chapter forty

266 3 0
                                    

Alleya POV...

Para kanino kaya yong bulaklak na hawak ni Xyrus? At bakit kaya niyakap ni Rhian si Denise sa harap pa mismo ni Klea, sana naman huwag silang mag away. Lumapit si Alex kay Xyrus “ salamat sa bulaklak na yan Xyrus.”kukuhain na sana ni Alex ang hawak na bulaklak ni Xyrus ng ilayo sa kanya yon ni Xyrus. HAHA buti nga sa kanya  napahiya sya, buti na lang din at nandito na ang mga kaklase namin.

‘ow, hindi siguro sa kanya ibibigay ni Xyrus yong bulaklak’

‘masyadong paepal si ate gurl’

‘ang lakas naman ng loob nya, sya pa talaga ang kukuha ng bulaklak’

rinig kong bulong-bulungan ng mga kaklase namin. Bulong-bulungan pero rinig naman namin, tss.

“ this is not yours.”naglakad palapit sa amin si Xyrus. Bigla nyang hinila si Rhian papunta sa harapan “ This is for you my angel.” malambing nyang tugon. Omg! Para kay Rhian pala ang bulaklak na hawak ni Xyrus, kinikilig ako sa kanilang dalawa.

Nanatiling tahimik si Rhian at hindi man lang inabot ang binibigay sa kanya ni Xyrus “ tanggapin mo na ang bulaklak Rhian!”sigaw ko

‘‘oo nga Ms Sanchez!’’

‘‘yieeeeee!’’

“bagay na bagay kayong dalawa Ms Sanchez at Mr Lacadin!”

kinikilig na saad ng mga kaklase namin

Tinanggap ni Rhian ang bulaklak “ Akala ko ba p—”hindi naituloy ni Rhian ang sasabihin nya ng inilagay ni Xyrus ang isang daliri nya sa bibig ni Rhian.

“ kayo na ba?!”pasigaw na tanong ni Klea

“ hindi pa Klea pero soon.”masayang tugon ni Xyrus. Nakakainggit naman sila, sana ako din. “ now, na alam niyo na gusto ko si Ms Sanchez walang sinomang lalaki ang hahawak o yayakap sa kanya.”pangbabanta ni Xyrus

“ seloso pala ang Xyrus ni Rhian”

“ sana ako din”

“ sana all”

“ ayieeeeeeeee!”

Samut sari nilang saad

“ at bakit? Hindi naman kita bf o asawa ah.”

“ soon my angel.” Xyrus said in a husky voice. Nakita naming nag walk out si Alex kasama nya yong mga alagad nya. Hmf never kang magugustuhan ni Xyrus Alex duh!

“ gusto mo din ba ng flower?”nagulat ako sa nagsalita, nandito pala si Gio sa tabi ko. “ oh bat parang nakakita ka ng multo?”tanong nya, tinarayan ko naman sya. Ibinaling ko ang tingin kila Xyrus.

“ mauupo na tayo my angel.”malambing na saad ni Xyrus. Sakit nila sa eyes. Sabay silang naglakad pupunta na sana dito sa Rhian ng pigilan sya ni Xyrus “ from now on, dito kana sa tabi ko mauupo.” hinila ni Xyrus si Rhian at naupo silang dalawa. Lumapit naman kami sa kanila.

“ alisin niyo na ang kilig niyo mag si-upo na kayo.”saad ni Denise, masaya naman silang naupo. “ oy Dre bakit naman bawal ng hawakan at yakapin si Rhian?”masamang tumingin si Xyrus kay Denise

“ masyado ka namang seloso pinsan eh hindi pa naman kayo.”sabat ni Klea.

“ hoy kayong dalawa panira kayo ng moment nila, tara na nga maupo na din, hayaan niyo mona silang mag date dyan habang wala pa si prof.” ngising tugon ko at naglakad, ramdam ko naman na sumunod sila. Nag si-upo na kami sa upuan namin, ngayon dito na uupo yong dalawa. “ hoy Denise bakit ka ngumingiti ng mag-isa ha?”

“ I don't know why, pero ang saya ng puso ko ng yakapin ako ni Rhian kanina.”masayang tugon nya. Medyo malayo kami kila Rhian kay di kami maririnig.

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now