chapter thirteen

270 4 0
                                    

STILL RHIANNA POV...

Habang naglalakad ako, ay biglang umulan nang napakalakas

Ano ba yan

Ang malas ko naman ngayon

Basang basa na ako, woooaaahh!

“woahh ang lamig”giniginaw kung saad

Binilisan ko na lamang maglakad, kahit nilalamig na ako

Ang ginaw juskooo!

Nanghihina na din ang mga katawan ko

Selp kaya mo yan! Di ka pwedeng mamatay dito sa daan selp

“m-malapit n-na, k-k-kaunting h-hakbang na lang”nauutal kung saad dahil sa lamig na aking nararamdaman

Binuksan ko kaagad ang gate, mabuti na lang at nakabukas pa ito

Pagkapasok ko mabilis kung nilock ang pinto at nagmadaling maglakad

Unti unting nang hihina ang mga paa ko, dahilan para mapaupo ako

“t-tulong”nanghihina kung saad at nawalan na ng malay

XYRUS POV...

Palabas ako ngayon sa mansion dahil ako ang magsasara ng gate, syempre may hawak akong payong

Wala pa si mom at Gio

Si mom dun nanaman siguro matutulog sa company, si Gio naman nasa bahay nila Leya, nalaman ko lang kay Leya na nandun sya, satingin ko din dun na sya matutulog dahil ang lakas ng ulan

Habang naglalakad ako, may napansin akong babae na nakahandusay malapit sa gate

She look familiar, nilapitan ko ito

“Rhianna?”banggit ko sa pangalan nito, bigla kung nabitawan ang hawak kung payong at binuhat ko ito na parang bridal,

Dali dali akong pumasok sa mansion

“s-sir ano pong nangyari?”salubong na tanong sa akin ni manang

“manang, dalhan niyo po ng damit si Rhian at tubig na mainit sa kwarto ko”saad ko kay manang at dali daling naglakad patungo sa kwarto

Hindi ko alam kung bakit ako nag aalala kay Rhian

Dahan dahan ko itong inihiga sa kama ko

“sir?”saad ni manang

“pasok po manang, palitan niyo po sya ng damit at maliligo lang po ako”saad ko, kumuha ako ng damit at nagtungo sa bathroom

Sana naman maging ayos ka lang Rhian

Bakit sya nag pa-ulan? Dapat di na lang sya umuwi kung malakas ang ulan
___________________

Pagkatapos kung maligo, ay nagbihis na din ako dito sa banyo

Natapos na akong magbihis kaya lumabas na ako

Nakita kung pinupunasan ni manang Flor si Rhian, naupo ako sa gilid ng kama

“mabuti na lang at nakita mo sya Xyrus”saad ni manang ng matapos nito ang ginagawa nya

“oo”tipid kung saad “pwede na kanang lumabas, s-s-s-salamat”saad ko, nginitian naman ako ni manang at lumabas na ito dala dala ang planggana na mag tubig mainit

Napatingin ako kay Rhian na natutulog

Sure akong magkakaroon ito ng sakit, kaya ako na ang mag aalaga sa kanya

Ayaw ng isip ko na alagaan sya pero ang puso ko gusto, kaya susundin ko ang gusto ng puso ko

Kahit na lagi akong galit dito kay Rhian ay may natitira pa akong kabaitan para alagaan sya

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now