ANGEL'S P.O.V
Nandito na ako sa classroom. Wala pang teacher eh, ang i-ingay nila. Tsss. Para hindi ako ma-bored nilabas ko ang aking cellphone, nag suot ng earphones at pinalakasan ang volume.
Ang music ko para ding ako. Wala kang makikita ditong happy songs or love songs. Puro pang broken hearted at rock lang nandito.
Kasalukuyan akong nakatitig sa pader at nakikinig ng music. Nang biglang may humila ng earphones ko. Tsss. Weirdo.
"What the f*ck? Ano bang kaylangan mo!?" Mas gusto ko ng mag-isa kesa sa may kasamang weirdo. By the way, siya yung lalake kanina na natadyakan ko. Buti nga sakaniya. Tsss.
"Ako nga pala si Ivan Paul Diaz. Sana maging magkaibigan tayo!" Inabot niya yung kamay niya saakin.
Pero hindi ko siya pinansin at patuloy padin ang pag-titig sa pader. Am I rude? Well I don't care. Tsss.
Kanina pa niya ako kinakalabit dito, hindi ata 'to mananahimik hanggat hindi ko natatahi bibig neto eh.
"What!? I don't care. Sino ba nagsabing magpakilala ka? I don't need friends. Pag nakuha na nila lahat ng gusto nila at pag na bored na sila sa'yo, iiwan ka din naman nila. Tsss." Totoo naman eh. Ganyan naman silang lahat. Tsss.
"Maybe ganon nga yung iba, pero promise hindi ako ganon." At binigyan niya ako ng isang malaking nakakakilabot na ngiti.
"Tsss. Whatever." Pake ko ba sakaniya.
Magsasalita na sana siya, kaso biglang dumating yung teacher. Thanks god umalis na 'tong lalakeng 'to.
"Goodmorning class! I'm Mrs. De Guzman. I'm gonna be your adviser for this school year." What's good about morning? Tsss.
"So may bago palang mga students dito? Isa-isa kayong magpapakilala sa harapan." Tsss. This is what I hate about first day of classes.
Biglang umingay ang room. Ano pa ba? Edi nag rereklamo mga classmate kong mukang palaka.
"Class be quiet! You, at the front row. You may start." Grabe kung makasigaw 'tong teacher na 'to. Nakakabingi. Well mabait naman siya, pero wala akong pake.
Nag simula na silang magpakilala hanggang umabot na sa last row, kung saan ako lang ang mag isang naka-upo duon. Ayoko ng may katabi. Buti nalang wala pang nagkakamaling umupo dito.
Tumayo na ako at naglakad papuntang harapan para magpakilala. Alangan naman para sumayaw? Ano 'to? Talent show?
"You may start now dear." At nginitian ako ng teacher na 'to.
"I'm Angelica C. Reyes. 16 years old." Pagtapos ko mag-salita babalik na sana ako sa upuan kaso nagsalita nanaman yung teacher. Ano nanaman ba? Sheez.
"Ummm. Ms. Reyes may iba ka pa bang gustong sabihin?" Hindi ba halata na wala na? Kaya nga babalik na ng upuan eh. Tsss. Teacher nga, hindi naman nag iisip.
"Ano sa tingin mo?" At direkta ko siyang tiningnan sa mata na walang kahit anong imosyon na ipinapakita.
"A-ahh. You may sit now." At ano panga bang ginawa ko? Syempre umupo. Alangan naman mag back dive. Tsss.
Pagkatapos ng mahaba habang kadaldalan ng teacher na kwinekwento panga ang nangyari sa bakasyon niya. Para namang may pake kami? Duh.
Biglang may bumukas ng pinto at linuwa ang isang lalakeng mukang kapre dahil sa sobrang tangkad.
Pagka pasok ng lalakeng kapre ay agad namang nag si-ingayan ang mga studyante, pero halos babae lang ang maiingay.
"Kyaaa! Fafa James! Why so gwapo talaga? Hihihi." Girl 1. Eh malay ko ba kung sino siya. Kahit classmate ko 'yan wala akong pake sa mga 'yan. Mga malalandi.
"Omg tumingin siya sakin! Kyaaaa!" Girl 2.
"Sakin kaya! Hihihi!" Girl 3
"Ang kakapal naman ng muka niyo! Hay nako!" Girl 1.
Oh gosh. Kung makatawa parang mga manananggal. Creepy.
Hmmm. Maputi siya, matangkad, mapula yung labi, matangos yung ilong, at may maganda na mata. Bilog yung mata niya...malamang bilog, mata eh. What I mean is hindi siya singkit. Tapos yung kulay ng mata niya ay brown. Pero wala padin akong pake sakaniya. Tsss.
Sa pag de-describe ko sakaniya SYEMPRE PARA NAMAN MALAMAN NIYO KUNG ANO ITSURA NG SINASABI NILANG "GWAPO" hindi ko namalayang magka eye to eye na kami. Agad ko namang binaling ang tingin ko sa sahig.
"Mr. Ford, duon ka umupo sa tabi ni Ms. Reyes." Oh sh*t naman. Ayaw ko nga ng may katabi eh. Damn!
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
RomanceAng hirap pag nawala sayo yung mahal mo. Nakakalungkot, masakit, nakakamiss, at nakakabaliw. Bakit ganon? Pagkatapos nila dumating sa buhay natin, atsaka tayo iniiwan kung kaylan sobrang mahal mo na siya?