Seven

2 0 0
                                    

" Anong ginagawa ko dito ?! " Nadinig ko ang boses nya . Naka-bukas ang pinto ng condo ko kaya nadinig ko ang sigaw nya .
Pumasok ako sa loob ng condo at isinara ang pinto . Nadatnan ko syang nakaupo na sa kama ko , pero wala padin syang pang-itaas na damit .
" Bakit di mo tanungin yung sarili mo kung bakit ka nag-lasing at dito ka nang-istorbo ? " Balik-tanong ko sa kanya .
" Ha ? Di nga ? Lasing ako ? " Sabe nya .
" Oo nga ang kulit naman nito ! " Sabe ko sa kanya .

Tumayo sya bigla at isinuot yung longsleeves nyang nakapatong sa ibabaw ng lamesita malapit sa kama .
" Pasensya kana Casey . " Sabe nya at nagmamadali syang lumabas ng condo .

--
Kinabukasan ..

Nakakainis talaga yun lalaking yon . Mang-iistorbo tapos biglang aalis kapag natauhan ? Para naman syang timang .
" Hey girl , anong ginawa mo kay Khim ? " Tanong ng isa sa tatlong babaeng humarang sa dinadaanan ko papunta sa classroom ko .
" Sinong Khim ? " Tanong ko bigla .

Napakamot bigla yung babaeng nagsasalita .

Eh hindi ko naman kilala si Khim eh ? Sino bang Khim ?
" Tanga ka ba ? Halos araw-araw kayong magkasama hindi mo man lang alam ang pangalan nya ? Pok-pok ka ba kaya hindi mo kilala yung lalaking sinasamahan mo ? " Tanong nung babae sa kaliwa .
" Ang lakas naman ng loob mong sabihin yan saken eh hindi ko nga kilala yung lalaking sinasabe mo ! " Sabe ko sa kanya .

Sino ba sila ? Nakakainis naman tong mga to .
Lalagpasan ko na sana sila kaso bigla akong hinila nung babaeng nasa kanan pabalik sa harap nila , na ikina-baliktad ng mga paa ko para matumba ako sa harapan nila .
" Kinakausap ka pa kase namen , umaalis ka na . Bastos ka talaga eh noh ? Ugaling pok-pok ! " Pinagdiinan nya pa ang salitang pok-pok .
Nakita ko ang mga tao sa paligid namen na bahagyang dumadame na .

Hindi ako makapag-salita . Kahihiyan tong nangyayari saken .

Tumayo ako .

" Mga wala ba kayong magawa sa buhay nyo kaya nanggugulo kayo ng iba ? Kung wala kayong magawa , magpaka-matay nalang kayo . " Sabe ko sa kanila . Ano ? Magpapa-api nalang ba ako ?
" Magpakamatay ? Kame magpapakamatay ? Asa ka ! Hindi ka dahilan para magpaka-matay kame , buti kung si Khim ka eh hindi naman ! " Sabe nung nasa gitnang babae .
" Sino ba kase yang Khim na yan ?" Naiinis na ako sa tono ko . Eh hindi ko nga kase kilala yung Khim na yun !
" Ako pa lolokohin mo ?! " Tinadyakan nya yung bag ko na kasalukuyang nasa sahig pa . " Eh nilalandi mo nga sya ! " Sigaw nya pa saken .

Nag-init na yung ulo ko . Nakaka-inis na to ha ?!

" Tanga ka pala eh ! Hindi ko nga sinabeng kilala eh . Makulit ka din eh noh ?! " Sabe ko sa kanya bigla .
" Si Khim Yeul Han . " Sabe nung nasa kaliwan babae .

Si Khim na sinasabe nila ay si Yeul ? Oh my !! Kaya pala sabe ni Yeul ako lang daw ang tumatawag sa kanya ng Yeul !

" Ako ? Nilalandi ko sya ? Ganyan ka na ba ka-praning sa lalaking yon ? " Sabe ko .
" Ako ang praning ? O edi sige , baka nga praning ako sa kanya pero atleast hindi ako ambisyosa at nilulugar ko ang sarili ko sa kung saan ako nararapat . " Sabe nung babae sa gitna .

" Tala- "

Mag-sasalita palang sana ako pero naputol bigla pagkat may umakbay sa balikat ko na ikinagulat nung tatlong babae .

" Inaano nyo tong si Casey ? " Sabe nun lalaking umakbay saken .
Nilingon ko sya .

SI YEUL !!!!!

" Inaano nyo si Casey sabe ko ? " Sabe ulet ni Yeul .
" Tinuturuan ko lang syang lumugar sa dapat nyang ... alam mo na , lugaran nya, like there in trash can . " Sabe nung babaeng nasa gitna .
" Alam mo bang girlfriend ko tong si Casey ? Kaya wala kang karapatang saktan sya kase bago mo sya saktan , sisiguraduhin ko munang ako ang masasaktan . Ulitin mo pa to at ako na ang makakalaban mo . " Banta ni Yeul saken .

Inalis nya ang kamay nya sa balikat ko at kinapitan nya ang kamay ko . Tapos lumakad kame palayo sa kumpulan ng mga estudyante . Ramdam ko ang pag-hawi ng mga tao sa paligid habang dumadaan kame . Para syang artistang tumulong sa nae-eskandalong tao sa harap ng iba .

Napayuko ako sa nangyayari sa amen . Ayokong makita nila akong ganito , nakakahiya . But wait , sabe ni Yeul girlfriend nya ako ? Parang bigla akong kinilabutan na may kasamang kilig na hinaluan ng tuwa na may saya at tuwa na sinamahan ng pag-asa na may kiliti at galak with matching shock kase sabihin pa naman nya sa harap ng maraming estudyante ng Mckinley High na 'girlfriend' nya ako ? Oh my baka maging one-day famous ako nyan sa university namen ? Wahahaha !!

" Huy Casey ayos ka lang ba ? " Sabe nya saken . Nasa locker room na kame at kameng dalawa lang ang tao dito .
" A .. okay na ako . Salamat ha ? " Sabe ko sa kanya .
" Ano ba nangyare ? " Sabe nya saken .
" Inaagaw daw kita sa kanila . " Sabe ko sa kanya .
" Inaagaw ? Di ba nila alam na ikaw lang ang may-ari ng puso ko ? " Sabe ni Yeul . Bigla akong na-puwing kaya yumuko ako .
" Ha ? Anong sabe mo ? " Sabe ko sa kanya . Di ko naintindihan ang sinabe nya kase napuwing ako .
" A .. eh .. sabe ko di ba nila alam na ... " Parang nauutal sya sa sinasabe nya .
" Ha ? " Sabe ko sa kanya . Anong nangyayari sa kanya ?
" Wala ! Sige iwan na kita may gagawin pa ako . " Sabe nya .
" Teka , bitawan mo na yung kamay ko . " Sabe ko sa kanya .

Bumitaw sya .

" Okay na . " Sabe nya .
" Uy Yeul salamat ulet . " Sabe ko sa kanya bago sya makalabas ng pinto ng locker room .

That Thing Called 'Peg-ebeg'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon