chapter twenty seven

237 6 0
                                    

XYRUS POV...

Nalulungkot ako dahil nakikita kung umiiyak si Rhian

Tumigil sa pag iyak si Rhian at seryosong tumingin sa amin “H-hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? O sadyang di ka lang makaintindi”malamig niyang saad “Halika na Lanz”dagdag ni Rhian at naunang lumabas

“pinsan sundan mo”bulong sa akin ni Klea, tumingin ako sa kanya at tumango sya

Tumakbo ako palabas

“Xyrus!!”rinig kung sigaw ni Alex, binaliwala ko na lamang yun

Tumakbo ako patungong garage

Sasakay na sana si Rhian sa kotse ni Lanz nang hawakan ko ang braso nya

“Rhian ako na ang maghahatid sayo”

“sir hindi na po”

“Rhian gusto kong ak—”

“sir sinabi ko na ho na HINDI na po”diniinan nito ang katagang ‘hindi’

“bakit ba ayaw mo Rhi—”

“Sir! Nagmamadali po kami diba?! Hindi na kami maka-alis nang dahil sa katatanong niyo!”sigaw nya sa akin dahilan para mabitawan ko ang braso nya

Pumasok na si Rhian sa kotse ni Lanz “Lanz!”sigaw nya mula sa loob ng kotse

“andyan na ako”saad ni Lanz

“kanina ka pa dyan?”

“medyo, intindihin mo na lang si Rhian Xyrus”saad nya at tinapik ang balikat ko

“Lanz ano ba?!”galit na sigaw ni Rhian kaya mabilis na pumasok sa kotse si Lanz at pinaandar nya na ang kotse nya at umalis na sila

“I understand you Rhian”bulong ko sa kawalan at naglakad

“Xyrus”saad ni Alex

“Anong nangyari Xyrus?”tanong ni Leya

“bakit parang ang lungkot mo kuya?”

“galit si Rhian, nasigawan nya rin ako dahil galit sya ngayon”sagot ko

“that bitch, Rhian has the courage to yell at you, you are his boss, and then he will just yell at you”halata sa boses ni Alex na galit

“ang drama naman ng babaeng yun”saad ni Camille, kaya napatingin ako sa kanya ng masama

“masyado syang paepal, n*m*t*y lang naman ang Lola nya tapos ganon na sya kung magalit”saad ni Trixie

Napatikom na lang ako sa kamao dahil sa sinabi ni Trixie

“Yo—”naputol ang sasabihin ko ng biglang tinulak ni Klea si Trixie

“Ouch!”daing ni Trixie

“Trixie, are you ok?”tugon ni Denise at tinulungan nyang tumayo si Trixie “ Klea ano bang problema mo?”

“so kinakampihan mo yang babaeng yan? Desurv nya naman yan eh, biruin mo sasabihin nya na namatay lang ang Lola ni Rhian tapos ganon na magalit si Rhian. T*nga ka ba o b*b* lang? Sino bang hindi magagalit kung n*m*t*yan ka ha? Eh kung pat*yin ko ang isa mong pinsan ha? Hindi kaba magagalit?”galit na saad ni Klea

“I'll ki—”

“Namatay lang naman ang Lola nya? Hindi mo ba alam na ang Lola nya na lang ang nag iisa nyang pamilya?! At malamang na galit sya dahil sa atin kasi hindi sya maka-alis sa katatanong natin diba? Hindi na ako magtataka kung bakit kayo mag pipinsan kasi pare-parehas lang kayong mga b*b* na hindi makaintindi sa isang tao!!!”sigaw ni Klea at galit na umalis

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now