Author's Note:
Hi guys! Here's the update! Hope you like it! :)
***
From: Unknown creepy stalker
Gusto mo nga malaman? Sasabihin ko nanga! :) Ako nga pala si.....
Pabitin effect. Tsss! Bahala ka sa buhay mo.
"Anak! Kain na!" Pagabi na din kasi, kaya malamang kakain na ng dinner.
Bumaba na ako at kumain.
Ayon, habang kumakain ako dinadaldal ako ng nanay ko. Kung sino ba daw manliligaw ko. Kung maka kilos parang dalaga parin eh. Tsss.
Pero ni isang salita walang lumabas sa bibig ko.
Umakyat na din ako ng kwarto kasi medyo inaantok na ako. May pasok pa bukas eh. Tsss.
Pero chineck ko muna saglit yung Facebook account ko.
10 Friend requests, 5 Messages, 86 Notifications
Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakapag online.
I checked my friend requests first. Wala naman akong kakilala kaya inignore ko nalang.
After that messages naman. Hmmm. Mga dati kong ka school mates, and yung iba mga close friends ko.
Panay makikita mo "Hello!", "Miss na kita!", "Kumusta ka na?" Basta yung mga usual na sinasabi pag matagal na kayong hindi nagkakausap or nagkikita.
Nireplyan ko naman sila. Sa close friends ko lang ako hindi masungit. Kasi simula palang nung naging kami ng....alam niyo na yun. Nandon na sila para saakin, sumusuporta.
Hindi ko na chineck yung notifications kasi puro likes and comments lang naman yun. Tsss! Inaantok na din kasi ako.
Humiga na ako sa kama at tiningnan ang dingding, hanggang sa ilang segundo lumalabo na ang aking paningin, at nakatulog na din ako.
*Bzzzt Bzzzt*
***
Author's Note: Hi! Sorry kung medyo sabaw at maikli lang update ko ngayon ah? Hahaha! Babawi ako guys. Hehe :)
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
RomanceAng hirap pag nawala sayo yung mahal mo. Nakakalungkot, masakit, nakakamiss, at nakakabaliw. Bakit ganon? Pagkatapos nila dumating sa buhay natin, atsaka tayo iniiwan kung kaylan sobrang mahal mo na siya?