One

20 0 0
                                    

Pugto na ang mga mata ko kaka-aral ng mga theories para sa thesis presentation ko bukas . Naka-ilang timpla nadin ako ng kape para hindi ako makatulog . Basa dito , basa doon , putang inang buhay to oh ?!

Binagsak ko sa study table ko yung mga compilations ng thesis ko . Napatingin tuloy ako sa orasan .
"02:41 am na pala . " nahihikab pa ako habang inaayos ko ang eyeglasses ko .

Tumayo ako at kinuha ko yung mug ko para magtimpla muli ng kape , siguro pang pitong baso ko na nang kape itong titimplahin ko . Bakit ba kase nag-exist ang thesis ? Pwede namang assignment nalang ang ipagawa . Badtrip tong mga professors na to eh , nagpapahirap pa sameng mga estudyante eh 1-5 na numbers lang naman ang ilalagay sa grade namen . Bwiset .

Paulit-ulit ang ginagawa ko . Mag-rereview , magtitimpla ng kape , tapos review ulit . Paulit-ulit ang ginagawa ko hanggang sa mag-ring na ang alarm ko . Ibig sabihin , 5:30 am na at oras na para maligo ako .

Binuksan ko yung closet ko para ilabas na ang uniform ko . Kaso , di ko sinasadyang makita yung isang box na kulay red .

Kinuha ko ito dahil may naaalala ako .

Naupo ako sa kama . Binuksan ko ito ng dahan-dahan . Nandito pa sa loob nito yung pictures na iniingat-ingatan ko . Picture namen ni Nate .

Si Nathan Zamora ang boyfriend ko since 3rd year highschool ako . Sya yung lalaking nagbigay-paliwanag saken ng tunay na ibig-sabihin ng pag-ibig .

Nangiti ako . Parang kahapon lang kase , ako pa yung prinsesa nya , ngayon , ako pa itong nagmumukhang kabit sabe ng bago nyang babae ? Hay nako , magsama kayo !

Bigla kong napunit ang litratong hawak ko . It deserves naman eh .

Saktong 6:50 am ay nasa train station na ako . Ang dameng tao . Kung anong diname ng tao dito sa train station , syang dinami din ng dala ko . Dalawang shoulder bag ang dala ko , at isang napsack . Dagdag pa yung dala kong papers na hindi pwedeng malukot .

Napakahaba ng pila sa kuhaan ng ticket . Araw-araw ko tong kalbaryo . Kalbaryo to kase libu-libong tao ang nandito at ang masaklap doon ay araw-araw nalang itong nangyayari sa buhay ko . Kung may sarili lang siguro akong sasakyan , di ko to inabot .

Biglang humangin ng malakas .
" Aaayyy !! Yung thesis papers ko ! " Walang pakundangan kong hinawi ang mga tao sa train station . Naghabol ako ng mga putang inang papel na yan . Kung hindi lang importante tong mga papel na ito , edi hindi ko ito hinabol .
" Leche ! Bwiset bwiset bwiset !! " binalibag ko yung mga bag ko sa inis ko . Naghysterical ako sa harap , sa harap ng mga tao .

Badtrip naman kase eh , tama bang humangin ng ganoon kalakas ? Pati pa naman ba hangin bina-bad trip ako . Haggard na haggard na nga yung mukha ko , walang pulbos , walang suklay , walang pabango , tapos pati thesis ko mawawala ? Putang inang buhay to .

Nakasakay na ako sa tren , siksikan . Naka-aircon pero yung pawis ko tumatagaktak .
" Miss upo kana oh ? " tumayo yung isang lalaki na nakaupo sa gilid at inalay nya yung upuan nya saken .
" Salamat . " sagot nung babaeng umupo .

What the heck ?! Ako yung inalok nya tapos ibang babae yung umupo ? Nakakainis naman !

Kaya nung napalingon yung babae saken ay inirapan ko sya at siniguro kong nakita nya yon . Bwiset sya eh .
" Miss tulungan na kita dyan sa dala mo . " Kinuha nalang bigla nung lalaki sa akin ang dala kong shoulder bag at isinukbit nya yon sa balikat nya .

Wala namang nagawa ang lola nyo kundi I-let go ang shoulder bag ko .
" Salamat ha ? " sabe ko sa kanya .

Nasa kaliwa ko lang sya kaya nung nag-thank you ako ay hindi ko na sya nilingon .
" Walang ano man . " sagot nya .

May something na di ko ma-explain pero kusa akong tumingin sa kanya para tignan ang mukha nya . Di ko alam pero parang gusto ko syang makita .

Sa pag-lingon ko , nakita kong singkit pala sya . Maputi at matangkad pala sya saken . Maganda ang katawan nya . Chinitong-chinito in short .

Bigla syang lumingon saken , kaya bigla akong lumingon sa iba .
"Tinititigan mo ba ako miss ? " tanong nya .
" Ha ?! Ah eh , hindi ah ! " sagot ko sa kanya tapos lumingon ako ulit sa iba .

Nadinig kong tumawa sya .

Ang cute ng boses nya tumawa . Bihira akong macute-tan sa boses ng isang lalaki .
" Bakit ka ba tumatawa ? May nakakatawa ba ? " Inis ang tono ko sa kanya kahit nung lumingon ako sa kanya ay nakangisi sya at singkit na singkit ang mata nya na lalong nagpapadagdag sa ka-cuteness nya . OMG ! ano ba tong sinasabe ko ?
" Ang gara mo kase eh . " sabe nya saken .
" Anong magara saken ? " sagot ko sa kanya .

Ngumiti na naman sya . Lumabas na naman yung kacute-tan nya .
" Para ka kaseng astig . " sabe nya .
" Astig ? " sabe ko naman .

Biglang nadinig ko yung pagbukas ng pinto ng tren . Naglabasan na ang mga tao .

Sabay kameng bumaba sa Roxas B .
" Salamat sa pagbit-bit ng bag ko . " sabe ko sa kanya at kinuha ko na yung bag ko .
" Walang ano man . " sabe nya .

Tumalikod na ako . Naglakad na ako patungo sa pupuntahan ko , ang university namen .

Yung mga pantasya ko kanina , tapos na . Nasa realidad na muli ako . Realidad na naglalaman ng pagalit ng professor ko dahil gula-gulanit na ang thesis ko .
" Miss , wait . " nadinig ko ang mga linyang iyon sa pamilyar na boses .

Si cute na chinito nga yon .

Humarap ako sa kanya .
" Bakit ? " tanong ko agad .

Lumapit sya di gaya ng inaasahan kong gagawin nya na sasagot agad .
" Ba-bakit ? " tanong ko ulit .

Lalo lang syang lumapit . Halos nararamdaman ko na yung pag-hinga nya sa lapit namen .

Bigla kong naramdaman ang pintig ng puso ko na nararamdaman ko lang kapag .. Hindi . Hindi ito totoo . Hindi ako handa dito .
" Pwede ko bang malaman yung pangalan mo ? " tanong nya at hinawi nya ang buhok ko .

Napaka-gwapo nya . Chinitong chinito . Yun labi nya pulang pula na ang sarap kagatin . Singkit yung mga mata nya na para akong inaakit .
" Casey . Casey Aihara ang pangalan ko . " sagot ko sa kanya at tumalikod na ako .

That Thing Called 'Peg-ebeg'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon