chapter nineteen

259 3 0
                                    

SITLL KLEA POV...

“Denise?”saad ko ng lumabas ito sa kotse nya at lumapit sa akin

“Anong nangyari?”tanong nito

“na flat yung gulong”nakabusangot kung sagot

“san ba punta mo?”tanong nito sa akin

“eh ikaw san ba punta mo ha?”pabalik kung tanong dito

“kila Xyrus”sagot nito dahilan para mapangiti ako

“manong sasabay na po ako kay Denise”pag papaalam ko kay manong

“sige po ma'am, mag iingat ho kayo”saad ni manong

“so dun ka din ba pupunta?”tanong nito

“diba obvious”mataray kong saad at sumakay sa kotse nya

Ang kapal ng muka ko noh, hindi man lang ako nagtanong sa kanya kung pwede akong sumabay sa kanya

Sya lang naman edi hindi na ako mahihiya pa, wala naman akong hiya eh, charizzz!

nakita kong nakatayo pa din si Denise sa labas habang nakangiti“oh Denise, ano pang tinatayo tayo mo dyan tara na”saad ko dito

“a-uh ok”saad nito at umikot para sumakay sa driver seat

Dito na ako naupo sa harap para mag katabi kami ng asaw—este ni Denise HAHAHA
____________________

Napansin kong kanina pa nakangiti si Denise simula kanina

“Denise bakit kanina kapa nakangiti habang nag d-drive? May iniisip kaba?”tanong ko kay Denise

“oo may iniisip lang ako”sagot nito

Sino naman kaya iniisip nya?

“btw bakit ka nga p—”naputol ang sasabihin ni Denise

*/ring³

tunog ng cp nya, kinuha nya naman ito sa bulsa nya at sinagot nya ang tawag

Sino kaya yung tumatawag sa kanya?

“hello mom?”ani nito

Si tita Dianna lang pala kala ko babae nya

“why mom?”tanong nito

May problema kaya sila?

Ay oo nga pala may problema sila sa paghahanap kay Diane, hehehe

“ok mom bye”saad nito at binaba ang tawag

“anong sabi ni tita?”tanong ko dito

“gusto mo bang sumama sa mansion namin? Kasi may importanteng sasabihin sa akin si mom”saad nito at niliko ang kotse “pagkatapos naming mag usap ni mom tsaka tayo pupunta kila Xyrus”dagdag nito habang seryoso sa pagmamaneho

“sige”saad ko

ALLEYA POV...

“Lanz pasok na tayo dali”saad ko kay Lanz nang makababa na kami sa kotse nya

Nandito kami ngayon sa mansion nila Gio

“mag doorbell kana muna bago tayo pumasok baka pag kamalan pa tayong mag nanakaw”saad nito kaya napairap ako

“oo na”bored kung saad at nag doorbell

Maya maya pa ay may lumabas na maid at pinagbuksan kami nito

“salamat po ate”pagpapasalamat ko sa maid, ngumiti naman sya

“Leya dito na lang ba yung kotse ko?”tanong ni Lanz sa akin

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now