Casey' s POV
Nag-cutting ako . Dumiretso ako pa-uwe .
Nakakasama lang ng loob kase hindi ko alam yung nararamdaman ko . Alam ko namang hindi sya mag-kakagusto sa katulad ko lalo na' t mas maraming hamak na magaganda , sexy , at matalino sa akin . Pero nakapag-tataka lang kaseng ano pang dahilan nya at kina-ibigan nya ako ? Alam ko namang wala na syang makukuha sa akin kase una sa lahat mayaman sya , gwapo sya kaya mas maraming papansin sa kanya at di na nya kailangan pang mag-effort na humanap ng kaibigan kase looks palang nya mapapa-nganga ka na at kusa mo syang kakausapin tapos , mukha syang astig at cool na chinito kaya maraming lalaki ang kakaibiganin sya sa aura nya . Pero ano bang dahilan nya at nag-pakilala sya sa akin at pinasok nya yung buhay ko ? Wala naman syang mapapala sa akin eh .
Paulit-ulit lang ako .
Masyado ata akong nagpapa-obvious sa kanya na medyo nagseselos ako .
Ay ! Anong sabe ko ? Nagseselos ako ?! No way !
Pero parang ayoko kase syang nilalapitan ng kung sinu-sinong babae . Para bang feeling ko , pagmamay-ari ko na sya . I dont think so pero basta kailangan kong tanggalin yung affection ko sa kanya .
Ibabalik ko yung dati , sasama ako sa kanya pero pipilitin kong tanggalin yung nararamdaman ko .Tok-tok-tok ...
" Sino yang nandyan ? " Tanong ko habang papalapit ako sa pinto .
" Ako to . " Isang boses ng lalaki ang nadinig ko .
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung sino yung kumakatok .Si Yeul pala .
" Bakit ? " Tanong ko agad .
Timing talaga tong taong to eh ." Ay-ayaw mo b-ba akong ma-makita ?" Tanong nya .
Takte lasing pala sya ." Amoy alak ka na ! Umuwi ka na . Gusto mo ihatid pa ba kita ? Sus kaya mo na sarili mo . " Sabe ko sa kanya .
Isasara ko na dapat yung pinto pero bigla syang bumagsak saken .
Napa-higa kame sa sahig .
" Huy ano ba ! " Pilit ko syang itinatayo pero nabuwal na kame sa sahig .
" Ano ba , Yeul ! " Hinahalikan nya kase ang leeg ko .
" A-alam mo ba ? " Lasing na lasing sya habang nagsasalita .
" Yeul a- " Naputol ang sasabihin ko dahil tinakpan nya ang bibig ko .
" Una palang kitang nakita , nagustuhan agad kita . " Sabe nya .
Gusto ko sanang mag-salita pero nakaharang ang kamay nya sa bibig ko .
" Hindi ko alam kung anong meron sayo na hindi ko , hindi ko makita sa iba . " Sabe nya .Parang huminto ang mundo ko dahil sa narinig ko . Sabe nya kase , gusto nya ako . Ano ba ito ? Dala lang ba ito ng kalasingan nya o dahil sa gusto nya talaga ako pero di nya masabe ? Ayokong umasa .
Nakatulog na nga sya . Naka-patong sya sa akin .
" Ano ba itong lalaking ito , paasa masyado . " Sabe ko sa sarili ko .
Inihiga ko sya sa kama ko .Ay Juice Colored !! Nilalagnat pala sya !
" Huy Yeul bakit di mo sinabeng nilalagnat ka! " Sinasabihan ko sya kahit alam kong di nya ako nadidinig .
Ay oo nga pala dapat pala syang lagyan ng basang bimpo sa noo para humupa ang lagnat nya .
Habang nagpipiga ako ng basang bimpo sa tabi nya ay kumapit sya sa kamay ko .
" Ano ? May kailangan ka ba ? " Mahinahon ang tanong ko sa kanya .
" Ma-mainit . " Sabe nya .
" Bawal ka sa electric fan . " Sabe ko sa kanya .
Ay bastos ! Nagsasalita pa ako eh tulog na naman sya ulet . Ito talagang lalaking to pinahihirapan ako .Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya sa sinasabe nyang naiinitan sya . Kaya nung nilagay ko na sa noo nya yung bimpo ay naupo nalang ako sa tabi nya .
Napansin kong naka-longsleeves sya at naka-slocks pa . Siguro nga kaya sya init na init .
Hey , anong gagawin ko eh sa naiinitan sya ?Tinanggal ko yung dalawang butones ng longsleeves nya . Pero parang maiinitan padin sya sa lagay nyang ito .
Tinanggal ko pa yung dalawang butones sa suot nya . Ay teka , nahiya naman daw yung natitirang isa pang butones kaya iyon , tinanggal ko pa yung natitirang isa .Ay shet ! Wala pala syang suot na kahit na t-shirt man lang or sando , kita ko na naman yung anim na pandesal na hindi man lang napapanis o nasisira , hahaha !
-
Lumabas ako ng condo at tumanaw sa terrace para mag-pahangin . Ayoko namang mag-mukhang nurse ng isang lalaking lulong sa alak ng mga sandaling ito .
Pero nase-sense ko na hindi naman sya lasenggo , feeling ko kase may nagpa-inom sa kanya ng alak . Pero bakit naman sya may lagnat ?
Nakakaawa naman tong lalaking to . Parang kanina lang sa canteen sa school kung tarayan ko sya eh parang isa lang syang mababang tao sa paningin ko , eh kung tutuusin , bago ako maka-kuha ng condo dito eh kailangan pa ng tatay ko na mag-doble kayod para lang maka-ipon ng pang-renta ko dito at allowance ko . Pero sya , rich kid . Ang cellphone nya Iphone 6 at isang Samsung S6 na kung saan-saan nya lang pinapatong . Ako nga isa na nga lang ang cellphone ko , de-keypad pa .
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'Peg-ebeg'
RomancePaano kung dumating yung second chance mo sa oras na di kapa handang mag-mahal muli ? Tatanggapin mo ba ito sa maling pagkakataon ? O aantayin mo ang tamang pagkakataon , pagkakataong sawa na sya at huli na ang lahat para sa inyong dalawa ?