Grabe , nag-pretend sya na girlfriend nya ako . Pero bakit feeling ko iba yung trato nya saken ? Kase nung hinawakan nya ang kamay ko , parang feeling ko di man lang ako nakaramdam ng iba or something like na hindi na sakin iba yung ginawa nyang pag-hawak sa kamay ko . Nakaka-pagtaka lang kase ang tagal nya pang bitawan ang kamay ko instead ay habang kausap ko sya doon sa locker room eh hindi ko kaagad napansin na hawak nya yung kamay ko for a very long time .
" Casey kung nandun lang ako malamang nasuntok ko yung mga babaeng yon ! " Sabe ni Stephen .
Nga pala , si Stephen ay ang aking nag-iisang kaibigang lalaki (bago dumating si Yeul) na bihira ko makasama this past weeks kase nasa laban sya ng volleyball . Ang buo nyang pangalan ay Stephen Serrano .Yung itsura nya ay maputi like me , kaso matangkad sya . Yung ilong nya di naman matangos pero hindi din naman pango di kagaya nung ilong ni Yeul na matangos talaga . Hindi din sya singkit kagaya ni Yeul , tapos medyo mas malaki ang katawan nya kay Yeul kase si Yeul ay payat lang .
Dont worry kase mas matagal ko na itong kilala kase kababata ko itong si Stephen .
" Bakit naman ? Babae yun tapos susuntukin mo ? " Sabe ko sa kanya habang humihigop ng kape .
" Kase nga sinasaktan nila ang kaibigan kong si Casey , ang pinaka-magandang babaeng nakilala ko . " Pabola nyang sabe .Pero may pinagka-parehas sila ni Yeul , yung dimples kase nila kapag naka-ngiti , parang mga sink holes sa lalim .
" Bolero ka talaga since birth . " Sabe ko sa kanya .
" Eh paano mo nilabanan yung mga babaeng yon ? " Tanong nya .
" Eh dumating si Yeul . Kaya yun , pinagtanggol nyaako sa mga babaeng yon . " Sabe ko .
" Sino naman yang Yeul na yan ? " Sabe nya .
" Bago kong kaibigan . " Sagot ko .
" Pakilala mo naman saken para makilatis ko kung mabuti syang tao . " Sabe ni Stephen .
" Mabait yon . Ako na nagsasabe sayo . " Sabe ko sa kanya .
" Di ako naniniwala . " Sabe nya saken .
" Bahala ka . " Sabe ko sa kanya .Lumingon ako sa ibang paligid .
Si Yeul paparating ." Casey andito ka pala . Naiwan mo kase saken tong notebook mo nung dinala kita sa locker room . " Sabe nya pagka-lapit nya .
" Ay salamat . Andito pa naman nakasulat yung layout ng project ko . " Sabe ko sa kanya wt kinuha ko na sa kamay nya yung notebook ."Ay sya nga pala , Stephen si Yeul . " Sabe ko bigla .
Biglang tumahimik ang paligid .
" Sya ba ? " Sabe ni Stephen .
" Ba-bakit ? " Nagtatakang tanong ni Yeul .
" Oo , sya si Yeul . " Pagpapakilala ko kay Yeul ." Bakit ? Anong meron ? " Sabe ni Yeul .
" Ah . Nice to meet you . " Sabe ni Stephen .
"Nice to meet you din po . " Sabe ni Yeul .Nakikita ko namang mapapalagay an loob nila sa sarili nila .
"Buti at tinulungan mo itong kaibigan ko . " Sabe ni stephen .
"Oo naman . Girlfriend ko yan eh . " Sabe ni Yeul .Oh shet ? Bakit nya yon sinabe ?
"\m/ ... Stephen , maiwan kana muna namen . May ipapatulong pa ako sa kanya eh . Itetext nalang kita ulet mamaya Stephen . " Sabe ko sabay tayo at kinapitan ko si Yeul at lumakad na kame palayo .
Saglit ...
"Stephen , text nalang kita mamaya . Congrats at panalo kayo sa laban nyo sa Britney Academy . " Sabe ko kay Stephen nung nagbalik-lingon ako sa kanya .
At naglakad na kame palayo ni Yeul .
Dinala ko si Yeul sa library . Sakto namang walang tao sa library .
"Bakit mo ako dinala dito ? " Tanong ni Yeul .
Kung ide-describe ko ang itsura ni Yeul sa sitwasyong ito , para syan isang koreanong lalaki na isip-bata at parang walang muwang sa mundo . Medyo cute sya sa itsura nya ngayon .
"Alam mo ba kung bakit ? Kase naman , Yeul bakit mo pa kailangang sabihin kay Stephen na girlfriend mo ko ? Alam mo bang bestfriend ko yon at mag-aalala yon kase hindi ko man lang sya nasabihan na magbo-boyfriend ako ? " Paliwanang ko kay Yeul .
"Bakit ? Totoo bang tayo ? Hindi naman ah . " Sabe ni Yeul .Ouch saket . Nga pala di naman talaga kame . Wala naman talagang kame .
"Ay sorry . " Nakakahiya . Tumalikod na ako at lumabas ng library . Nawala sa loob kong wala naman nga pala talagang kame .
Feeling ko nabuhusan ako ng malamig na tubig . Hiyang-hiya ako sa sinabe ko . Sa sinabe ko parang pinalabas ko na may totoong kame .
"Casey sorry ! Di ko sinasadyang sabihin yon . " Sabe ni Yeul . Hinabol nya pala ako .
"Hindi ok lang . Nakakahiya naman sayo na nag-feeling ako na tayo talaga . " Sabe ko sa kanya . Di ko na sya nilingon at diretso lang ako sa paglalakad .Inakbayan nya ako .
"Alam ko naman yung gusto mong sabihin kanina . " Sabe nya .
"Okay nga lang , ano kaba . " Sabe ko sa kanya at inalis ko yung kamay nya sa pagkaka-akbay saken .
"Bakit mo naman kailangang tanggalin yung kamay mo sa balikat ko kung totoong hindi ka galit ? " Sabe nya .Nahinto ako . Nilingon ko sya .
"Alam mo pala eh . Pero bakit naman kase ganon yun sagot mo ? " Sabe ko sa kanya .
"Nasaktan ba kita sa sagot ko ? Sorry po . Sorry Casey . " Nag-sorry sya ?" Ah-eh ... " May sasabihin pa sana ako kaso -
Bigla nya akong niyakap .
"Sorry na . Di ko na po uulitin . " Sabe nya saken at mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakayakap saken .
"Ano ba Yeul . Sobra ka namang mag-sorry . Sinabe ko naman sayong Okay na . " Sabe ko sa kanya .
"Hanggat di mo nasasabe ang clue word di kita bibitawan . " Sabe nya saken .
"Ha ? Anong clue word ? " Tanong ko sa kanya . Grabe na yung yakap nya , nararamdaman ko na yung hubog ng katawan nya sa sobrang yakap nya .
"Kapag mabanggit mo yun , bibitawan na kita . " Sabe nya .
"Ok na nga . Ok na . Bati na tayo . Bitawan mo na ako . " Sabe ko kay Yeul .Bigla syang bumitaw .
BINABASA MO ANG
That Thing Called 'Peg-ebeg'
RomancePaano kung dumating yung second chance mo sa oras na di kapa handang mag-mahal muli ? Tatanggapin mo ba ito sa maling pagkakataon ? O aantayin mo ang tamang pagkakataon , pagkakataong sawa na sya at huli na ang lahat para sa inyong dalawa ?