11:38 AM
Yves
iMessageYves:
Pare.
Good morning.
Alam ng tatay nila Drake nangyayari.
Nakwento ni Drake.
Tang ina.
Dati palang gumagamit si Terrence.
Laurel:
Gago. Mukha naman talagang adik 'yon.
Sa tingin mo hanggang ngayon?
Yves:
Palagay ko, oo.
Puta, tignan mo naman. Ganyan mag-isip.
Laurel:
Paano natin 'yon ihaharap sa pulis?
Yves:
Magpanggap tayo, ano?
Laurel:
Na ano?
Yves:
Na magtatanong kung saan siya kumukuha?
Laurel:
H'wag nang gano'n. Baka mabaliktad ang sitwasyon.
Mag-ne-New Year pa naman.
Teka. Gising na baby ko.
Maya na baka magduda 'to. Isipin may kabit ako.
1:06 PM
Laurel:
Pare.
Nagbabasa si Lau ng libro.
Yves:
Ano plano?
Laurel:
Itatanong ko nga rin sa'yo sana 'yan.
Ano gagawin?
Yves:
May baril sina Lau.
Laurel:
Tanga.
Yves:
Sinasabi ko lang.
Laurel:
H'wag na. Baka pati tayo mabaril.
Hindi na ako papatawarin ni Laurel kapag nangyari 'yon.
Yves:
Sinasabi ko lang naman, Kenji.
Desperado na rin kasi ayaw ko na hanggang next year ito problema natin.
Laurel:
Oo. Gets ko naman pinupunto mo.

BINABASA MO ANG
A Kiss In A Crowded Room
RomanceKenji Tanaka, tumira ng tres, ch-in-at ng pinsan ni Yves.