan ko nang bigla kong naramdaman na may tumabi saken . Lumingon ako para umusog at nakita ko si chinito kanina sa tren .
" Ikaw na naman ? " Sabay pa kame ng sinabe .
Tanong nya .
"Anong ginagawa mo dito ? " Tanong nya agad .
" Pauwi na ako . " Sagot ko sa kanya at tinaggal ko na ang headset ko .
" Ah . " Sabe nya .
Hinubad nya yung bag nya at ipinatong nya sa harapan nya tapos tsaka sya sumandal .
Tinitignan ko lang sya . Binuksan naman nya yung bag nya at may hinahalungkat sya . Ilang saglit pa at inilabas nya mula sa bag nya ang isang t-shirt na may tatak ng logo ng university namen .
" Sa Mckinley High ka din ba nag-aaral ? " Bigla kong naitanong sa kanya .
Lumingon sya .
" Oo . Bakit ? " Sabe nya .
" Magka-schoolmate pala tayo . " Sagot ko sa kanya .
" Oh ? Hahaha ! " Tumawa sya . Alam mo yung taong tumatawa na parang guhit nalang yung mata sa sobrang kasingkitan at napapakamot pa ng ulo ? Grabe kung kayo yung nasa pwesto ko para kang kikiligin na di mo mawari kase bibihira yung gantong lalaki sa mundo . Yung parang inosenteng inosente na lalaki ? Basta parang ganon .
" Baka pwede naman akong makisuyo sayo ? " Sabe nya .
" Oo ba . " Sagot ko sa kanya . Sa lahat ng nakilala kong lalaki , parang isa sya sa mga lalaking nakagaangan ko ng loob . Tapos yung tipo na kapag nag-request sya sayo parang hindi mo sya matatanggihan ? Basta parang ganon .
" Baka pwede paki-buhat naman tong bag ko may gagawin lang ako . " sabe nya .
Kinuha ko nalang ng kusa yung bag nya at ipinatong ko sa ibabaw ng bag ko .
Lumingon ako ulit sa kanya .
OH MY GOD ! Naghuhubad sya ng t-shirt nya ! Ano tong nakikita ng mga mata mo Casey ?! Isang lalaking kumpleto ang anim na pandesal sa tiyan ?! Oh My God feeling ko para akong naiihi na di ko malaman kase , kase basta !!
" Huy ba't ka nagli-lip bite dyan ? Baka sumabog yung bag ko sa higpit ng yakap mo ? " Sabe nya bigla .
Bigla akong natauhan . ANONG SABE NYA ?! NAGLI-LIP BITE AKO ?! HALA !
Bigla kong iniba ang tingin ko . Baka isipin pa nyang pinag-nanasaan ko sya . Tsaka di ko na sya para sagutin pa . Madulas pa ako at masabi kong nakatingin ako sa kanya , nakatingin ako sa lalaking nagpapalit ng t-shirt .
" Salamat sa tulong . " Napalingon ako sa kanya ng kinuha na nya ang bag nya .
Tinititigan ko lang sya hanggang sa buksan nya ang bag nya at ipasok doon yung t-shirt nyang pinagpalitan .Pumara na ako .
" O sya , paalam na . " Sabe ko sa kanya at tumayo na ako .
" Dito din naman ako . Sana di kana muna nagpaalam . " Sabe nya .
Hindi na ako kumibo at bumaba na ako ng bus kasunod nya .
Nasa tapat na kame ng isang condo . Condominium ako tumitira ngayon kase nasa probinsya ang parents ko at masyadong malayo kung uuwi pa ako doon para matulog lang .
" Dito ka rin ba nakatira ? " Tanong ko .
" Oo . Kaka-upa ko palang kahapon . Kaya siguro kinang umaga lang tayo nagka-tagpo . " Sabe nya .
" Talagang nagka-tagpo ang term na ginamit mo ha ? Hahaha ! " Sabe ko sa kanya , tapos tumawa din sya .
" Gusto kong makita kung saan ka naka-unit . " Sabe ko pa sa kanya .
" Tara . Sama ka saken . " Sabe nya .
Umabante sya ng konti . Tapos lumingon sya saken .
Ngumiti ako sa kanya . Yumuko sya bigla .
Napatingin din ako sa baba .
Naka-lahad pala ang kamay nya na parang kinukuha nya ang permiso ko na kakapitan nya ang kamay ko .Lumingon ako ulit sa kanya .
Nakita ko yung mukha nya na parang nag-iintay ." Tara na . " Sabe nya saken .
Kinapitan ko nalang yung kamay nya . Kinapitan nya yung kamay ko ng mahigpit . Yung feeling na parang ayaw nya akong makawala , makawala at maagaw ng iba . Charot !Ay kaya pala . Tatakbo kase kame . Ang pantasya ko nag-uumapaw eh kaya pala nya kinapitan ang kamay ko eh kase tatakbo pala kame . Hay nako Casey , nagpantasya kana kanina , nagpantasya ka nanaman ngayon ?
Huminto kame sa ikatlong palapag ng gusali ng condo . Sa isang unit na malapit sa hagdan , doon pala ang unit nya .
" Unit 314 ka pala . " sambit ko sa kanya .
" Ikaw ba pang-ilang unit ka ? " Tanong nya .
" Ako ? Sa unit 522 ako . " Sagot ko agad .Binuksan na nya ang pinto ng condo nya . Pagkabukas na pagkabukas palang nya ng ilaw , tanaw na tanaw ko na ang maayos nyang condo . Malinis sya sa gamit . Alam nyo bang turn-on na turn-on ako sa lalaking malinis sa gamit ? Hahaha !
" Maupo ka muna dyan sa upuan at ikukuha kita ng maiinom . " Sabe nya at ipinatong nya yung bag nya sa tabi ng upuan kung saan nya ako pinauupo .
Dumiretso na sya sa kusina at naiwan ako sa sala .
Hindi ko alam pero biglang gumana ang kamay ko para kunin ang bag nya at halungkatin ang kagamitan nya .
Grabe pati sa laman ng bag ang ayos-ayos nya ! Wait nga , inilabas ko sa bag nya yung isang t-shirt . Basa ang parteng likuran ng t-shirt ng pawis .
Feeling ko ito yung pinag-palitan nyang t-shirt .
Hindi ko alam ang pumapasok sa isip ko pero bigla ko itong inamoy . Oh My God , amoy axe ! Ang bango ng pinag-palitan nyang t-shirt . Amoy lalaking-lalaki .
" Anong ginagawa mo ? " Tanong nya .
Nasa harapan ko na pala sya at pinapanood nya ako kung paano ko inaamoy ang t-shirt nya .
Bigla ko itong ipinasok sa bag nya at inilapag ko ito .
" Ay , eh .. eh ... wala ! Hinahanap ko lang yung nangangamoy na mabango . Pa-parang ito a-atang t-shirt mo . " Nabubulol pa ako sa pagsasalita .
Juice ko ! Nakakahiya tong ginagawa ko !-
Nagpaalam na agad ako sa kanya .
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'Peg-ebeg'
RomancePaano kung dumating yung second chance mo sa oras na di kapa handang mag-mahal muli ? Tatanggapin mo ba ito sa maling pagkakataon ? O aantayin mo ang tamang pagkakataon , pagkakataong sawa na sya at huli na ang lahat para sa inyong dalawa ?