RHIANNA POV...
"Pano ba yan lola mauuna na po ako"magtatrabaho ako bilang isang katulong, para naman may pera akong pam-pagamot kay lola
May cancer ang lola kaya magtatrabaho ako
"Mag iingat ka apo, mamimis kita"naupo ako sa tabi ni lola at niyakap ko sya ng mahigpit
"Opo lola mamimis ko din po kayo"humiwalay si Lola sa yakap ganon din ako "Lola huwag na po kayong malungkot tatawagan ko naman po kayo tapos pupunta din po ako dito kapag day off ko"nakangiting dagdag ko pa
"Basta apo kapag nahihirapan ka sa trabaho mo tumigil kana ha, hindi mo naman kasi kailangang magtrabaho para lang sa perang ipang-gagamot mo sakin"napakabait talaga ng Lola ko
"Opo opo"napatingin ako kay Auntie Carla "Auntie kayo na po bahala sa lola ko"
"Oo Rhian ako ng bahala kay Lola Cara"
"Maraming salamat po Auntie"nginitian naman ako ni Auntie
"Lola aalis na po ako andyan na po ang sundo ko"pinapasundo ako ni Ma'am Lauren, ang mga anak nya ang magiging amo ko
Tumayo si Lola at hinalikan nya ang magkabilaang pisnge ko "Mamimis kita ng sobra apo"malungkot na saad ni Lola
"Ako din po la"hinalikan ko din ng pisnge ni lola "Mauuna na po ako la"tumango si Lola, kinuha ko ang bag at maleta ko
Tumingin ako kila Lola bago ako lumabas at sumakay sa van
Sobrang mamimis ko ang lola ko
Si Lola Cara lang ang pamilya ko, wala na akong mga magulang hindi ko alam kung nasaan sila, napulot lang ako ni Lola sa tabi ng kalsada noong 8 months pa lang ako
FAST FORWARD
Habang nag babyahe kami nahinto kami sa napakalaking bahay este mansion na napakaganda at napakaluwang
____________________PAGPASOK ko sa mansion, nabighani ako sa ganda at linis ng buong paligid
Habang palinga linga ako dito, may tumawag sa aking pangalan
"Rhianna"si Ma'am Lauren
Napakaganda talaga ni Ma'am Lauren, lumapit sa akin si Ma'am Lauren at bigla aqko nitong niyakap
"Mabuti at nakarating kana kanina pa kita hinihintay"humiwalay ako sa yakap
Bakit kaya ako niyakap ni Ma'am Lauren? Siguro dahil sa tinulungan ko sya sa snatcher noong isang araw
"Ah opo Ma'am Lauren"nahihiyang turan ko
"Don't call me Ma'am Rhianna"eh ano naman itatawag ko sa kanya?
"Kung ganon po ano po ang itatawag ko sa inyo?"
"Just call me Tita"tita? bakit tita?
"S-sige po t-tita"nakakailang ou
"Manang Flor!"sigaw ni tita
May lumabas na matanda galing ata sa kusina, lumapit ito sa amin, sya siguro si manang Flor
"Ano pong i-uutos niyo Ma'am?"
"Paki tawag nga po yung dalawa"sila na siguro ang magiging amo ko
"Sige po ma'am"umakyat pataas si manang Flor
"Rhianna tara muna maupo"
"Sige po t-tita"nahihiyang saad ko
Naupo kami ni Tita sa sofa
"Mabuti at tinanggap mo ang trabahong inalok ko sayo"nakangiting saad ni Tita
"Opo tita, kailangan ko din po kasi ng trabaho"sana ma-ipagamot ko ang lola ko
YOU ARE READING
Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]
Teen Fictionmagkakaayos kaya ang pamilya ng isang lalaki? mahahanap kaya ng isang kuya ang kanyang nawawalang kapatid?