Laurel Harriet @lauortega
so these past few days, i've been really busy. umuwi sila daddy kaya sila ang inatupag ko.Replies:
@lauortega: last night, galing kaming baguio. hindi ko siya naabutang gising. around twelve na rin uwi ko no'n kaya naiintindihan ko kung natulugan niya na ako.
@lauortega: siguro dahil pagod at red days ko, naiyak ako. as in humagulgol no'ng nakitang six pa 'yong last message niya. i was so emotional. factor na rin siguro 'yong one week na kaming hindi nakikita at miss na miss ko na presensya niya.
@lauortega: call me oa or what but iniyakan ko talaga 'yon. kasi sanay ako sa presensya ni kenji. sanay akong palagi siyang nakikita at napupuntahan. i asked him once if gusto niya tumakas ako late at night but he said no and told me that we will not do that because that would mean he's disrespecting my parents.
@lauortega: kahit ngayong tina-type ko 'to, naiiyak ako.
@lauortega: around 12:30, after thirty minutes of crying, i decided to scroll on my facebook. and there, a high school classmate of mine was cheated on because nawalan siya ng time sa bf niya.
@lauortega: ayon na naman, naiiyak na naman ako kasi nag-overthink ako. i trust him, i really do. but i got scared pa rin despite the fact na ang baba ng chance na mag-cheat siya.
@lauortega: edi nag-message ako sakaniya ng i miss you at in-open ko 'yong na-feel ko about sa post. and this is what he replied by the time he woke up:
@lauortega: tapos afternoon no'ng day na 'yan, may dumating na flowers at chocolates sa bahay. may kasamang handwritten letter niya. akala ko 'yon na, nagulat ako pati si mama may flowers at chocolates din pala. mayroon ding chocolate at letter si papa.
@lauortega: halos maiyak ako no'ng nabasa ko nakasulat.
@lauortega: 'tito at tita, thank you po kasi inalagaan, pinalaki, at minahal niyo si laurel. promise ko po na aalagaan ko siya. hindi niyo pa po ako nakikita dahil gusto ni lau sa pasko pa. pasensya na rin po kung hindi ako nakapagpaalam sa'inyo noong nanliligaw ako.-
@lauortega: mahal na mahal ko po ang anak niyo. hindi ko po sasayangin chance na binigay nila ni yves sa akin. ingat po kayo parati!'
@lauortega: ang swerte ko sa'yo, @kenjitanaka. mahal na mahal kita.
@shaunjovan: Damn.
@dravenkendrick: Tameme ako ro'n, ah. Iba ka talaga, Kenji. Idol!
@hanalily: Ang cute huhu deserve niyo talaga isat isa
@destinysy: Happy ako for the both of you!
@kenjitanaka: Of course, my beautiful girlfriend/baby deserves all of the happiness this world could give.
BINABASA MO ANG
A Kiss In A Crowded Room
Lãng mạnKenji Tanaka, tumira ng tres, ch-in-at ng pinsan ni Yves.