The bravest thing that I did was to sacrifice myself because I can't bear to watch the one I love the most suffer because of me.
When we kissed inside that crowded room, I whispered that I was also staying at Forbes, so he will have an idea.
"Uwi ka na sa akin, please..." nagsusumamong pahayag ni Kenji pagkatapos naming maghalikan sa labas ng bahay ni Terrence.
I brushed my fingers through his hair and kissed him again. This time, it was deeper.
He knows about my plan. To secretly obtain the footage from Yves' car. Iyon ang una. But I heard him talking to his friends saying that they already deleted it. Kaya ang ginawa ko, iniba ko ang plano.
'Yong pagbura ng mga post ko na tungkol kay Kenji, 'yong hindi namin pagco-communicate sa phone... parte lahat iyon. I can't risk it. From time to time ay nagche-check si Terrence ng messages ko. Kaya nga maikli lang ang usapan namin ni Yves parati. Agad ko iyong tinatapos dahil alam kong mababasa ni Terrence. Panay tanggi rin ako sakaniya na wala na kami ni Kenji dahil alam kong sa oras na malaman ni Terrence na hindi naman talaga kami naghiwalay, magkakagulo.
I wanted him to hit me in front of the cctv cameras. 'Yon, matibay na ebidensya iyon. Walang cctv ang kwarto niya kaya nagpabili ako ng maliit na camera kay Kenji. Iyon ang ginamit ko.
I wanted to provoke him but I needed the right timing. Kaya hindi ko agad iyon nagawa. At no'ng nakuha ko na ang timing na gusto ko, sinulit ko.
"You are nothing compared to him! You don't even come close!" sigaw ko habang dinuduro siya. "Hindi kita matatanggap na tatay ng anak ko dahil wala kang kwentang lalaki! You will just abuse my child like what you did to me! Who knows?! Baka sabay mo pa kaming patayin!"
And there, like a volcano, he exploded. Doon na siya nagsimulang saktan ako.
Masakit. Sobra. Sa kaloob-looban ko ay takot na takot ako pero ayaw ko iyong ipakita sakaniya. At wala rin akong oras para ro'n dahil kung nagkalaman man ang tiyan ko, baka maapektuhan ang bata. Ayaw kong malaglag ito.
Sa pananakit na ginawa niya sa akin, nagtamo ako ng maliit na sugat sa gilid ng labi, at pasa dahil tumama 'yong tuhod ko sa dulo no'ng kama. Marami ring buhok ang nalagas dahil sa sabunot niya.
But his face, when I provoked him, satisfied me. 'Yong hindi mapinta dahil hindi niya inaasahang sasabihin ko iyon sakaniya. Noong kami pa, hindi ako palalaban sakaniya. Tahimik ako kapag ginaganito niya ako. Mahal ko pa noon, eh. Besides, wala naman talaga akong laban sakaniya.
Height and body difference pa lang, alam ko ng hindi ako makakapalag.
I was crying while I was driving. Paulit-ulit akong nagdadal habang humahagulgol. Ayaw kong bumangga ang sasakyan pero sa mga oras na 'yon, nasa isip ko na kung papapiliin ako kung mas gusto kong mabangga o bumalik kina Terrence, magpapabangga ako.
Pero bago ako lumayas, hindi ako pumayag na uuwing walang dala. I brought the small camera with me. Nandoon ang eksena ng pananakit sa akin ni Terrence. It will be surrendered at the police.
I was tempted so stop at Kenji's house but I didn't do it. Mahirap na dahil agad akong matutunton doon kung hahanapin man nila ako. Besides, I have to go to my family first. Sila muna bago ang boyfriend ko.
Nang bumangga ako sa gate, mabilis na naglabasan ang mga tao sa bahay. Sobrang taranta sila nang makitang ako ang nagmamaneho. Umiyak pa si Mommy at panay check sa buong katawan ko kung napano ba ako. Good thing, the impact wasn't strong. Hindi naman ako nauntog o ano pa man dahil sa seatbelt.
Seatbelt are life saver.
Natataranta sila no'n. Hindi alam kung sino ang unang yayakap o kung papaano ako yayakapin. Panay check din sila sa akin, sa mga pasa at sugat na tinamo ko. They were all worried to death and I continued to give them reassurance that I am fine and what does matter is I am already home.
BINABASA MO ANG
A Kiss In A Crowded Room
RomanceKenji Tanaka, tumira ng tres, ch-in-at ng pinsan ni Yves.