9:30 AM
Yves
MessengerYves:
Naalala ko. October na pala, 'no? Ano plano natin sa bday ni Lau?
Kenji:
Ano ba maganda?
Yves:
Hindi no'n hilig ang bongga na party.
Include natin sila Des at Lily. Sakanila tayo patulong.
Teka, gagawa akong group chat.
* * *
For Lau's Bday Party
MessengerYves:
Ano pwede gawin?
Lily:
Focus muna tayo sa mga hilig niya
Destiny:
Bukod kay Kenji at sa mga libro, ano pa nagpapasaya kay Lau?
Yves:
Ako.
Drake:
Competitive amputa.
Yves:
Ako ikalawang lalaking minahal no'n.
Kenji:
Hindi ako una o ikalawa pero ako na 'yong huli.
Destiny:
Saka na kayo mag-compete kapag may naisip na kayong surprise na maganda for Lau, okay? Sa ngayon mag-aral muna tayo. Mamayang gabi magkita-kita tayo sa isang place. Doon natin pag-usapan.
Lily:
Si Kenji na bahala kay Lau mamaya
Ikwento nalang natin gagawin
Kapag kasi sumama siya makakahalata si Lau
Kenji:
Bale ilalabas ko siya mamaya, 'no? Date muna kami, gano'n.
Drake:
Oo, mute mo 'tong gc kasi baka mamaya tumunog-tunog. Basta tatawag kami kapag uuwi na kayong dalawa.

BINABASA MO ANG
A Kiss In A Crowded Room
RomanceKenji Tanaka, tumira ng tres, ch-in-at ng pinsan ni Yves.