ANGEL'S P.O.V
Agad akong nagising dahil sa sinag ng araw.
"Hays. Panaginip nanaman. Bakit ko pa kasi 'yun napapanaginipan. Tsss." Bakit niya ba kasi ako iniwanan? Kulang pa ba ako para sakaniya? Sabi nila maganda naman daw ako, madami ngang nanliligaw saakin eh. Pero siya ang pinili ko. Matalino naman din ako, mabait. Ano pa ba ang gusto niya?
Palabas nanaman ang aking mga luha, pero napahagilap ako sa orasan. Oh sh*t! Malapit na akong ma-late! First day of class pa naman ngayon.
Biglang may bumukas ng pinto. Biglang dumungaw ang muka ng nanay ko.
"Oh Ange anak, mag-ayos ka na. Malapit ka nang ma-late oh! First day of class pa naman ngayon." Sabi ng nanay ko. Hindi ako mahilig makipag-usap, at lagi lang akong tahimik kaya naman tumungo nalang ako, pahiwatig na suma-sang ayon ako.
Nginitian ako ng aking nanay, at agad nang sinarado ang pinto.
At agad na akong naligo, at nag-ayos. Alangan naman matulog ulit? Tsss.
Ganito na ugali ko, masanay na kayo. Pero kung ayaw niyo, wag na kayong mag abalang alamin ang kwento ng buhay ko. Wala namang pumipilit eh. Tsss. (A/N: Ay joke lang yan ni Angelica! Ganyan lang talaga ugali niyan kaya pagpasensyahan niyo na! Hehe.)
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos agad akong bumaba. Alangan naman umakyat? Tsss. Hindi na ako kumain ng breakfast, ma-lelate na kaya ako. Tsss.
Dahil nag co-commute ako, at medyo malayo pa ang school, at dahil may natitira pa akong kabaitan sa kaluluwa ko mag-kwekwento ako tungkol sa sarili ko.
Ako si Angelica C. Reyes, 4th Year Highschool na ngayong pasukan. 16 turning 17 next next week. Maganda daw ako? Pero hindi ko feel na feel. Hindi ako katulad ng iba diyan. Tsss. Matalino ako, sobrang masiyahin, makulit, maingay, sweet at ma-aalahanin. Pero lahat yang katangian kong yan nawala, kasabay ng pagkawala niya saakin. Ang tanging natitira nalang sakin ay yung sinasabi nilang kagandahan at katalinuhan. Lumipat na din ako ng school dahil gusto ng mga magulang ko. Ano pa ba magagawa ko? Edi siyempre pinabayaan ko nalang sila sa gusto nila. Siguro makakatulong din 'to sa pagmo-move on ko...sana nga.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
RomanceAng hirap pag nawala sayo yung mahal mo. Nakakalungkot, masakit, nakakamiss, at nakakabaliw. Bakit ganon? Pagkatapos nila dumating sa buhay natin, atsaka tayo iniiwan kung kaylan sobrang mahal mo na siya?