chapter twenty

261 6 0
                                    

STILL RHIANNA POV...

“Sorry po sir Xyrus”saad ko, tumango naman si sir

“nakaka-istorbo ba ako sa bebe time nyo kuya?”tanong ni Gio kay Xyrus

“Gio”inis na saad ko at pinalo ko ito ng mahina

“daddy ti (si) mommy oh”pagsumbong nito kay sir Xyrus

Gag* talaga itong si Gio

“stop being childish Gio”saad ni sir Xyrus “nagmumuka kang unggoy na  parang umiiyak”dagdag nito dahilan para masamang tumingin si Gio sa kuya nya

Lumapit sa akin si Gio at niyakap ako nito “mommy”saad nito at nagkunwaring umiiyak

“totoo nga yung sinabi ng kuya mo muka kang unggoy”natatawa kung saad, dahilan para humiwalay ito sa yakap

“hmp”nagtatampo nitong saad at umakyat sa hagdan

“HAHAHAHAHHA”tawa ko “di mo bagay magtampo Gio!”sigaw ko

“your so beautiful”saad ni sir dahilan para mapatingin ako dito

Grave lakas ng tibok ng puso ko

“always sir”pinilit kong hindi mautal para hindi nya mahalatang kinakabahan ako

Nakita ko naman na ngumiti ito “son I miss your smile”masayang saad ni tita na kakapasok lang

Bigla namang sumeryoso ang muka ni sir “i don't care”malamig na tugon nito at umakyat sa hagdan

Woahhh! Nakakainis naman si sir, bakit ba ganon na lang magalit si sir kay tita Lauren, tsaka kauuwi lang ni tita tapos ganon nalang ang isasagot ni sir kay tita, kawawa naman si tita

Nakita kung nalungkot si tita kaya nilapitan ko ito

“ayos lang po yun tita, hayaan niyo po balang araw kusa pong ngingiti si sir sa harapan nyo”saad ko kay tita dahilan para mapangiti ito

Naupo si tita sa sofa kaya tinabihan ko ito “slamat Rhian, hindi ako nagsisisi na ikaw ang kinuha kong maging maid nang dalawa, salamat din dahil napapangiti mo ang anak ko”saad ni tita at ngumiti

“walang anuman po tita, ano po bang dahilan kung bakit may galit sa inyo si sir?”tanong ko kay tita

“namatay ang daddy nya nang dahil sa akin”malungkot na saad ni tita

Huh? Nang dahil kay tita?

“dahil po sainyo? Bakit po?”nagtataka kung saad

“iniligtas ako ng asawa ko sa mga umatake sa amin na mga armadong lalaki noon, yung isa nilang kasamahan ay babarilin dapat ako pero humarang ang asawa ko sa harapan ko kaya sya ang natamaan”saad ni tita na parang naiiyak na “nagmadali akong dalhin si Rylee sa hospital para magamot sya, nang madala na sya sa E.R ay naghintay ako ng ilang oras, sa paghihintay ko lumabas na ang doctor, tinanong ko ito kung ayos na ba si Rylee pero umiling sya dahilan para mapahagulgol ako, nang malaman ni Xyrus ang nangyari sa daddy nya nasigawan nya ako at sinisisi nya ako sa pagkamatay ng daddy nya”dagdag ni tita at pinahid nito ang mga luhang nasa pisnge nya

Nakakalungkot naman yung nangyari sa daddy nila

Mali ang ginagawa ni sir kay tita, hindi naman kasalanan ni tita kung niligtas nang daddy nila ang mommy nila na si tita Lauren

Dapat magpasasalamat pa sila dahil ang daddy lang nila ang natamaan dahil kung natamaan din si tita edi mas lalo pa silang mahihirapan

“tita bakit po nila kayo inatake?”tanong ko ulit

“hindi namin alam kung bakit nila kami inatake, sigurado akong may nag utos sa kanila”saad ni tita, at tumayo ganon din ako

Mukang inaantok si tita, pagod na pagod si tita sa trabaho nya “alam ko pong pagod kayo tita kaya magpahinga na po kayo”magalang kung saad

Ang Boss Kong Masungit [BOOK 1]Where stories live. Discover now