18

611 18 3
                                    

12:00 AM

crush
 iMessage 

Laurel:

are you still up?

Kenji:

Yes, why?

Okay na sugat mo?

Dumudugo pa? May masakit pa?

Laurel:

hindi na dumudugo galos ko.

oo, masakit pa katawan ko.

Kenji:

Bakit hindi ka pumalag?

Laurel:

kasi lalo akong masasaktan. binubugbog ako dati, 'di ba? tuwing pumapalag ako, mas lalo sumasakit 'yong ginagawa sa akin.

at saka no'ng hinablot niya 'yong buhok ko nanginginig na ako. hindi ko alam pero nanlalambot 'yong tuhod ko.

kasi naisip ko, "ah, sasaktan na naman ako."

Kenji:

Lau.

I'm sorry.

I really am.

Laurel:

kasama mo sila yves, 'di ba?

h'wag mo sabihin, ah?

Kenji:

Why?

Laurel:

please.

mag-aalala 'yon.

hindi mapapakali.

baka lagyan pa ako ng bodyguard noon kapag pumapasok.

Kenji:

Okay.

Sorry talaga sa ginawa ni Emily, ah?

Laurel:

kenji.

tama na nga kaka-sorry mo.

hindi naman ikaw ang nanakit sa akin.

at may isa pa akong sasabihin.

Kenji:

Ano 'yon?

Laurel:

h'wag na muna tayo magkita.

h'wag mo na muna ako ihatid sa school. may driver naman dito.

Kenji:

Lau.

Laurel:

A Kiss In A Crowded RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon