Chapter 5

21 1 0
                                    

ANGEL'S P.O.V

"Mr. Ford, duon ka umupo sa tabi ni Ms. Reyes." Oh sh*t naman. Ayaw ko nga ng may katabi eh. Damn!

At nag lakad na siya papunta sa kinau-upuan ko.

Tinitingnan niya lang ako. Ano to? Parang tanga ha? Baka matunaw ako.

Maya maya bigla siyang nag salita.

"Masaya bang titigan ang buong katawan ko....Ms. Reyes?" Tiningnan niya ako at ngumisi pa! Tsss.

Kapal din ng muka neto eh? Tadyakan ko kaya? Baka sakaling numipis?

"Wag kang feelingero. Tsss." Napaka feelingero eh.

"Sus! Aminin mo na kasi! Sarap na sarap ka nga sa pagtitig sakin eh." Onte nalang talaga matatadyakan ko na talaga 'to!

"Shut the f*ck up. Mas masaya pa titigan ang pader kesa sa mukang kapreng lalake, na tinitilian kahit hindi naman gwapo! Tsss." Hindi ko namalayang napasigaw na pala ako sa sobrang inis.

"Mr. Ford and Ms. Reyes what's with all the commotion!?" See! Bwiset na kapre 'to.

"Nothing." Sagot ko kay Mrs. De Guzman.

"Get out!" Okay, okay. Calm down. Sheez.

Paalis na sana ako ng biglang tumawa ng malakas yung Kapre. Tsss. That jerk.

"Ikaw din Mr. Ford, get out!" Okay? Buti nga sakaniya. Tsss.

"Okay, okay. Hahaha!" Sabi ni kapre.

At ayon nga! Nasa labas na kami ng room.

Dahil mahaba pa naman ang oras bago ang next subject tumambay muna ako sa canteen. As usual earphones in, volume up, ignore the world.

Biglang naramdaman kong may nakiupo sa table ko. Hindi ko naman yun pinansin at patuloy tumitig sa kung saan.

Ilang minuto na ang nakalipas hindi padin siya umaalis ng lamesa, and guess what? Si kapre pala yun. Feel na feel pa ang pag kanta. Nakakainis to ah?

Hmmmm. I have an evil plan! *smirk*

Ayaw mo pala umalis ah! Tingnan lang natin.

"You! Wanna eat ice cream? My treat." Watch and learn guys!

"Ha? Mabait ka naman pala eh! Osige! Thanks!" Tapos nginitian niya ako. Oh, nagkakamali ka! Hindi ako mabait.

Bumili ako ng dalawang ice cream. One for me, and one for him.

Pero syempre special 'tong sakaniya. Binuhusan ko kasi ng hot sauce! Evil right?

"Ano to? Bakit parang may pula?" Hot sauce, masarap yan! *smirk*

"A-ahh. Ehh. Strawberry favlor?" Muka namang dumb to, kaya baka paniwalaan niya ako.

Tinitigan niya ako mga ilang segundo. Gagana kaya?

"Osige! Sabi mo eh!" Tapos nginitian niya ako.

Sarap na sarap siya sa pagkain, maya maya na realize niya na hot sauce pala yung nasa ice cream! Pffft. Bwahahahaha!

"H-hoy! Hot sauce!? Tubig bilis!" Tubig? More like vinegar. Hahaha!

Kumuha ako ng baso and then binuhusan ko ng suka, malamang. Kaya nga vinegar diba? Ano gusto mo toyo?

Agad ko namang binigay sakaniya at ininom naman niya! Oh gosh. He's so stupid! Hahaha! So guys, this will happen to you if you ever mess with me.

At agad naman niyang niluwa ito. Alangan naman inumin niya pa? Try mo uminom ng suka bilis! Tsss.

Tapos yung ice cream ko tinapon ko sa ulo niya. Pfft! You should see the look in his face. It's so hilarious! Bwahahaha!

"Ganti lang yan sa ginawa mo kanina, kapre." Nginisihan ko siya at mukang effective naman yung ginawa ko. Pulang pula nanga eh. Dahil siguro sa sobrang galit, o sa hot sauce? Hahahaha!

Tumakbo naman ako papalayo, and hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Alangan naman kamay? Try mo tumakbo gamit kamay mo.

Napunta naman ako dito sa park. Park? May park pala dito sa school na 'to? Bakit parang wala gaanong tao?

Tumakbo ako papunta sa may puno para umupo at magpalipas ng oras.

Palapit na ako ng puno nang biglang....

*Boogsh!*

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon