Three

3 0 0
                                    

Nagpaalam na ako sa kanya at ngayon ay nasa hallway na ako ng 5th floor patungo sa unit ko .
Hanggang ngayon nasa isip ko padin sya kase ang dami kong ginawang kalokohan sa harapan nya . WAIT NGA ? Kanina nya pa ako kausap pero ni minsan di sumagi sa isip kong tanungin ang pangalan nya ? Grabe halos sumama na ako sa kanya at makarating ako sa bahay nya pero hindi ko padin alam pangalan nya . Hahaha !

Pagka-liko ko sa hallway patungo sa unit ko ay natanaw ko ang isang lalaki sa tapat ng unit ko .

Hindi ko sya kilala .

Sinilip ko ulit sya , at pinag-masdan kong maigi ang mukha nya . Teka , si .. si .. si Nate ?!

Anong ginagawa nya dito ?
Lumiko ako at dumiretso sa unit ko . Papalapit palang ako pero napalingon na sya kase maingay ang takong ng sapatos ko .
" Anong ginagawa mo dito ? " Tanong ko agad at huminto ako sa harap nya .
Hinawakan nya agad ang kamay ko .
" Casey , narealize kong mahal talaga kita . Hindi ko pala- " Pinutol ko ang sinasabe nya .
" Were done . " Ini-alis ko ang kamay ko sa kamay nya at pumasok ako sa unit ko .
Nilock ko ang pinto for security .

Naupo ako sa upuan .

Wala na akong nararamdaman sa kanya . Tapos na ang pagtatanga-tangahan ko .
Kung tanga ako dahil minahal ko ang katulad nya , pwes mas tanga sya kase wala na syang makikilalang katulad ko na magpapaka-tanga sa katulad nya .

-kinabukasan-

Nasa entrance na ako ng university ng biglang may umakbay saken . Matulin ang lingon ko . Si chinito pala .
" Oy , parang wala ka sa mood ha ? " sabe nya agad . Napansin nya atang naka-simangot ako .
Hindi na ako sumagot . Naglakad ako patungo sa library at nakasunod padin sya .
" Ano bang nangyare ? " Tanong nya .
" Wala . It's not part of your business . " sagot ko .

Kinuha ko yung libro na nasa fiction sections .

" Ano ba yan librong kinuha mo ? Pang-bata . " Sabe nya .
" Ano bang paki mo ?! Umalis ka nga dito . " sabe ko sa kanya at nag-basa na ako .

Habang nag-babasa ako ay bigla nyang kinuha ang kamay ko .
Napatingin ako sa kanya . Tinaasan ko sya ng kilay .

" Kahapon pa tayo magkasama pero ni-minsan di mo man lang tinanong kung ano ang pangalan ko . " sabe nya at binitawan nya ang kamay ko .
Hindi ako nagsalita .

Matagal akong tumahimik .

" Ano bang pangalan mo ? " Sabe ko bigla .
" Buti at naisipan mong itanong . " sabe nya at ngumiti sya .
" Ano nga ? " Sabe ko .

Tumayo sya .

" Huy ano bang pangalan mo ? " sabe ko ulet .

Ngumito lang sya . Grabe , ang gwapo talaga nya .
" Huy . Ano nga ? " Sabe ko ulet .
"Khim Yeul Han . " Sabe nya .
Nanlaki mata ko sa kanya .
" Koreano ka ba ? " napa-tayo ako sa kinauupuan ko .
" Yung tatay ko , purong korean . Yung nanay ko , half-japanese , half-pilipino . Sa tingin mo , anong tawag saken ? " Sabe nya .
Grabe , para syang pilipino kung magsalita pero 1/4 lang pala sa dugo nya ang pilipino .
" Edi Yeul ang itatawag ko sayo . " Sabe ko sa kanya .
" Ikaw lang ang tumawag saken nyan . Lahat sila Khim ang tawag saken . " sabe nya .

" Alam nyo kung magke-kwentuhan lang kayo , sa labas nalang dapat kayo . " sabe nung libriarian .
" Ay sorry po . Huwag nyo nalang pong pagalitan si Casey , ako po kase yung nag-iingay talaga . Pasensya na po . " Sabe nya .

Lumabas kame ng library at dumiretso kame sa park .

" Naconfiscate pa tuloy yung Library pass card mo nang dahil sa akin . " sabe ko sa kanya .
" Okay lang yun , kesa naman pinagagalitan ka ng ganun . Mas hindi ko yon kaya . " sabe nya at inakbayan ako .

Nakaka-tuwa yung ganoong lalaki , kapag ikaw ang nasa alanganin ilalagay nila sa kapahamakan yung sarili nila para sayo .

Anong sabe nya ? Mas hindi nya kakayanin kapag ako yung pinapagalitan ? Wow naman bait nya .

Eto yung ideal man ko eh , gwapo na gentleman pa !

-Uwian-

As always , pagkatapos ng klase ko at ng klase nya , umuwi na kame . Halos maghapon ko syang kasama , binabaliwala ko na yung mga kaibigan ko para masamahan ko lang sya .

Ewan ko ba pero hindi sya katulad nung iba na todo efforts pa saken mapangiti lang nila ako , eh etong lalaking to kahit ngumiti lang sya saken , napapangiti na din ako .

" Magba-bus ba tayo ulet ? O mag-taxi na tayo ? " Tanong nya saken nung naglalakad na kame papunta sa terminal ng bus .
" Bus nalang tayo . Mas mura . " Sabe ko sa kanya at kinuha ko na yung wallet ko sa bulsa ko .

Nagulat nalang ako nang bigla nyang pinara yung taxi . Anong ginagawa nitong lalaking to ?

"Huy bus tayo , hindi taxi . " sabe ko sa kanya kasabay ng tapik ko sa balikat nya .
" Ako naman ang magbabayad eh . " Sabe nya at binuksan na nya yung pinto ng taxi at pinapasok ako .

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng taxi , katabe sya .

" Eto yung 150 pesos , idagdag mo yan sa pamasahe naten . " Sabe ko sa kanya at iniabot ko sa kanya ang pera .
" Wag na . Treat ko to sayo . " Sagot nya at isinuli ang pera sa kamay ko .
"Tumigil ka nga . May pa-treat-treat kapang nalalaman . " Sabe ko sa kanya at ibinalik ko ang pera sa kamay nya .
" Wag na nga . Libre na kita . " Ibinalik nya ulit yung pera sa akin .
" Eto naman ! Hayaan mo na . Okay lang saken yun . " Pagka-abot ko ng pera ay nahulog yung 100 papel na pera sa sahig .

Matulin akong yumuko at nang makapitan ko yung pera sa sahig , syang kapit naman ni Yeul sa kamay ko .
Napatitig ako sa kanya kase ang lapit masyado ng mukha namen sa isa't isa .

Ngumiti sya . Naramdaman ko ang bawat hinga nya . Bigla syang umupo ng maayos at binitawan nya ang kamay ko .
Umayos na lang din ako ulit ng upo .

" Kukunin mo ba ang bayad ko o hindi ? " Tanong ko sa kanya .
" Hindi na nga . Treat ko na to sayo . " Sabe nya at iniabot nya ang bayad sa driver .

Medyo naging tahimik ang biyahe namen , siguro nahihiya sya doon sa nangyari kanina nung nalaglag yung pera ko . Hindi pa naman ako sanay na tahimik sya , kase madaldal sya eh .

Hanggang sa maka-uwi kame hindi nya na ako kinikibo . Feeling ko tuloy masama ang loob nya sa akin or ayaw nya na sa akin . Hindi ko alam pero parang ayoko nang ganitong trato nya sa akin . Kahit saglit palang kameng nagkakakilala , feeling ko parang ang laki ng nawala saken sa saglit na oras na hindi nya ako halos pansinin .

Ayoko ng ganto , kakausapin ko sya .

Habang naglalakad kame sa hallway ng condo , kinalabit ko sya .
" Bakit ka tumahimik ? Hindi ako sanay ng ganito tayo katahimik . " Sabe ko sa kanya .
Nilingon nya lang ako ng ilang saglit at bumalik ang atensyon nya sa paglalakad .
Hala ?! Baka ayaw nya ng mga kinikilos ko ? Baka ayaw nya pala saken na magin kaibigan ako at narealize nya yon kanina ?
" Naalala ko kase yung project ko , singko yung grade ko na nakuha . " Sabe nya bigla .
GRABE ?! Ang dami ko nang ini-magine na dahilan ng pag-tahimik nya yun pala eh dahil sa project nya ? Ang exagerated ko mag-isip .
" Akala ko naman galit ka saken . " Sabe ko sa kanya at nahampas ko pa sya sa braso nya .
" Hahaha ! Hindi ah . Nakakatawa ka naman . " Sabe nya at inakbayan ako .
OMG . Ano to ? Kumpare lang ang peg ?
" Wait ha ? Hindi kase ako komportable na inaakbayan ako . " Sabe ko sa kanya at ini-alis ko an kamay nya saken .
" Ay sorry . " Sabe nya .
" Okay lang . Huwag nalang sana maulit . " Sabe ko sa kanya .
" Sige dito na ako . Paalam ! " Sabe nya at pumasok na sya sa unit nya .

That Thing Called 'Peg-ebeg'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon