Nandito nanaman sya sa tapat ng unit ko . Nandito na naman si Nate . Ano bang hanap ng lalaking to ? Sinabe ko nang tapos na kame at ayoko na sa kanya . Bakit ba ang kulit nya ? Kung hindi ko sya haharapin , hindi sya titigil . Kaya tatapusin ko na to ngayon .
Nilapitan ko sya .
" Casey , alam kong mali ang ipag-palit kita sa iba , at narealize kong iba ka pala sa lahat . " Sabe nya saken pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya .
" Alam mo pala eh . Bakit mo padin ginawa ? " Sagot ko sa kanya .
" Kaya nga eto ako ngayon , buong pusong humihingi ng tawad . " Sabe nya saken .
" Bakit ako ? Buong puso din naman akong nakikiusap sayo na layuan mo na sya , pero anong ginawa mo ? Diba nakipag-hiwalay ka saken para sa kanya ? " Sumbat ko sa sinabe nya .
" Casey , alam kong mali ako doon . Gusto kong bumawi sayo , gusto kong bumalik tayo sa dati . " Sabe nya at lumapit sya saken .
Umatras ako ng konti .
" Wala na tayong dapat ibalik kase wala naman tayong ibabalik . Matagal ko nang kinalimutan ang naging meron tayo kase karapat-dapat yong kalimutan . Ngayon alam mo na ? " Sagot ko sa kanya at tinalikuran ko na sya .
Papasok na dapat ako sa unit ko pero nag-salita pa sya .
" Casey wala na ba talagang pag-asa ? " Sabe nya saken .Nahinto ako . Hindi ko alam pero parang dapat marinig na nya ang totoo .
" Napaka-tanga ko kase eh . Suma cum laude ako sa pagpapaka-tanga ko sayo . Isa akong babaeng tatanga-tanga na nagpaka-tanga sayo . At eto ako ngayon , pinapa-nganga ka kase gusto kong iparamdam sayo yung sakit na binigay mo . " Tumulo yung luha ko sa sinabe ko . " Pinaluha mo ko noon , mag-laway ka ngayon . " Dugtong ko pa .
Tinalikuran ko na sya at isinara ko na yung pinto ng unit ko . Yung pag-sara ko ng pinto ay nangangahulugang tapos na kame , tapos na yung meron kame at hanggang doon nalang yon .
-
"Gurl , baka yang Yeul na yan ma-fall ka dyan . Nakakatakot lang kase alam mo namang masakit kapag sahig ang sumalo sayo . " Sabe ni Kathleen habang humihigop sya ng milktea .
Sunday ngayon kaya wala akong schedule kaya nandito kame ng mga besties ko sa paborito naming cafe .
" Ano ka ba , malayong maging type ako nun kase masyado syang gwapo para magpaka-gago saken , sa katulad ko . " Sabe ko naman .
"Alam mo gurl , ang mga manloloko , walang pinipiling itsura . Dahil ang manloloko hanggat meron ka ng kailangan nila , ikaw ang target nila . " Sabe naman ni Demilyn .
" Grabe ha ? Paran sinabe nyong napaka-panget ko naman . " Sabe ko naman .
" Eh kung sakali , ano bang dapat nyang kunin kay Casey ? Ano bang aagawin nya kay Casey ? " Sabe bigla ni Kathleen .
" Ano ba gurls , friendship ang hanap nung tao hindi kung anu-anong kagaya ng nasa isip nyo . " Pagtatanggol ko kay Yeul .
" Bahala ka gurl , basta kapag may mangyari sayo na hindi maganda , andito lang kame . " Sabe ni Demilyn .
Ngumiti ako sa kanila .Alam ko naman kaseng walang masamang mangyayari .
-
Ayan na Yeul , maski sa besties ko pinag-tanggol na kita . Hahaha ! Isumbat daw ba ?
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakakita ako ng isang babae at isang lakaki na magka-holding hands habang naglalakad .
Nasa likod nila ako kaya hindi nila ako makikita . Ewan ko ba pero nasa way ko din sila dumadaan at balak ko sanang bisitahin si Yeul at alamin kung ano ang ginagawa nya kapag weekend ."Babe , akala ko naligaw ka na ? Buti nalang at naramdaman ko ang tibok ng puso mo kaya natunton kita . " sabe nung lalaki sa girl na kasama nya .
Nyeta ha ?! Lantod naman .
" Hahaha ! Ikaw talaga ." Plastik na tawa naman nung girl sabay yakap sa braso nung lalaki .
Bigla silang huminto at pumasok sa isang unit . Nagmadali akong tumalikod kase yung babae ay humarap sa likod nila kung nasaan ako .
Ilang saglit pa ay nilingon ko na sila at nakita kong pumasok na sila sa unit nila . Matulin ang lakad ko dahil pare-parehas ang itsura ng mga unit dito pero napansin kong walang mga ilaw ang ibang unit kaya nung nakita ko yung isang unit na may ilaw ay natiyak ko nang doon yung unit nila . Hahaha ang chismosa ko pati pa naman ba yon inaalam ko pa ?Palakad na sana ako kaso bigla kong naisipang tignan yung unit number nila tutal naman inalam ko na kung saan silang unit , bakit hindi ko pa tignan kung anong unit number nila ?
" Tang ina 314 ?! " Sigaw ko sa labas ng unit nila .
Napatakip ako bigla ng bibig ko kase napasigaw ako , bakit hindi ako sisigaw eh unit number ni Yeul yon ? Pakshet naman . Nagmadali akong tumakbo palayo .
" Ay ! " nagulat ako nang saluhin ako ni Yeul dahil nadapa ako .
" Ikaw kase naka-heels ka tapos tatakbo ka . " Sabe nya saken .
Inialis ko yung kamay ko sa kamay nya .
Naglakad ako palayo at di ko sya pinansin . Ayokong makita ako ng 'girlfriend' nya at baka sabihin istorbo ako sa paglalambingan nila .
" Huy Casey . Para naman akong multo nyan . " Sabe nya sa akin bigla .
"Nagmamadali ako kase baka maistorbo ko yung pag-uusap nyo ng girlfriend mo ! " Sabe ko sa kanya nung hinarap ko sya .Napa-yuko sya .
" Ano ? Tama ba ako ? Girlfriend mo sya diba ?! " Sigaw ko sa kanya .
Biglang lumabas yung girl sa loob ng unit nya at nilapitan si Yeul .
" Eh ano ?! Pake mo ba ? May problema ka ba saken ?! " Sigaw nung babae saken .
" Wala . Kaya nga ako aalis na diba kase baka maistorbo ko kayo ? " Sabe ko doon sa babae sabay talikod ko sa kanila .-
May girlfriend pala sya . May kasintahan na pala sya . Meroon na palang humahawak sa puso nya . Meroon na pala syang kasama sa buhay nya . Meroon na pala syang kasama sa forever . In short , meron na syang forever .
Ano ba ito ? Sinabe ko pa naman sa mga besties ko na walang sabit tong lalaking to tsaka friendship lang ang hanap nito saken pero bakit ganito yung nararamdaman ko nung makita kong may girlfriend pala sya ?
Hey Casey ?! Ikaw na ang may sabe na hindi ka na dapat pang magmahal ng lalaki dahil pare-pareho silang manloloko pero anong nangyayari sayo Casey ?! Casey stop this crazyness !!
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'Peg-ebeg'
RomancePaano kung dumating yung second chance mo sa oras na di kapa handang mag-mahal muli ? Tatanggapin mo ba ito sa maling pagkakataon ? O aantayin mo ang tamang pagkakataon , pagkakataong sawa na sya at huli na ang lahat para sa inyong dalawa ?